KILALANIN
ANG MGA ANAK NI ALLAN CAIDIC
Si Allan Caidic ay ipinanganak noong June 15,
1963, sa Pasig, Rizal. Siya ay isang retired professional basketball player ng
PBA. Itinuring siyang pinakamagaling na shooter sa bansa kaya’t tinagurian
siyang “The Triggerman”
Naglaro siya sa kolehiyo sa University of the
East bago sumali sa PBA noong 1987, kung saan nalampasan niya ang maraming PBA records
kasama na ang pinakamaraming puntos na naiskor sa isang laro, ang may
pinakamaraming magkasunod-sunod na freethrows na ginawa, at ang maypinakamaraming
three-points sa isang laro na kalaunan ay nalampasan naman ni Jimmy Alapag.
Nakipaglaro siya sa maraming koponan ng PBA at
nagwagi ng maraming mga kampeonato. Naglaro siya para sa koponan ng pambansang
basketball sa Pilipinas kasama ang 1998 Philippine Centennial Team.
Habang nasa liga, siya ay itinuturing na isa
sa pinakamahusay na three-point shooters sa Asya. Kinilala ng pinagmamalaking
koponan ng pambansang basketball ng China ang kanyang kakayahan sa pamamagitan
ng palaging pagpapaalala sa kanilang mga manlalaro na magbantay sa
"Philippine No. 8", na tumutukoy sa regular na jersey number ni Allan
habang naglalaro para sa National Team.
Dalawa lamang ang naging anak ni Allan kanyang
asawa. Narito’t kilalanin natin sila.
1.
Mariel Clarisse Caidic
Ipinanganak si Mariel noong taong 1991. “A
simple Girl with dreams bigger than myself” Ito ang paglalarawan ni Mariel sa
kanyang sarili.
Mahilig din si Mariel mamasyal sa iba’t-ibang
lugar gaya ng Batangas, Puerto Galera sa Mindoro, San Fernanda La Union,
Crystal Beach ng Zambales, Vigan Ilocos Sur at maging sa ibang bansa gaya ng
Japan. Napakahilig din niyang maligo sa mga beach.
Si Mariel nagtatrabaho bilang Human Resource
Business Partner ng Zalora group. Dati
siyang nagtrabaho sa Human Resource ng Petron Corporation at Supervisor ng
Uniqlo Philippines.
2. Marla Celina Caidic
Si Marla ay nasa 27 taong gulang na sa
kasalukuyan. Nagtapos siya sa University of Santo Tomas at mahilig din siyang
maglaro ng volleyball. Mahilig din siyang manoong ng larong basketball at ang
kanyang ama ang tunay na itinuturing niyang idol sa mundo ng basketball.
Magsubscribe sa aming channel para sa mga
videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin ang iba pa naming mga video sa
aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment