MGA NAGING ANAK NI ROI VINZON SA IBA'T-IBANG BABAE







MGA NAGING ANAK NI ROI VINZON SA IBAT-IBANG BABAE

Kumusta mga kasama, welcome po ulit sa ating
panibagong video sa segment ng mga playlist nating “Mga Anak sa Iba’t-Ibang
Babae” Kung di mo pa napapanood ang iba pa nating mga video sa playlist na ito
ay may link akong iniwan sa ibaba. Sa videong ito ay pag-uusapan naman natin
ang mga naging anak ni Roi Vinson sa iba’t-ibang babae.

Si Roi Vinzon o Roi David Vinzon sa tunay na
pangalan ay isang batikang action star na nakilala dahil sa husay ng pagganap
at katikasan ng pangangatawan na hingaan ng maraming mga Pilipino mula noon
hanggang ngayon. Maraming sa mga pelikula niya ang lubos na tumatak sa maraming
mga Pilipino lalo na noong dekada 90.

Ipinanganak siya noong Septyember 20, 1953. Siya
ay 68 taong gulang na ngayon. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay
Kapitan Tumba, Adan Lazaro, Lucas Abelardo, Baby Paterno Dugong Pulis, at
Mortal Kong Kaaway Kaibigang tunay na kung saan nakasama niya si Edu Manzano.

Tumatak rin sa masa ay husay niya sa pagganap
bilang kontrabisa sa mga peilikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, Pintado, at
Batas ng Langsangan kasama ang Hari ng Action na si Fernado Poe.

Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang
pagiging Best Actor sa pelikung Lucas Abelardo noong 1994 sa MMFF at Best
Supporting Actor naman noong 2007 sa pelikulang Resiklo.

Sa isang artikulo na sinulat ng Pep. Ph ay inamin
ni Roi Vinzon na mayroon anya siyang pitong anak mula sa tatlong babae. Ang
una  at orihinal niyang asawa ay
naninirahan raw sa America at doon ay nagkaroon siya ng Dalawang anak na naging
pribado ang kanilang mga pamumuhay. Ang kanyang panganay ay nasa 36 taong
gulang na ngayon.

Narito ang ilan sa mga kilalang anak ni Roi Vinzon
sa iba’t-ibang babae.

1. Isabela Vinzon
Si Isabela ay isang Pop Singer at Songwriter
nanakilala sa kanyang pagsali sa Inaugural season ng The Voice Teens
Philippines. Di man siya naging kampeon ay nasungkit naman niya ang pagiging
runner-up. Si pop star princess Sarah Geronimo ang kanyang naging coach sa
nasibing kumpetisyon.

Nadiskubre ang kanyang talent ng isang music
instructor noong 2011. Nag guest din sya noong 2017 sa Gandang Gabi Vice ni
Vice Ganda at nakabilang sa cast ng Ang Probinsano ni Coco Martin.

2. Jamaica Vinzon
Si Jamaica ang panganay sa tatlong anak ni Roi
Vinzon sa ikatlo nitong asawa. Si Jamaica naman ay isang malabing na anak at
mapagmahal sa kanyang nakababatang kapatid na sina Virginia at Tom. 

3.  Virginia
Vinzon
Si Virginia naman ang isa pa tatlo pang anak ni
Roi Vinson sa  kasalukuyan niyang asawa. Makikita
ang potensyal ng pagiging isang magandang artista sa kay Virginia lalo na’t
gaya ng kanyang ate na si Bella ay nagtataglay din ito ng ganda at talent.

4. Roi Antonio David “Tom” Vinzon
Si Tom naman ang bunsong anak ni Roi sa ikatlo
niyang asawa. Si Tom ay 12 taong gulang palang ngayon. Inaasahanni Roi na gaya
niya ay papasok rin si Tom sa mundo ng pag-aartista sa kaling nasa watong
gulang na ito.
Ang iba sa mga anak ni Roi ay pribado ang
pamumuhay at wala sa showbiz industry.

Yun nga mga kasama ang apat sa  7 anak ni Roi Vinzon. Kung nagustuhan mo ang
videong io, I like, I share at mag subscribe na sa aming munting channel.
Samalat mga kasama.



No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...