Nauuso na rin kasi ngayon ang vlogging, at
marami ng mga artista na pumapasok sa ganitong platform at halatang nangunguna
ang kanilang mga channel sa YouTube. Walang duda dun dahil alam naman nating
dati na silang popular at madali nalang sa kanila makakuha na maraming views at
subscribers.
At tila isang magandang trend ito ngayon
dahil binibigyan tayo ng pagkakataon na makita at makilala ang ating mga
paboritong artista sa totoo nilang buhay.
Nagbigay ang GMA News Online ng listahan ng
mga stars na pumasok sa ganitong gawain. Narito ang 25 sa kanila.
1. Bianca Gonzalez
Isa si Bianca Gonzalez sa matagal ang may
matagal nang YouTube channel para sa kanyang mga vlogging shows, kung saan
iniinterview niya ang mga artista sa kahit anong bagay o mga topics na
na-aangkop para sa kanyang susunod na segment o trending na usapin.
Ang Paano Ba' To segment ni Bianca ay more on
sa pagbibigay ng mga life advice na karamihan sa kanyang mga guests ay mga
kilalang personalidad gaya ng mga kaibigang artista. Mayroon na siyang 7.6
million views at 127k subscribers.
2.
Kris Aquino
Si Kris Aquino naman ay gumawa rin ng kanyang
plataporma sa YouTube.. Sa YT channel naman ng Queen of All Media ay tinatalakay
niya ang maraming mga bagay gaya lang ng dating TV show niya sa Kapamilya gaya
ng motherhood, home hacks, travel, beauty, pagkain, pagluluto, recipe, at mga
out of the box moments o candid events gaya na lang ng pa block screening nina
Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Paul Soriano para sa pelikulang 'I Love You
Hater.' Sumali si Kris sa YouTube noong November 18, 2016, at mayroon na siyang
95 Million views at 675k subscribers ngayon.
3. Kim Chiu
Ang PBB winner naman na naging isa sa pinaka
sought actress ng Kapamilya Network na si Kim Chiu ay mayroon ding iba't ibang
klase na videos na pinapakita sa kanyang YouTube channel. Ilan sa mga ito ay
mga candid moments sa bahay niya gaya ng project decluttering, hacks, cooking
videos, travel with KimXi, at ang faney moment niya kay Stephen Curry. Sumali
si Kim noong September 10, 2017, at nagkaroon na ng 44 milion views at 1.6 Million subscribers.
4. Bea Alonzo
Isa ang Kapamilya queen na si Bea Alonzo na
pinasok na rin ang pag yo YouTube at tinawag niya ang kanyang channel na By
Bea. Mayroon na siyang mga 21 videos na na-upload na tungkol sa daily life
niya, mga activities, trips, beauty tips at personal views din niya tungkol sa
mga bagay bagay. Sumali si Bea noong June 4, 2018, at mayroon na siyang 6
Million views at 277k subscribers.
5. Yeng Constantino
Ang Pinoy Dream Academy winner na
award-winning singer-songwriter na si Yeng Constantino ay gumawa rin ng kanyang
YouTube channel noong February 4, 2011, at ngayon, meron na itong 26 Million
views at 963k subscribers. Pinopost ni Yeng ang kahit ano-anong bagay, behind
the scenes ng mga shows niya, trips, at pati na rin sa mga ginagawa niya sa
bahay at pag papaprank sa kanayang
asawa.
6.
Alex Gonzaga
Ang pinaka-palong-palo at panalong channel
ngayon sa YouTube ng mga personaliy sa Pilipinas ay ang nakakabatang kapatid ng
Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga. Naging instant
internet sensation superstar si Alex dahil sa kanyang nakakaloka, nakakaaliw,
at nakaka-laughtrip na mga YouTube vlogs niya.
Nakikipag colab din sya sa iba pang sikat na
personalidad gaya nina Idol Raffy Tlfo,
Mayor Isko , Genelyn Mercado, Ivana alawin, Kuya Jobert, at ibang pang
mga artista na hina house raid nya. July 18, 2017 sumali si Alex sa YouTube, at
ngayon ay mayroon na siyang 554 Million views at 6.79 Million subscribers.
7. Julia Barretto
Sumali rin ang Kapamilya actress na si Julia
Barretto sa bandwagon ng mga kilalang tao na gumawa ng kanilang sariling
Youtube channel. Sa kasalukuyan ay may limang video upload palang si Julia at
may 206 thousand subscribers.
8. Bea Binene
Ginawa ni Bea ang kanyang channel sa New
Year's Day noong 2018 at patuloy na nakakakuha ito ng maraming mga subscribers
at views. Mayroon na syang 26 videos at 25K subscribers.
9. Jennylyn Mercado
Ginawa ng 'Love You Two' star na si Jennylyn
Mercado ang kanyang channel sa YouTube sa kanyang ika-32 taong kaarawan. Bilang
isang espesyal na pag-abot para sa kanyang mga tagahanga, siya nagba vlog
tungkol sa mga bagay na malapit sa kanyang puso - pagkain, musika, laro, at
fitness. Nikikipagtulungan din siya sa kanyang kasintahan na si Dennis Trillo na
tinatawag na "CoLove."
10. Judy Ann Santos
Ipinakita ni Juday ang kanyang galing sa
pagluluto sa kanyang channel sa YouTube na Judy Ann's Kitchen. Mayroon na syang
1.25 Million subscribers at 59 million views.
11. Vice Ganda
Pinalawak ng komedyante ng Kapamilya network
na si Vice Ganda sa kanyang mga tagasunod noong nilikha niya ang kanyang
account sa YouTube. Mayroon naman siyang 2.6 Million subscribers at 218 videos
ngayon sa kanayng channel.
12. Barbie Forteza
Pinasok rin ni Barbie Forteza ang mundo ng
YouTube. Sa kanyang channel ay mapapanood ang ilang mga tutorial makeup. Sa
kasalukuyan ay mayroon siyang 747k subscribers at 16 milllion views.
13. Michael V
Kamakailan lamang ay pinasok na rin ni
Michael V ang paggawa ng videos online. Sa kanyang YouTube account na Michael
V. #BitoyStory ay ipinakita niya ang kanyang collection ng sapatos at interview
sa cast ng 'Avengers.' Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 555k subscribers at
12milllion views.
14. Rufa Mae
Quinto
Sa paunang video ni Rufa Mae
Quinto sa kanyang YouTube channel ay inaliw niya ang kanyang mga viewers sa
isang Waze audition video. Gusto mong maailiw sa super bobba? Hanapin mo nalang
siya sa YouTube. '
Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 306k subscribers at 10 milllion views.
15. Mikael Daez
Mapapalakbay ka sa ganda ng
tanawin ng mga lugar na pinupuntahan ni Kapuso hunk Mikael Daez. Backpack,
kicks at saka kasama pa si Miss World 2013 Megan Young, hindi ka pa ba
gaganahan manood ng videos ni Mr. Mikael Daez? ' Sa kasalukuyan ay mayroon siyang
217k subscribers at 11 milllion views.
16. Maine Mendoza
Inakit ni Maine Mendoza ang
social media sa pamamagitan ng kanyang Dubsmash videos at ito ang kanyang
naging tulay upang maging “Yaya Dub” sa kalye-serye ng 'Eat Bulaga.' Sa
kasalukuyan, videos ng kanyang totoong buhay ang ina-upload niya para sa
kanyang mga tagahanga. May 252k subscribers na sya at 20 million views.
17. Yassi
Pressman
18. Anne Curtis
Dala-dala pa rin ni Social
Media Queen Anne Curtis ang glitz and glamour mula sa telebisyon hanggang sa
social media world habang pinapakita ang behind-the-scenes ng kanyang buhay
showbiz.
19. Donnalyn
Bartolome
Cute at bubbly ang personality
ni Donnalyn kaya nabihag niya ang kanyang subscribers na panoorin ang kanyang
song at dance covers, pati na rin ang kanyang mga makulit na opinion tungkol sa
iba't ibang paksa. May 3.52 Million subscribers at 169 million views na sya
ngayon.
20. Yasmien Kurdi
Ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ay
mayroon ding channel sa YouTube, na nagtatampok ng mga cover songs at ang pang-araw-araw na buhay bilang isang
ina at asawa. May 316k subscribers at 12 million views sya sa Youtube.
21. Kris Bernal
Bukod sa pagiging isang artista at
negosyante, si Kris Bernal ay nagbigay-pansin din sa vlogging. Nayon ay mayroon
na syang 253k subscribers at 7 million views
22. Maja Salvador
Si Maja Salvador ay sumali rin sa mahabang
listahan ng mga kilalang tao-turn-vlogger sa bansa. Ang kanyang channel, Meet
Maja, ay ginawa noong Mayo 25, 2019. Mayroon na syang 872K subscribers at 22
million views
23. Kathryn Bernardo
Ginawa ni Kathryn Bernardo ang kanyang YouTube
channel noong December 26, 2019, sa pamamagitan ng pag-upload ng isang
napakarilag na video ng kanyang sarili na nagbihis tulad ng isang prinsesa. May
1.76 million subscribers na ito at 21 million views
24. Janine Gutierrez
Sinimulan ni Janine Gutierrez ang kanyang
channel sa YouTube sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglilibot sa kanyang bahay
noong Disyembre 22, 2018. May 176k subscribers at 4 million views na sya sa
youtube.
25. Ivana Alawi
Ipinapakita sin ni Ivana ang kanyang mga
pang-araw araw na ginagawa sa kanyang vlog na halos ay umaani ng million views
sa ilang oras pa lamang gaya ng mga vlogs nya sa paglilinis ng bahay, paglalaba
at pa ka carwash na pumatok sa marami nitong mga tagasunod. Mahilig din mag
prank ang sexy star ina at nakababatang kapatid na sin mona. Umabot na na 21
Million views ang video ng kanyang paglalaba na may Youtube title na A day in
my life. Mayroon na syang 6.71 million
subscribers at 291 million views.
No comments:
Post a Comment