KILALANIN ANG MGA ANAK NI VHONG NAVARRO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI VHONG NAVARRO

 

Si Vhong Navarro o si Ferdinand Hipolito Navarro ay isinilang nong January 4, 1977. Siya ay kilalang komedyante, actor, dancer, recording artist at television host sa ating bansa. Isa siya sa mga regular host ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime. Bahagi rin si Vhong ng Streetbys dance group kasama si Jhong Hilario.

 

January 22, 2014 noong nang napabalitang nabogbog si Vhong Navarro ng grupo ng mga kalalakihan sa isang condominium unit sa Fort Bonifacio sa Taguig. Ito ang kamakailang lamang naging laman ng balita kung saan ay nakulong ang actor dahil sa rape case na sinampa sa kanya ni Deniece Cornejo ngunit nakapagpyansa makalipas ang ilang buwan.

 

Sumikat si Vhong dahil sa kanyang kakayahang galing sa komedya gaya ng sa mga pelikulang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, Woke Up like this bilang si Nando, Buy Now Die Later bilang si Odie, at sa Da Possessed bilang si Ramon.

 

Si Bianca Lapus ang unang naging asawa ni Vhong Navarro kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki. Ito ay sina Fredrik at Isaiah.

Si Fredriek ang panganay na anakni Vhong. Nagtapos si Fredriek sa kolehiyo noong 2020. Siya ay nas 24 na taong gulang na sa kasalukuyan. Nagtapos si Fredriek ng Bachelors dgre in Information Technology sa University of Sto. Tomas.

Ang isa pang anak ni Vhog ay is Isaiah. June nitong taong ito ay nagtapos na rin si Isaiah sa kolehiyo sa University of Sto. Tomas.

 

Naghiwalay si Vhong Navarro at ng kanyang unang asawa nong 2008. Taong 2019 naman ay nagpakasal muli si Vhong sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Bautista.

 

Marami ang haka-haka tungkol sa kinahaharap ngayon ng actor. Marami ang sumusuporta ngunit marami rin ang kumakalaban sa kanya.  Ngunit para sa asawa at mga anak ni Vhong ay siya ang tunay na nagbibigay ng ngiti sa kanila.


KILALANIN SI ROBERT SEÑA AT ANG KANYANG ANAK



Si Robert Sena ay nakilala sa palabas na Wat Floor Maam noong 2009. 2015 ay lumabs rin siya sa Ang probinsyano at noong 2021 ay sa palabas na Encounter.

 

Ang kanyang unang major solo concert na may pamagat na showtime ay naging hit sa mga tagatangkilik.

 

Dahil sa kanyang husay sap ag-arte sa mundo ng showbiz ay nanominate siya noong 2003 bilang best actor sa isang Play/musical ng Aliw Award dahil sa kanyang role sa Bayan Isang Paa na lamang at Spolarium ni Juan Luna. Sa ganoon ding taon ay nakatanggap siya ng Best Singer in Theater category sa Tinig Awards.

 


Hindi lamang nakilala sa ating bansa si Robert kundi maging sa ibang bansa gaya ng Europe. Nakasama siya sa Miss Saigon sa Germany at London at maging sa Hey! Mr. Producer na ginawa sa London.

 

Habang sa siya ay nasa London ay nag-aral siya ng prosthetic make-up sa Greasepaint. 

 

Bagaman nagsimula siya sa mundo ng musika ay nakilala siya sa Theatro kung saan gumanap siya ng iba’t-ibang roles sa mga palabas pan tiatro.

Ang kanyang pinaka sikat na nagawang role ay bilang Engineer sa Miss Saigon ni Lea Salonga.

 

Ang kayang asawa ay si Isay Alvarez na nakilala sa La Vissa Loca noong 2005 at nagkaroon sila ng anak na lalaki. Ito ay si Robeto Sena.

 


Si Roberto ay isang vocalist ng indie rock band na She’s Only 16. Ang kanilang banda ay nabuo noong 2012. Tila hindi naman magkasudo ang mag-ama pagdating sa pulitika. Matatandaan na nag tweet si Roberto patungkol sa pagiging DDS umano ng kanyang mga magulang matapos na magsara ang ABS CBN na naging tahanan ng mga ito. Pinayuhan naman siya ng ilang mga netizens nap ag-usapan na lamang nila ito sa kanilang pamilya.

 


KILALANIN SI JEFFREY QUIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK




Si Jeffrey smith Quizon ay isinilang noong January 23, 1973. Siya ay isang kilalang actor, television host at anak ng batikang actor a si Dolphy Quizon. Kilala siya bilang kontrabida sa pelikulang Lastikman bilang si Jepoy o Stryker noong 2003. Anak siya ni Dolphy kay Pamela Ponti. Kapatid niya sina Ronnie Quizon, Eric Quizon at Madonna Smith Quizon.

 

Ilan sa mga hulking pelikulang nagaa ni Jeffrey Quizon ay ang mga pelikulang Princess DayaReese bilang si King Amala, The Art of Ligaw bilang si Jake, Unli Life bilang si Rodolfo “Dolphy Quizon at sa sikat na palabas na Goyo: ang Batang Heneral bilang si Apolinario Mabini.

 


Hanggang sa kasalukuyan ay aktibo parin si Jeffrey sa mga palabas pantelebisyon. Ilan sa mga palabas na kanyang kinabilangan ay The Gift noong 2019 bilang si Gabriel, Flower of Evil bilang si Noel nito lamang taong ito at sa Voltes V: Legacy.

 

Si Jeffrey Quizon rin ang naging producer ng pelikulang Bukal noong 2021 at naging Assistant Director sa mga palabas na Langti sa Piling Mo, Pagdating ng Panahon, at Ms. Kristina MoranL Ang Babaeng Palaban.

 

Nagatanggap rin si Jeffrey Quizon ng mga Gawad parangal gaya ng sa MMFF bilang Best Supporting Actor, Best Producer at OutstandingAchievement Award bilang Direktor ng Indie Short Fest sa pelikulang bukal noong 2021.

 


Si Maria del Rosario Camus Escdero ang asawa ni Jeffrey Quizon at mayroon silang dalwang anak. Ito ay sina Eleana Mishael Quizon at si Sandro Quizon. Kitang kita ang ka kyutan sa batang si Misha.


KILALANIN SI ALVIN ANSON AT ANG KANYANG MGA ANAK




Si Alvin Lorenz Cristobal Anson ay isinilang noong Octobre 20, 1962. Siya ay isa sa mga batikang actor, producer, director, TV host at musician sa ating bansa.

 

Nagtapos si Alvin ng Engineering and Liberal Arts degree minor in music sa San Francisco State University.

 

Naging isang musician at dancer si Alvin ng ilang mga disco sa United States. Sa maagang bahagi ng dekada 90 ay na feature ang kanyang pagsasayaw sa isang commercial ng Swatch. Higit siyang nakilala sa ibang bansa noong 1995 dahil sa kanyang aking galing sa pagkanta hanggang sa siya ay maisabak sa mundo ng pelikula kasama sina Ronnie Ricketts at Rudy Fernandez.

 

Si Alvin ay ang nakababatangkapatid ng sikat at batikang aktres na si Boots- Anson-Roa.

 

Napabilang si Alvin sa mga sikat na pelikula gaya ng Goyo: Ang Batang heneral bilang si Jose Alejandrino. Way of the Cross,  Expressway at Showdown in Manila.

 

Marami rin siyang ginawang mga palabas pantelebisyon na kung saan ay gumaganap siya bilang kontrabida. Ilan sa mga ito ay Ang Sa Iyo ay Akin bilang si Ramon Villarosa, Sino ang May Sala? Bilang si Yandro Torres at maging sa katatapos na Ang Probinsiyano bilang si Alvaro.

 

Nanalo si Alvin ng Best Actor Award sa kanyang pagganap ng lead role sa pelikulang Expressway. Iginawad ito sa kanya noong 2016.

 



Hindi gaanong bukas sa publiko ang buhay ni Alvin. Dahil bibihirang makikita sa kanyang mga social media account ang mga larawan ng kanyang pamilya. Mayroong dawalang anak na bababe si Alvin Anson. Ito ay sina Alyana at Kayla Anson. Kakikitaan naman ng ganda ang magkapatid na namana nila sa kanilang mga magulang.





KILALANIN NATIN SI ACE VERGEL AT ANG KANYANG ANAK

KILALANN SI ACE VERGEL AT ANG KANYANG ANAK

 

Si  Ace Vergel o si Ace York Caesar Asturias Aguilar sa tunay na buhay ay isinilang noong November 20, 1954.

 

Si Ace Vergel ang isa sa mga batikang aktor na nakilala sa ating bansa dahil sa kanyang mga maaaksiyong pelikula. Una siyang gumanap bilang batang aktor noong 1959 sa pelikulang Anak ng Bulkan na pinagbibidahan aman nina Edna Luna at Fernando Poe Jr.

Siya ay anak ng isang batikang aktres na si Alicia Vergel at ng actor na si Cezar Ramirez na kapwa mga sumikat noong dekaka 50.

Nagtapos si Ace ng Business Management in Public Relations sa Ateneo de Manila University noong 1975.

 

Sa edad na 15 ay sumabak si Ace sa pelikula bilang leading man ni Nora Aunor sa isang musical film na Nineteeners ngunit hindi nag hit ang kanilang tambalan.  Matapos ito ay muli siyang gumanap sa pelikulang Ina na kung saan ang mismong ina niya ang gumanap ng title role. Noong 1978 naman ay nagbida siya sa pelikulang Batang City jail at sa kauna-unahang miniseries na palabas sa bansa ang Malayo pa ang Umaga na hang sa nobelang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana.

 

Noong 1989 ay nagwagi siya bilang pinakamahusay na aktor sa Gawad Urian dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Anak ng Carbon.

Napangasawa ni Ace asi Maya dela Cuesta at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Ito ay si Alejandro King dela Cuesta Aguilar.




Naging bahagi si King ng music video na Twist the Knife na mapapanood sa Youtube channel na The Strangeness. Naging bahagi rin si King ng Class A actors ng talent manager na si Ogie Diaz. Naging bahagi rin siya ng PETA theatre Workshop. Gaya ng kanyang ama ay hindi rin Madali para kay King na makuha ang mga mata ng publiko upang sumikat sa mundo ng showbiz industry.

 

Marami ang nagulat at nalungkt nang sumakabilang buhay na si Ace Vergel dahil sa atake sa puso noong December 15, 2007 sa edad na 53 taong gulang. Hindi ito inaasahan ng kanyang pamilya at mga tagahanga. Bagaman matagal nang panahon na namaalam si Ace Vergel ay patuloy paring tinatangkilik ang kanyang mga pelikula na naging bahagi na ng buhay ng mga ordinaryong Pilipino.


ALAMANIN NATIN ANG BUHAY NI JESS LAPID NGAYON


Isa marahil si Jess Lapid Jr. sa action star na naging paborito mong panooorin. Si Jess Lapid ay anak ng batikang actor na si Jess Lapid Sr at Bella Flake Lapid.


Isinilang si Jess Lapid sa Caloocan noong March 22, 1962. Madalas rin siyang mapagkamalang nakababatang kaatid ni Lito Lapid ngunit ang totoo ay sila’y magpinsan ng actor at ngayon ay senador na si Lito Lapid.

Malungkot ang naging buhay ni Lito Lapid dahil sa noong siya ay bata pa lamang ay Nawala na ang kanyang ama. Siyam na taong gulang pa lamang noon si Jess nang paslangin ang kanyang ama.

Nagsikap si Jess na umangat sa buhay kaya’t sa edad na 17 ay pinasok niya ang pag-aartista.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Jess Lapid Jr ay Ang Bagong Kardong Kidlat noong 1980, Kaliwete Brothers noong 1981 kasama si Efren Reyes Jr. Basagulero Ang Lover Ko, Simaron at Mga Pambato kasama sina Rudy Fernandez, Ace Vergel at Philip Salvador.

Matapos na humina ang produksiyon ng mga maaksiyong pelikula noon ay Nawala rin bigla si Jess Lapid sa mga mata ng camera. Maging sa mga palabas pantelebisyon ay hindi na nakikita ang actor.


Noon lamang 2016 ay nakita si Jess Lapid sa FPJs ang probinsya na na pinagbibigahan ng walang kamatayang si Cardo Dalisay o si Coco Martin.

Kaya’t ang tanong ngayon ng maraming mga tagahanga ni Jess Lapid ay nasaan na ang actor?

 

Maliban sa pagiging isang film at fight director ay isa ring scuba course director at underwater director of photography si Jess Lapid. Ito ngayon ang negosyong o trabahong pinagkakaabalahan ng actor.

 


Taong 1989 ay nagawaran si Jess ng CMAS Japan bilang Open Water Diver.

Pagkatapos ay naging Advance Diver noong 1992 at Rescue Diver noong 1993.

Naging 4-star Dive Master noong 1994 at Assistant Instructor noong 1995.


Taong 1996 ay naging 2 Star Instructor siya at taong 2010 ay naging 3-star Instructor ng CMAS Philipines. Noong 2015 ay sia na ang naging Course Director ng CMAS Philippines.

Kasakasama ni Jess Lapid ang kanyang mga anak ay pinamamahalaan ni Jess Lapid ang pagmamay-ari nilang Pacifico Azul Diving Resort na dinarayo ng marami nating ma kababayan dahil sa ganda ng lugar. Ang nasabing Diving resort ay matatagpuan sa Anilao, Batangas.

ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI DANTE VARONA NGAYON


ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI DANTE VARONA NGAYON

 

Si Dante Varona ay isinilang noong September 06, 1953 at siya ay nasa 69 na taong gulang na sa kasalukyan.Siya ay dating actor at film director at itinuring siyang isa sa pinaka sikat na actor mula 1970 hanggang 1980 kasama sa pagsikat ng mga actor na sina Fernando Poe Jr., dating Pangulong Joseph Estrada, Jun Aristorenas, Ramon Revilla at marami pang ibang action star.

Nagsimula si Dante Varona sa paggawa ng pelikula noong ginawa niya ang Magnificent Siete Bandidas noong 1968. Naging lead actor din siya sa mga pelikulang Stuntman noong 1970, Leon Dimasuil noong 1973 at Gulapa noong 1977 kasama si Ramon Revilla.

Sumikat ng husto si Dante Varona dahil sa kayang pagtalon sa San Juanico Bridge sa Samar, Leyte para sa pelikulang Hari ng Stunt noong 1981.

Kabilang sa mahigit 100 pelikula na ginawa pa ni Dante ay Hari ng Stunt, Ermitaño, Kung Tawagin Siya’y Bathala, at The Raging Anger at Bangkay Mo Akong Hahakbangan.

Ngayon ay hindi na napapanood sa pelikula at mga palabas pan telebisyon ang Hari ng Stunt. Kaya’t ang tanong ng marami sa kanyangmga tagahanga ay nasaan na ngayon si Dante Varona?

Matapos iwan ang showbiz at lumipat sa Amerika si Dante Varona. Ikinuwento ng dating sikat na action star na nagtrabaho siya doon bilang janitor at security guard sa nasabing bansa.

Ayon sa tunay na Dante Varona, iniwan niya ang showbiz dahil nagkagulo sa movie industry kung saan pinasok din niya ang pagpo-produce ng pelikula.

 

Kwaento niya, dahil sa maliit lamang siyang producer ng pelikula ay nadaganan ang kanyang mga booking sa pelikula.

 

Sa kanyang pagdating sa Amerika ay may nakilala anya siyang may-ari ng janitorial services at doon ay pumasok siya bilang janitor. Matapos ang ilang taon niyang pagtatrabaho bilang janitor ay nalipat siya sa pagiging secury personnel hannga sa siya ay mag retiro.

Sa ngayon, kampante na si Dante sa kaniyang simpleng buhay sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya at mayroon na rin siyang mga apo.

 

Hindi na rin daw niya hinahanap-hanap ang pag-aartista. Katunayan, may mga kababayan daw na gumawa ng pelikula na kinukuha siya pero tinatanggihan niya.

 

Pero pag-amin ni Dante, gaya ng hindi niya inaasahang na magiging artista siya, hindi niya rin daw inaasahan na maninirahan siya sa Amerika.


ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI JAY MANALO NGAYON

ALAMIN ANG BUHAY NI JAY MANALO NGAYON

 

Si Jay Manalo o si Jay Lan Manalo sa totoong buhay ay isinilang noong January 30, 1976 sa Saigon, South Vietnam. Siya ay isang Filipino-Vietnamese actor at model. Bagaman isinilang siya sa South Vietnam ay lumaki siya sa Tondo, Maynila. Ang kanyang ama ay si Eustaquio Manalo na isang Filipino musician nanaka base sa Vietnam noong Vietnam war  at ang kanyang ina ay isang Vietnamese.

 

Matapos na Manalo si Jay bilang 1st runner up ng SM Man of the Year ay naging model at endorser siya ng Blowing Bubbles.

Nakilala si Jay sa pelikulang Brat Pack noong 1994 at kalaunan ay naging lead character sa ikalawang pelikulang Paracale Gang na ipinalabas noong 1996 at sinundan ng Urban Rangers.

 

Sa ganun ding taon ay lalong nakilala si Jay noong siya ay gumanap ng mga sexy roles sa pelikulang Gayuma kasama si Amanda Page. Dahil sa kanyang looks at appeal sa publiko ay naging larawan siya ng mga sexy movies noon sa ating bansa. Ilan sa mga sumunod pang pelikulang kanyang ginawa ay Totoy Mola, Kool Ka Lang, Kaliwa’t Kanan, Sakit sa Katawan, Bayad Puri, Bawal ng Halik at Balahibong Pusa.

 

Dahil sa tinataglay na gandang lalaki ay anim ang babaeng nagmahal kay Jay Manalo. Mula sa anim na babaeng kanyang minahal ay nagkaroon siya ng labindalawang mga anak.

 

Sa ngayon ay namumuhay ng masaya si Jay Manalo at ng kanyang asawang si Raizza kasama ang kanyang limang anak.

 

Sa kwento ni Jay sa kanyang interview kay Aster Amoyo ay nakakasama naman niya ang kanyang iba pang mga anak mula sa lima pang babaeng kanyang minahal. Katunayan ay nagsasama sama pa anya ang kanyang mga anak tuwing nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan.

 

 


ALAMIN ANG BUHAY NI EFREN REYES JR NGAYON


ALAMIN ANG BUHAY NI EFREN REYES JR. NGAYON

 

Isinilang si Efren Reyes Jr. sa Baguio City noong June 25, 1959. Siya ay ang ikaapat na henerasyon ng mga actor mula sa lahi ng mga Reyes. Siya ay anak ng batikang actor na si Efren Reyes Sr. sa actress, director at film producer na si Virginia Montes. Kapatid rin niya ang aktres na si Cristina Reyes at apo sa tuhod ng kilalang manunulat ng na si Severino Reyes o mas nakilala bilang si Lola Basya sakanyang mga panulat.

 

Ang buhay artist ani Efren ay nagsimula nang sila ang nakasama sa pelikulang Eskinita 29 noong 1968 bilang isang child actor. Mula naman sa taong 1980 ay gumanap rin siya bilang actor star sa mga pelikula gaya ng Tapos na ang Lahi Mo, Hadji Djakiri noong 1990 at Nestor Solis. Ngunit noong 1989 ay mas nakilala siya sa kanyang galing sa pag-arte bilang kontrabida.

 

Bilang isang manunulat ay siya ang may akda ng mga pelikulang Sa Iyo ang Itaas, sa Aking ang Ibaba ng Bahay oong 1997, Tapatan Ko ang Lakas Mo noong 1999 at Pasasabugin Ko ang Mundo Mo noong 2000.

 

Naisama si Efren sa mga nominado sa FAMAS Award at Gawad Urian Awards noong 1990s.

 

Bagaman humina ang produksiyon ng mga maaksiyong pelikula ay patuloy nating nakita ang galing ni Efren Reyes sa kanyang mga pagganap sa mga palabas pantelebisyon. Dahil sa kanyang husay ay hindi parin kumukupas si Efren sa kanyang pag-arte katunayan ay hanggang sa kasalukuyan ay nakakasama siya sa mga pelikula at palabas pantelebisyon. Ilan sa mga pelikula na kanyang kinabilangan ay Durugin ang Droga noong 2017, The Lookout noong 2018 at Bato: The General Ronald dela Rosa Story ng regal entertainment noong 2019.

 

Ang ilan namang mga palabas at programang pantelebisyon na kanyang kinabilangan ay Los Bastardos bilang si Rober Esperanza  noong 2018 at A soldiers Heart noong 2020. Namumuhay ngayon si Efren ng masaya kasama ang kanyang pamilya.


KILALANIN SI ANGEL CONFIADO AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI ANGEL CONFIADO AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Isa si Angel Confiado sa mga batikang actor sa ating bansa. Nakilala siya sa mga pelikulang Assignment Hongkong noong 1965, Mga Bagong Salita sa Maynila noong 1966 at sa pelikulang Kalinga noong 1969.

 

Nagsimula si Angel Confiado bilang character actor sa mga palabas mula sa mga produksiyon ng silent films hanggang sa LVN pictures.

Naging aktibo si Angel Confiado haggang sa kalagitnaan ng dekada 90. Sa edad na 94 ay pumanaw ang actor.

 

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan ng actor ay ang Ikaw ay Akin, Batman Fights Dracula, Shake Rattle and Roll V bilang si Mang Isko, Impakto bilang is Manong, at Kapitan Inggo.

 

Apat na lalaki ang anak ni Angel Confiado sa kanyang asawa. Ito ay sina Mon Confiado, Kai Confiado Aguilar, Joseph Aguilat at Albert Confiado.

 

Si Mon ang panganay sa mga magkakapatid. Si Mon ay isang batikang actor sa ating bans ana lumabas sa mahigit sa 300 mga pelikula. Maliban sa pagiging actor sa ating bansa ay lumabas rin siya sa mga pelikula sa ibang bansa. Ilan sa mga ito ay sa pelikulang In the heart of the Night kasama ang actor na si Rod Steiger, KnightRider kasama si David Hasselhoff at sa pelikulang Captive kasama ang award winning French actress na si Isabelle Huppert.

Dating naging kasintahan ni Mon ang actress na si Juliana Palermo noong 2007.Nanatiling pribado ang buhay pag-ibig ni Mon sa publiko.

 

Ang mga kapatid ni Mon na sina Kai, Joseph, at Albert ay Negosyo ang pinasok na hanap buhay. Sila ang nag-mamay-ari ng 22nd Street Comedy Bar sa Antipolo, Las Pias, Cebu at ng ILOVESTEAK steak house at ROCK STREET Live Bar sa Cebu City.

 


KILALANIN SI JUN ARISTORENAS AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI JUN ARISTORENAS AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Jun Aristorenas ay isinilang noong Mayo 7 1933 at namayapa noong taong 2000. Siya ay isang artista sa ating bansa na unang gumanap sa ilalim ng Sampaguita Pictures sa pelikulang Kurdapya kung saan isa lamang siyang bit player na ang kanyang ginampanan ay isang nagbabaras na lalaki habang papalapit ang pangit na si Kudapya na ginampanan ni Gloria Romero.

 

Pangalawang pelikula ay isinabak sa mga batikang artista tulad nina Cesar Ramirez, Alicia Vergel at Van de Leon ng Sampaguita noong 1955. Hanggang sa lumipat sa bakuran ng LVN Pictures subalit di talaga siya nakatadhanang sumikat sa tatlong malalaking kompanya ng pelikula.

Sumikat siya noong maagang bahagi ng dekada 60. Nakilala siya dahil sa kanyang western roles sa mga pelikula na sumikat ng husto gaya ng mga pelikulang Sagupaan ng mga Patapon, Dugong Tigre at Apat ng Bagwis.

Ilan sa pa sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Pag Oras Mo, Oras Mo Na noong 2000, Matalino Man ang Matsing Na-iisahan Din sa pareho ring taon.

Nakasama rin siya sa mga pelikulang Hagedorn bilang si Mr. Angeles, Urban Rangers bilang si Zaragoza, Marami ka Pang kakaining bigas bilang si Eric at sa Cuadro de Jack bilang si Joe.

Maliban sa isang magaling na actor ay isa rin siyang film director at producer at isang dancer.

 

Siya ang ama ng mga artistang sina Robin, Peter at Junar sa dating asawang si Virginia.

Si Robin ay kilala rin bilang Child Wonder. Nakilala siya bilang si Robin. Ipinanganak siya boong 1964 sa dating actress na si Virginia. Ang mga palabas na kinabilangan niya ay Batman and Robin, Central Luzon, Tarzan and the Brown Prince noong 1972, Mga Anak ni Harabas noong 1977 at Estong Balisong noong 1981.

 

Isa ring actor si Pete Aristorenas na nakilala sa mga pelikulang El tigre noong 1969, Tatlong Patapon at The Samurai Fighters sa pareho ring taon.

 

Si Junar naman ay lumabas rin sa mga pelikulang Col. Billy Bitbit, RAM noong 1994, Itataya ko ang Buhay Ko noong 1996 at sa Pintsik noong 1994. Noong 2011 ay napabalitang isa si Junar sa mga nahuli ng Paranaque policemen sa ginawang Oplan Sita kung saan nakuhanan sila ng ilang sachet ng marijuana.


KILALANIN SI VIC DIAZ AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN ANG MGA ANAK NI VIC DIAZ

 

Dahil sa kanyang anyo gaya ng kanyang malapad, masayang ngiti, mapupungay na mga mata, itim na bigote, at umuusbong na tiyan, ay madalas siyang gumanap bilang character actor sa mga horror films. Siya ay madalas na maikumpara sa actor na si  Peter Lorre.

 

Ipinanganak si Vic Diaz sa Maynila noong 1932, unang binalak ni Vic na maging isang abogado dahil sa ang kanyang ama ay isang Punong Mahistrado.

Pagkaraan ng apat na taon ng pagsasanay sa abogasya ay tila  hindi nararamdaman ni Vic ang kasiyahan sa napiling propesyon kaya’t nagpasya siya na ituloy ang isang karera sa pag-arte.

 

Nagsimula siyang magtanghal sa mga teatro noong 1949. Sa huling bahagi ng 1950s sinimulan niya ang kanyang napakahabang karera sa pelikula. Nakilala siya sa pelikulang The Day of the Trumpet noong 1958.

Hindi nagtagal ay nakakuha si Vic ng napaaraming proyekto sa mga palabas na ginawa ng mga director na sina Eddie Romero at Cirio H. Santiago.

Kabilang sa kanyang madalas na maging role sa pelikula ay isang walang awang smuggler ng brilyante sa pelikulang Monte Hellman's Flight to Fury (1964).

Ginampanan naman niya ang isang tuso at mapanlinlang na Satanas sa The Beast of the Yellow Night noong 1971, isang magiliw na mekaniko sa pelikulang The Losers noong 1970 ni Jack Starrett at isang flamboyant homosexual prison guard sa nakakatuwang chicks-in-chains send-up ni Jack Hill na The Big Bird Cage noong 1972.

 

Noong 2001 ay kinailangan niyang kusang huminto sa pag-arte dahil sa katandaan at hindi magandang kalusugan. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagreretiro, hindi maitatatwa na maraming magagandang kontribusyon sa industriya si Vic Diaz na patuloy na nagpapasaya at nagbibigay-aliw sa mga tagahanga ng kanyang mga pelikula sa mga susunod pang mga taon.

 

Nagkaroon ng mga anak si Vic Diaz sa kanyang asawang si Kit Diaz. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Teddy Diaz

Si Teddy Diaz ay isinilang noong Abril 1, 1963 sa Maynila at namayapa naman noong Agosto 21, 1988. Siya ay kilalang Filipino Musician at composer. Nakilala siya dahil sa siya ang founder at original guitarist ng bandang The Dawn.

Isa siya sa mga sumulat ng kanilang unang singles na “enveloped Ideas” at ng popular na hit song na Salamat na narinig noong 1989.

Sa rurok ng kanyang tagumpay at kasikatan noogn dekada 80 ay sinaksak siya ng dalawang taong pinaghihinalang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Nangyari ito sa harap mismo ng bahay ng kanyang kasintahan.

 

Ang dalawa pang anak ni Vic Diaz ay sina Loren Diaz at Carl Diaz na pawang mga pribado ang mga pamumuhay.

 

 


KILALANIN SI SUBAS HERRERO AT ANG KANYANG MGA ANAK

KILALANIN SI SUBAS HERRERO AT ANG KANYABNG MGA ANAK

 

Si Ricardo Herrero na mas nakilala natin sa mga pelikula bilang si Subas Herrero ay isa sa mga batikang actor na kadalasang gumanap bilang boss ng mga kontrabida. Siya ay may lahing Espanyol. Maliban sa pagiging kontrabida ay isa rin siyang komedyante at magaling ring kumanta.

 

Nakilala si Subas Herrero sa pelikulang Champoy noong 1980s. Isang Philippine Gag Show. Lumabas rin siya sa mga pelikulang Bakekang noong 1878, Karapatan ko ang Pumatay, at Kapitan Guti noong 1990.

 Gumanap siya bilang si Padre Damaso sa Noli Me Tangere television film noong 1992.

 

Naging aktibo si Subas Herrero sa showbiz industry hanggang sa noong siya ay na stroke noong 2000.

 

Kasal si Subas Herrero kay Maripaz kung saan nagkaroon sila ng limang anak. Ito ay sina Cutuy Herrero, Marimi Herrero Jaarsma, Sandra Herrero Gonzalvez at Choy  Herrero.

 

Siya ang gumanap bilang ssi Emilio Torralna sa Pelikulang Pagbabalik ng Probinsyano. Madalas siyang gumanap bilang isang Don sa pelikulan gaya ng sa pelikulang Yakapin Mo Ako Muli bilang si Don Simeon, Jesus dela Cruz at amg mga Batang Riles bialng si Don Rosende, Alyas Pogi 2 bialng si Don Felipe, Manong Gang: ang Kilabot ang ang Maganda bilang si Don Leo Cordero at marami pang ibang mga pelikula.

 

Noong 2010 ay sa United States na nanirahan ang buong pamilya ni Subas Herrero maliban lamang sa isa niyang anak na si Choy na mas piniling manirahan dito sa Pilipinas.

 

Namatay si Subas Herrero sa Rochester, New York noong March 14, 2013 dahil sa pulmonary embolism. Bago ito ay mahabang panahon rin siyang naka wheelchair dahil sa stroke at iba pang mga sakit na bunga ng kanyang diabetes.

 


KILALANIN SI DOMINIC OCHOA "LINDOL MAN" AT ANG KANYANG ANAK

KILALANIN SI DOMIIC OCHOA AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Ang tunay niyang panagalan ay si Jose Madrigal Ochoa na mas nakilala natin sa mundo ng showbiz bilang si Dominic Ochoa. Siya ay isang magaling na actor, komedyante, model at naging bahagi ng ABS CBN homegrown talents na Star Magic. Nakabilang siya sa pang apat na batch ng nasabing programa.

 

Unang lumabas sa telebisyon si Dominic noong nabigyan siya ng pagkakataon bilang guest sa TSIS ng GMA Network noong 1996. Matapos na lumipat sa ABS CBN a taong ding iyon ay napabilang siya sa oriented dramaTV program na Gimik. Kalaunan ay naging bahagi ng Super Laff In. Ito ang una niyang komedy show kasama ang namayapang si Redford White. Nagtrabaho si Dominic sa nasabing TV channel sa mahigit sa 26 na taon hanggang sa kasalukuyan.

 

Marami na ring mga pelikula at palabas ana nagawa si Dominic at sa ilan sa mga ito ay nakasama pa niya ang mga sikat na actor na sina Rico Yan, Marvin Agustin, Vhong Navarro at marami pang iba.

 Noong mga nakaraang taon ay akabilang siya sa mga palabas na Saying Goodbye, 2 Good 2 Be Truem at ngayon ay sa mga kasalukuyang palabas gaya ng Abot-Kamay na Pangarap at ang Mars Ravelos’s Darna bilang si Lindol Man.

 

Nagawaran rin si Dominic bilang Best Drama Actor noong 2000, best Performance at Best Talent Search Program Host.

Kasal si Dominic sa isa sa mga pinakamahusay ng make up artist sa bansa na si Denise Go. Ilan sa mga sikat na tumatangkilik sa kanyang galing ay sina Toni Gonzaga, KC Concepcion, Sarah Geronimo, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria at maging si Kathryn Bernardo.

 

Mayroong anak si Denise at Dominic ito ay si Sandro. Bata pa man si Sandro ay kakikitaan na ito ng talino at pagiging responsabling anak. Maaring sundan rin si Sandro ang yapak ng kayang ama sa pagiging isang artista sa darating na panahon.

 

KILALANIN SI VICTOR NERI AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI VICTOR NERI AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Isa sa mga magagaling na aksiyon star na naging laman ng mga senihan at palabas mula noong dekada 90 ay si Victor Neri o si Victor Luis Juan Hilado Neri sa totoong pangalan. Siya ay isinilang noong February 19, 1976.

Ang mga pelikulang Suspek, Amanos: Patas ang Laban, Iskalawag:Ang Batas ay Batas, Birador, at Ex-Con ay ilan lamang sa kanyang mga ginawa noong mga panahong bentang benta ang mga maaksiyong pelikula sa senehan.

 

Bagaman humina ang produksiyon ng mga action films ay hindi gaanong naapektuhan ang karera ni Victor Neri dahil sa kanyang husay sa pag-arte, kaya’t maging sa mga madadramang pelikula at teleserye ay humahataw parin ang kanang karera hanggang sa ngayon.

Katunayan ay kasama siya sa mga palabas na naging paborito mong panoorin at marahil ay naging bahagi na ng buhay mo gaya ng mga palabas na FPJs Ang Probinsyano bilang si Mayor Anton Guerrero, La Luna Sangre bilang si Frederick Arguelles, at maging sa palabas na The World Between Us bilang si Dr. Arthur Enriquez.

 

Sa kasaalukuyan ay isang chef si Victor Neri sa kanyang restaurant na tinawag niyang Saute. 2007 nang sandalling huminto si Victor Neri sa showbiz pang mag-aral ng Culinary Arts sa Le Cordon Bleu sa Bangkok, Thailand. Maliban sa pagiging chef ay nag-aral din siya ng Bomb disposal technician sa Philippine Coastguard.

Sa videong ito ay kilalanin rin natin ang mga anak ni  Victor Neri.

1. Vito Neri




Si Vito ang panganay na anak ni Victor Neri. Isa ring actor si Vito kung saan nakasama pa niya ang kanyang ama sa pelikulang A Short History of Bad Things na entry ng Cinema One Originals.

Proud naman si victor neri kay Vito. Sa isang interview ay sinabi pa nitong mas gwapo anya sa kanya ang kanyang anak. Nasa 21 taong gulang na ngayon si Vito.

 

Ang mismong amang si Victor ang nagtrain sa kanang anak na si Vito sa mga pag-arte. Siya ang mismong manager ni Vito.

 

May isa pang anak na lalaki si Victor Neri na nasa siyam na taong gulang pa lamang at ayon kay Victor Neri ay magaling din anya itong umarte.

 

 


KILALANIN SI VAL SOTTO AT ANG KANYANG MGA ANAK


Si Valmar Castelo Sotto ay ipinanganak noong March 23, 1945 at mas nakilala natin siya bilang si Val Sotto sa mga palabas pantelebisyon at Pelikula.  Maliban sa pagiging actor ay isa rin siyang singer, composer at magaling na komedyante.

 

Siya ang isa sa mga bokalista ng Filipino band na VST & Company.Lumabas siya sa mga pelikulang Agila na ipinalabas oong 1987 hanggang 1992 sa RPN at ABS CBN na naiproduce ng TAPE Inc.

 

Si Val Sotto ay apo ng dating Senador na si Vencente Sotto na nagsilbi mula noong 1946 hanggang 1950. Siya ang nagkakatandang kapatid ng dating Senador na si Tito Sotto at ng sikat na actor at komedyante na si Vic Sotto.

Ilan sa mga peliklang nagawa ni Val Sotto ay ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote noong 2013, Anteng Ng Ina Mo noong 2011, Mr. Suave noong 2003 at maging ang Lastikman sa taong ding iyon kung saan ang kanyang kapatid na si Vic Sotto ang naging pangunahing actor.

 

Maliban sa pagiging actor ay nagsilbi rin sa bansa si Val bilang councilor ng ikalawang distrito ng Paranaque mula 2004 hanggang 2013.

 

Kasal si Val Sotto kay Thesesa Marco Sotto mula noong December 1969 at nagkaroon sila ng apat na anak . Tatlo ang babae at isa ang lalaki. Sa videong ito mga kasama ay kilalanin natin ang mga anak ni Val Sotto.

 

 

1. Valerie Sotto

Isa si Valerie Sotto sa mga anak ni Val Sotto na nagtataglay ng kagandahan. Ayon sa kanyang social media account sa twitter ay kasalukuyan siyang nasa Philadelphia.

Gaya ng maraming mga Kapuso ay Fan na Fan din si Valerie ng Aldub na pinagtambalan nina Dubsmash Queen na si Maine Mendoza at ng Pambansang Bae na si Alden Richard.

2. Beverly Sotto

Si beverly ay isa sa mga anak na babae ni Val na naging mailap  sa mata ng publiko. Hindi siya pumasok sa mundo ng showbiz bagaman dito kilala ang kanilang angkan. Nanatiling pribado ang kanyang pamumuhay.

 

May Dalawa pang anak  si Val Sotto na sina Vanessa Sotto at Victor Sotto na kapwa napaka pribado ng pamumuhay.

 

KILALANIN SI GINA ALAJAR AT ANG KAYANG MGA ANAK


Si Gina Alajar ay isang artista sa Pilipinas. Siya ay nasabak na sa larangan ng pag-arte simula pa noong bata siya. Ginawa niya ang Lumuha Pati Mga Anghel noong siya ay 8 anyos pa lamang.

Bata pa lamang ay kinilala na si Gina Alajar bilang hinahangang aktres. Ilan pa sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Playgirl, Bayan Ko, Brutal, Salome, Mulanay at maraming pang ibang mga palabas na tinangkilik ng madla.



Mula noong1997 hanggang 2018 ay kadalasan siyang lumalabas sa mga soap opera sa GMA& at ABS CBN gaya ng mga palabas na Kambal sa Uma at Habang May Buhay.

2016 naman ay nakabilang siya sa palabas na Magkaibang Mundo bilang pangunahing kontra bida.

2018 naman ay ginawa niya ang palabas na Hindi Ko Kayang Iwan Ka bilang si Adel.

 

Ilan naman sa mga sikat na palabas kung saan ay siya ang director ay ang mga palabas na Prima Donnas, Onanay, pinulot Ka Lang sa Lupa, The Half Sister, Let the Love Begin, at maging ang palabas na Yagit.

 

Si Gina ay hiwalay sa kanyang asawa na si Michael de Mesa. Mayroon siyang tatlong anak. Ito ay sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann.


Si Geoff Michael Eigenmann ay ipinanganak noong Marso 23, 1985 sa Maynila.  Si Geof ay isa ring actor gaya ng kanyang mga magulang. Nagsimula siya sa showbiz industry mula 1992 sa “Ang TV” na programa ng ABS CBN. Kasal si Geoff kay Maya Flores.

 


Si  Ryan Eigenmann naman ang isa pang anak na lalaki nina Gina at Michael. Ipinanganak naman si Ryan noong July 22, 1978. Isa ring sikat na aktro si Ryan. Siya ay kasal kay Cathy Bordalba na isang TV Host at dating Cemmercial Model. Mayroon rin silang tatlong anak.


 

SI AJ Eigenmann naman ay isa ring artista gaya ng kanyang ama at mga kapatid na pawang mga aktor. Ilan sa mga pelikula ni AJ ay Most Wanted noong 2000, Maalaala mo Kaya noong 1991 at Ang iibigin ay ikaw pa rin noong 2003. Si  Rosetti Robles ang napangasawa ni AJ noong November 2014.


KILALANIN SI DONITA ROSE AT ANG KANYANG ANAK



Isa si Donita Rose sa mga aktres sa ating bansa na may kahanga hangang kakayahan sa pag-arte. Isinilang siya bilang si Donita Rose Ramos Cavett sa Utah noong December 5, 1974 at nanirahan sa ating bansa noong siya ay nasa limang taong gulang na. Siya ang panganay sa magkakapatid sa amerikanong amang si William Kent Cavett, isang opisyal ng military. Ang kanyang ina naman ay si Evelyn Ramos. Isang guro mula sa Pangasinan.

 

Dahil sa dito na nanirahan sa ating bansa, nagtapos siya sa Brent International school at sa De La Salle University naman noong siya ay nag kolehiyo na.

 

Noong 1997 ay nanirahan siya sa Singapore upang abutin ang kanyang pangarap bilang Video Jockey ng MTV Asia.

 

Noong 2001 ay bumalik siya ng Pilipinas at nanirahan sa Angeles, Pampanga. Doon niya nakilala ang kanyang naging asawang si Eric Villarama. Nagpakasal ang dalawa sa Santa Barbara California noong 2003.

 

Nakilala si Donita sa pelikula at palabas pantelebisyon noong siya ay nakasali sa That’s Entertainment kasama ang co-star na si Gary Estrada na kung saan nagkaroon rin sila ng relasyon bago ito pumunta ng Singapore.

 Ang unang pelikulang ginampanan ni Donita ay ang pelikulang Gabo noong 1989. Lumabas rin siya sa pelikulang Alabang Girls at Ober Da Bakod noong 1996. Ang mga huling palabas na kanyang kinabilanga ay ang That’s My Amboy noong 2016 at Let the Love Begin noong 2015.

 

Noong 2015 ay nabalitang nagkaroon ng problema ang mag-asawa dahilan ng kanilang tuluyang paghihiwalay noong 2016. Nagkaroon ng isang anak na lalaki sina Donita Rose at Eric Villarama. Ito ay si Joshua Paul Villarama. Si Joshua ay mag lalabin walong taong gulang na.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang bagong iniibig ang aktres. Ito ay si Felson Palad.

Nito lamang nakarang taon ay inanunsyo ni Donita na isa na siyang corporate Chef ng Islang pacific. Isang branch ng gracery store sa US na nagpopromote ng mga Filipino Food sa California at Nevada.

Magsubscribe sa aming YouTube channel para sa mga videong kahihiligan ninyong panooron. Bisitahin rin ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Maraming salamat sa inong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI AYEN MUNJI LAUREL


Si Mari Yllena Munji Laurel o mas kilala natin sa telebisyon at mga palabas bilang si Ayen Munji Laurel ay isinilang noong November 21 1971. Siya ay isa sa mga kilalang actress at singer sa ating bansa. Noong 2015 ay lumipat siya sa ABS CBN matapos ang kanyang anim na taong pagtatrabaho sa Kapuso Network ngunit nito lamang taon ay bumalik siya sa pagiging Kapuso dahil sa pagkasaara ng nabanggit na istasyon. Ngayon ay bahagi siya ng Philippine Adaptation ng South Korean Television Drama na Start Up.

 


Nagsimula ang karera ni Ayen noong 2007 kung saan naging isa siya sa mga full time actress sa mga panggabing palabas ng GMA 7 gaya ng Amaya, Hiram ng Puso, at Temptation of Wfe.

 Ilan naman sa mga pelikulang kanyang ginampanan ay ang Here Comes the Bride bilang ina ni Inaki at ang pelikulang Ang Huling Henya bilang si Miriam.

 

Lima ang anak ni Ayen. Tatlo sa kanyang kasalukuyang asawang si Franco Laurel at dalawa sa dating asawa. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Baby Lucia



Si baby Lucia ang bunsong anak ni Ayen Siya ay ipinanganak noong November 27 2017. Ipinanganak si Baby Lucia sa pamamagitan ng Cesaerean section sa Makati Medical Center. Lucia ang pangalan ng kanilang bunsong anak dahil ang kahulugan umano ng pangalang Lucia ay graceful light dahil siya umano ang magdadala ng liwanag at saya sa kanilang tahanan bilang bunso ng pamilya.

 

2. Sofia



Si Sofia ang ikalawang anak ni Franco at Ayen. Siya ay tinatayang nasa 7 taong gulang na sa kasalukuyan.


3. Angia Laurel


Si Angia naman ang panganay ni Franco at Ayen. Siya ay nasa 19 na taong gulang na sa kasalukuyan. Gaya ni Ayen ay nagtataglay din si Angia ng kagandahan. Hilig ni Angia ang pag me make up katunayan ay isa siya sa mg ana feature ng Preview PH sa YouTube Channel nito na kung saan ay gumawa siya ng Three Make Up looks na inspired ng Drink gaya ng Straberry Milk, Ube Milkshake at Milktea. 

Maraming mga tagahanga si Angia dahil sa kanyang iba’t-ibang nakakahangang looks na madalas niyang ipinopost sa kanyang Tiktok Account and maging sa kanyang Instagram account. Nagwagi rin siya sa Make up Is My Vice contest na kung saan ay hinangaan ito ng marami.

 

May dalawa pang anak si Ayen sa dati nitong asawa na si Jefri Bolkiah na isang Prince ng Brunie mula 1995 hanggang 2002. Ito ay sina  Mariella Bolkiah at Hasan Bolkiah.

 


Si Mariella ay isa ring aktres at singer gaya ng kanyang ina.

 


 

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...