KILALANIN ANG MGA ANAK NI MELANIE MARQUEZ


Si Mimilanie Laurel Marquez sa toong buhay o mas kilala bilang Melanie Marquez, ay isinilang noong Hulyo 16, 1964 sa Mabalacat, Pampanga.Siya ay kapatid ng sikat na komedyating si Joey Marquez.  Si Melanie ay nanalo noong 1979 sa Miss International Beauty Pageant na ginanap sa Japan sa edad na 15.

Si Melanie ay isa sa apat na Filipina na nakoronahan bilang Miss International. Ang iba pang tatlo ay sina Gemma Guerrero Cruz Araneta, na nagwagi ng titulo sa Long Beach, California noong 1964.

Unang sumikat si Melanie sa pelikula niyang Agatona.

Sinasabing anim ang naging anak ni Melanie Marquez sa iba’t-ibang mga lalaki. Narito’s kilalanin natin ang ilan sa kanila.

 

1. Manuelito Lapid

Si Manuelito ang panganay na anak ni Melanie. Naging anak ni Supermodel Melanie Marquez si Mel Kay Senator Lito Lapid.  Si Manuelito ay kasalukuyang naninirahan sa Las Vegas. Sa isang panayam sa kanya, wala naman anyan siyang sama ng loob sa kanya ama na si Lito Lapid.

 

2. Michelle Dee

Si Michelle Dee ay isa ring aktres, athlete, model, TV Presenter, at gaya ng kanyang ina ay isa rin siyang pageant titleholder na nakoronahan bilang Miss World Philippines 2019.  Nagtapos si Michelle ng degree sa Psychology sa De La Salle University. Si Michelle ay anak ni Melanie sa isang businessman na si Frederick “Derek”  Dee.

 

3. Maxine Dee- Bumgardner

Si Maxine ay anak parin ni Melanie sa dating asawang si Derek Dee. Nagtatrabaho si Maxine bilang Strategic Customer Manager sa Insturcture sa Utah.

 

 Nagtapos si Maxine ng kanyang Masters Degree sa kursong Eductional Psychology sa University of Utah na kung saan siya at ang kanyang pamilya ay doon na naninirahan.

 

May Ibang pang anak si Melanie sa kasalukuyan nitong asawaang si Adam Lawyer.

 

 

 


1 comment:

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...