MGA NAGING ANAK NI CHRISTOPHER DE LEON SA IBA'T-IBANG BABAE







MGA NAGING ANAK NI CHRISTOPHER DE LEON

Si Christopher de Leon ay
isang  Pilipinong dramatikong aktor.
Noong 18 gulang pa lamang siya, natamo ni Christopher ang kauna-unahan niyang
Best Actor sa FAMAS sa pelikulang Tinimbang ka Ngunit Kulang. 

Kilala din siya
sa mga palayaw na Boyet, Chris at Bro o Bo.
Ipinanganak siya noong
Oktubre 31, 1956. Ilan sa mga bago niyang nagawang pelikula ay Love thy Woman,
TODA One I love, Sanan Dalawa ang Puso, The Legal Wife, kambal Karibal, Ikaw
lamang at marami pang iba.

Isa siyang German Jewish
Descent mula sa kaniyang Maternal Grandfather. Noong Mayo 11, 1999 binigyan
siya ng US Certificate of Cetizenship na nagpapatunay na isa siyang US Citizen
at birth.
Nag aral siya ng Fine Arts
sa University of the East sa Maynila.
Naging asawa niya sina
Nora Aunor at Sandy Andolong.
Ngayon mga kasama ay
isa-isahin natin ang mga naging anak ni Christopher de Leon sa iba’t-ibang
babae.

1. Lotlot De Leon

Charlotte
Jennifer Rodriguez Olson
  o
kilala sa tawag ng karamihan bilang si Lotlot de Leon ay isang Filipina
actress. Ipinanganak siya noong Pebrero 16, 1971.  Aktibo siya sa kanyang karera mula 1975
hanggang sa kasalukuyan. Ilan sa mga pelikula na ginampanana niya ay Burado,
Beauty Queens at Almost Paradise. Noong nakaraang taon ay gumanap siya bilang
Lydia Ampaya Aguilar sa Magpakailanman na may titulong “Tatlong Henerasyon ng
Sipag at Tiyaga.”

Si Lotlot De Leon ay
inampon lamang nina Christopher at Nora Aunor. Si Donald Olson at Eva Rodriguez
ang kanyang tunay na mga magulang.

2. Matet De Leon

Ipinanganak si Matet de
Leon noong Oktubre 4, 1982 sa tunay na pangalan bilang si Maria Theresa
Villamayor. Isa rin siyang Filipina actress at dating child actress. Isa ring
adopted daughter si Matet nila Christopher at Nora Aunor.

3. Ian De Leon

Isa ring magaling na actor
si Ian De Leon. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga pelikulang Halimaw
noong 1986, Takot ako eh noong 1987, I love you mama, I love you Papa,
Beautiful Justce at lumabas din siya sa ilang serye ng Pepito Manaloto. Tanging
si Ian ang biological son nina Christopher at Nora Aunor.

4. Kenneth De Leon

Si Kenneth ay isang
kilalang writer ng mga pelikulang Pilipino. Ilan sa mga naisulat niya ay
Bilangin ang Bituin sa Langit, Hanggan sa Dulo ng Buhya ko, Dragon Lady, Kara
Mia, Pamilya Roces, Victor Magtanggol, IImpostora, Yagit at marami pang iba.

5. Kiko De Leon

Isa ring actor si Kiko De
Leon. Ilan sa mga pelikulang ginampanan niya ay Takot ako eh noong 1987 at
Shake Rattle anf Roll 6 noong 1997.
6. Rafael De Leon

Si Rafael ay anak naman ni
Christopher sa ikalawa nitong asawa na si Sandy Andolong na isa ring artista.
Si Rafael ay isang director, Writer at Editor.

7. Miguel De Leon

Si Miguel ay isang cancer
survivor. Na diagnose siya ng kanyang doctor na mayroong testicular cancer.
Maligaya ang mag-asawa dahil dininig ang kanilang panalangin na maligtas si
Miguel sa kanyang pinagdaanang sakit.

8. Gabriel De Leon

Si Gabriel ay isa ring
Filipino actor. Una siyang lumabas noon sa Teen Gen. Isang Televesion Drama
Broadcast na Kapuso Network. Ipinanganak siya noong 1992. Ilan sa mga
ginampanan niya pelikula ay Dear Uge, Haplos, Sinungaling Mong Puso, Beautiful
strangers, Maynila: Once Upon a Love Story, Ang lihim ni Annasandra, Teen Gen
at Maalaala mo kaya: Medal for Valor.

9. Maria Angelica De Leon

Isa ring magaling na
actress si Maria Angelica o kilala sa tawag ng marami na Mariel de Leon.
Gumanap sya sa mga pelikulang  Ang Panday
noong 2017 kasama si coco Martin, Across the Cresent Moon at Latay nito lamang
taon ito.
Sumali siya sa Miss
International noong 2017 at nagawaran ng award bilang Miss International
Philippines 2017.
Isa si Mariel De Leon sa
may magandang mukha sa showbiz. Nagtapos siya ng Culinary Collective at nasa 27
taing gulang na siya ngayon.

10. Mica De Leon
Si Mica ang bunsong anak
ni Christopher kay Sandy. Gaya ng kanyang ate ay di rin matatawaran ang ganda
ng mukha ni Mica. Hindi lang siya masasabing isang celebrity kid kundi mayroon
din siyang sariling gawi at interes sa buhay. Nag aral siya sa Meridian
International College sa Taguig.

Yan nga mga kasama ang 10
anak ni Christopher de Leon. Sana ay nagustuhan niyo ang videong  ito bilang isa sa mga serye ng aming playlist
ng “Mga Anak sa Iba’t-ibang babae.”


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...