MGA NAGING ANAK NI CESAR MONTANO SA IBA'T-IBANG BABAE



Si Cesar Manhilot o mas kilala sa kanyang screen name na Cesar Montano ay isang batiking actor, film producer at director ng mga pelikulang Pilipino.



Nag simula sya sa showbiz industry bilang commercial model pagkatapos ay gumanap bilang leading man sa maaksyong pelikula na talaga naman kinahiligan nang maraming mga Pilipino.

Mas lalong nakilala noon si buboy sa kanyang pagganap bilang si Dr. Jose Rizal. Nakasama rin siya sa ilang Hollywood movie ni Benjamin Bratt na The Great Raid at isa pang Hollywood movie na Another Deep Breath.

Nanalo siya ng maraming acting awards sa mga pelikulang Panaghoy sa Suba, jose Rrizal, Muro Ami at Bagong Buwan. Maliban sa pagiging isang mahusay na artista ay isa rin siyang mahusay na singer at inilunsad nya ang kanyang music album na “Subok Lang” noong taong 2000.

Noong 2007 ay tumakbo siya bilang senador ngunit natalo ito. Natalo rin siya noong 2010 nang tumakbo bilang governador ng kanilang probinsya sa Bohol.

Anim ang sinasabing naging babae sa buhay ni Cesar Montano at mula sa mga ito ay nagkaroon siya ng 12 mga anak. Ngayon ay kilalanin natin ang mga anak ni Cesar Monatano sa kanyang mga babae.

1. Christian Angelo Manhilot



Si Christian Angelo, ang ikalawang anak ni Cesar Montano sa una nitong asawa na si Marilyn Polingga. Si Marilyn ay pumanaw noong 1993. 
Sinasabing nagpakamatay umano ang anak ni Cesar noong ito ay 23 anyos pa
lamang dahil sa pag-ibig.

2. Angela  Manhilot

Si Angela ang panganay anak ni Cesar sa kanyang unang asawa na si Marilyn. Naging pribado ang pamumuhay ni Angela. Sinasabing isang maligayang asawa at ganap nang ina ito. 

3. Diego Loyzaga


Si Carlos Diego Loyzaga, higit na kilala bilang Diego Loyzaga, ay isang Pilipinong aktor, modelo, at video jockey. Kilala siya bilang isa sa mga miyembro ng Kapamilya Cuties. Siya ay na nominate bilang Amazing Male Newcomer in Yahoo! Awards Philippines noong 2011. 

Anak siya ni Cesar Montano kay Teresa Loysaga. Si Teresa ay isa rin batiking artista sa Pilipinas. Isinilang si Diego noong Mayo 21, 1995 sa San Juan Maynila. Siya ay 25 taong gulang na sa kasalukuyan. Nag-aral muna siya sa Marcellis School sa Antipolo City bago manirahan sa Sydney at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa St. Aidan’s Catholic School sa Maroubra, Sydney at John Forest School sa Perth.

Bumalik siya ng Pilipinas noong 2011 para ipagpatuloy ang
kanyang acting career. Natapos niya ang kanyang high school sa OB Montessori
Center.

4. Angelina Isabele Manhilot



Si Angelina naman ang panganay na anak ni Cesar sa ikalawa nitong asawa na si Sunshine Cruz.  Noong nakaraang Abril ay nagtapos si Angelina ng high school sa De La Salle Zobel at ngayon ay papasok na sa pagiging kolehiyala. Bagaman hindi natuloy ang pagkakaroon ng graduation ceremony ay proud na proud pa rin si and ina nito na si sunshine cruz sa ipaalam sa publiko na nagtapos ang kanyang anak.

Marami ang humanga sa ganda at kaseksihan ng pangangatawan
ni Angelina anupat sinasabi ng maraming mga netizens na maari raw itong sumunod
na beauty queen. Maraming mga pelikula ang naka lign up na gagawin ni Angelina sa kontrata nya noong nakaraang taon sa ABS CBN isa na rito ang pelikulang One Friend kasama nag baguhang actor na si Bryce Ramos. Ipagpapatuloy din daw umano no Angelina ang kanyang music career. Kilala ang mga cruz sa galling sa pagkanta.

5. Samantha Angeline Manhilot



Isinilang noong Setyembre 24, 2001. Siya ay 17 taong gulang na sa kasalukuyan. Si Sam ay may mahigit sa kalahating milyong follower sa Instagram. Kasalukuyang nag-aaral rin si Sam at gaya ng kanyang ate ay mahilig din ito sa musika. Si Samantha ay isa ring kilalang YouTuber.

6. Angel Francheska Manhilot


Si Francheska ang bunsong anak ni Cesar kay Sunshine Cruz. Siya ay 15 gulang na sa kasalukuyan. Madalas siyang tawaging Chesca mula pa nang siya ay maliit. Umaabot sa 243,000 ang followers is Cheska sa kanyang Instagram.

7. Kisten Manhilot at 2 pang nakakatandang kapatid.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng ilang entertainment websites ay nagkaroon ng tatlong anak si Cesar sa kinakasama niya sa kasalukuyan na si Maria Socorro. Matatandaang nag viral ang video greeting noong 2018 dahil sa hubad na babaeng nahagi ng camera ni cesar habang ito ay nagbibigay ng kanyang mensahe. Sa ngayon ay nakilala na nga siya ng publiko.

Makikita sa larawan ito na post ni Dr. Ronald Adamat sa kanyang Facebook Account si Cesar Montano na may hawak-hawak ng bata habang katabi nito si Maria Socorro. Sinabi ni Dr. Adamat na naimbitahan anya siya na maging ninong sa binyag ng bunsong anak ni Cesar at nagkataon ding unang kaarawan ng bata.

11. Corinth Ian- Anak kay Miss Philippine Earth 2009 Sandra Seifert

Lumabas ang issue na nabuntis ni Cesar Monatano si Miss Philippine Earth 2009 Sandra Seifert pagkatapos ng laban noon ni Manny Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas. Tumuloy umano sina Cesar at Sandra sa Italy kung saan doon nakatira ang kapatid ni Cesar at para doon anya manganak si Sandra. Usap-usapan na ang pagbubuntis noon ni Sandra at ang actor na si Cesar Montano ang sinasabing ama ng kanyang dinadala. Wala namang naging pahyag ang campo ni Cesar sa mga bali-balitang ito.


Maliban sa nabanggit ay may lumabas ding balita noon na
post ng isang Instagram user na si @dominion21 na maliban kay Sandra ay may
nabuntis pang isang modelo si Cesar na di naman tinukoy ang pangalan.

Humuhingi kami ng paumanhin kung may mali o kulang sa aming
naibahaing impormasyon. Ito po ay bunga lamang ng aming munting pananaliksik.

Nawa ay nagustuhan nyo ang artikulong ito. Sa muli ay humuhingi kami ng inyong patuloy sa suporta sa pamamagitan ng pagsubscribe, pag like at share sa aming mga artikulo upang mas marami pa kayong mabasa gaya nito.

Magsubscribe sa aming YouTube Channel .

I-Follow rin ang aming Facebook Page para makatanggap ng mga notification mula sa amin.

No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...