KILALANIN ANG ANAK NI ROMY DIAZ


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ROMY DIAZ

 

Maaring pamilyar ka sa kanyang tawang nakakatuwa pakinggan. Siya ay si Jose Romeo Diaz sa totoong buhay o mas pamilyar sa atin bilang si Romy Diaz. Ipinanganak siya noong November 28, 1941.

Kilala siya sa pagiging kontrabida sa maraming pelikula at madalas ay palagi silang magkasama ng kanyang kapatis na si Paquito Diaz. Ang kanilang ama ay isang Mexican American.

 

Bago pumason sa pagiging artista si Romy ay  naglalaro ng Basketball sa kupunan ng FEU Tamaraws. Naglaro rin siya sa Crispa Redmanizers at Ysmael Steel Admirals noong 1960s.

 

Ang unang pelikulang nagawa ni Romy Diaz ay ang Buhay Na Manika noong 1971. Sinundan ito ng Fight Batman Fight noong 1973 at Bato sa Buhangin noong 1976. Aabot sa limampung pelikula ang kanyang kinabilangan at ang huli sa mga ito ay ang Alamat ng Lawin noong 2002.

Nagkaroon ng isang anak na lalaki si Romy Diaz na ang pangalan ay si Sieg Diaz. Sa aming munting pananaliksik, ay kasalukuyang nagtatrabaho si Sieg sa Clariant sa Auckland, New Zealand. Si Siege ay nasa 44 na taong gulang na sa kasalukuyan at mayroon na ring asawa at mga anak. Nagtapos si Sieg ng kanyang pag-aaral sa Far Eastern University.

 

Madalas ding gayahin si Rommy Diaz sa kanyang estilo ng pananalita at pagtawa. Ilan sa mga ito ay talagang kinagiliwan ng mgaraming netizen.

 

Pumanaw si Romy Diaz dahil sa kanser sa dila dahil sa labis na paninigarilyo noong May 10, 2005 sa edad na animnaput-tatlo. Nawala siya limang buwan matapos na pumanaw rin ang aktor na si Fernando Poe Jr.

Inaanyayahan po namin kayong maging bahagi ng aming munting channel. Magsubscribe na po kayo para palagi po kayong makatanggap ng mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat po na napakarami sa inyo mga kasama.

 

No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...