JOHN REGALA LULONG PARIN BA SA IPINAGBABAWAL NG GAMOT





USELESS LAHAT NG TULONG KAY
JOHN REGALA

“Useless lahat ng efforts namin.”

Iyan ang sagot ng veteran entertainment columnist at talent
manager na si Manay Aster Amoyo nang tanungin ito nitong Agosto 17, Lunes ng
gabi, kung ano ang dahilan kaya sumuko sila nina Nadia Montenegro at Chuckie sa
pagtulong sa 55-anyos na aktor na si John Regala.

Sinasabi sa ilang bahagi ng joint statement nina Manay Aster,
Nadia, at Chuckie nitong lunes ng gabi sa kanilang Facebook post na:

“Sadly, no amount of effort on our part can help a very
uncooperative and difficult individual.
“In addition, John’s terrible habit of constant and abusive
self-medication is something we cannot condone nor tolerate.

“And so, it is with deep sadness that our group has come to the
decision to formally end our involvement in helping John with his medical
treatment, care, and recovery.

“As much as this is our desire to see this through, these
unfortunate circumstances and regretful turn of events have made it impossible
for us to continue...”

Usap-usapan ngayon kung tama ang pahayag noon ni Elizabeth Oropesa.

Matatandaang sinabi ng veteran actress sa isa niyang Facebook
post, na 
"Sana po
bigyan natin ng tulong ang mga masisipag na nawalan ng trabaho at may
pagpapahalaga sa kanilang buhay.

"Hindi ang mga taong binigyan ng pagkakataong magkaroon ng
magandang biyaya pero winaldas lang sa ipinagbabawal na gamot, alak at bisyo."

Inamin kalaunan ni Elizabeth na si John ang pinatutungkulan niya.

Pahayag pa ni Elizabeth,

Noong inaayos pa lang nina Nadia at Tita Aster ang pag-discharge
kay John sa ospital, ang dami ko nang naririnig na ginawa ng aktor na
ikinadismaya nila, lalo na si Tita Aster na siyang nag-asikaso nito lahat.

Base sa mga pagtatanung-tanong daw nya sa ilang nagbigay ng
donasyon, malaki-laki ang naipasok sa sariling bank account ni John. Hindi na
raw ito pinakialaman nina Tita Aster, Nadia, at Chuckie.

Nakikita daw siguro ni John na kakayanin na niya ang pagpapagamot
sa sarili kahit hindi na siya humingi ng tulong.

Sana daw ay tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling at hindi na
maulit ang dalawang beses na niyang drama sa kalye.

Dagdag pa nito, “sa totoo lang, ngayon ko lang nakuha kung bakit
ayaw nang makialam ng huling nakarelasyon ng aktor na si Gina Alonzo.
Ayaw na lang niyang magsalita para hindi na lumaki ang isyung ito.

Komento ng dating actor-model na si Lito Gruet sa Facebook account
ni Chuckie,

 “Bless you for your kind
hearts Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro, Aster A. Amoyo.

“There are yet so many out there that deserve to be helped. Many
who suffer in silence and not ‘discovered’ by social media.

“Please do not tire of continuing what you started. There are
still many to be saved. It's just a matter of ‘finding’ them.”

Pag-ayon naman ni Chuckie,

“Of course. This will not discourage us at all. Thank you for your
words of encouragement and upliftment.”

Ano kaya ang dahilan kung bakit itigil na ng tatlo ang
pagtulong nila kay john? Siya ba ay muling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot?
O may ibang kadahilanan na maaring ikasira ni john kung sasabihin ito sa
publiko.
Mag komento ng inyong mga reaksiyon tungkol dito.

Salamat sa inyong panonood.






































































No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...