TOP 5 HOT FILIPINO SEXY MOVIES



Ramdam na ramdam mo na ba ang summer heat? Mas painitin pa natin lalo in a sexy way sa pamamagitan ng panonood ng mga Pinoy Sexy-Romance movies na available ngayon sa Netflix!

Mabentang-mabenta ngayon ang mga KDramas at KMovies plus ang mga Hollywood films na talaga naman bongga at palaban. Kung fan ka nina Anne Curtis, Cristine Reyes, Lovi Poe, Sue Ramirez at Sanya Lopez, you’re in for a big treat dahil ibubunyag na namin ang mga movies ng mga sexy
Pinays na ito na mapapanood mo in the comforts of your own home. Are you ready?

1. Wild and Free 

Noong 2018 ay binigyan ng launching film ng Regal Entertainment Inc. ang dalawa sa hottest Kapuso
rising stars na sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez entitled ‘Wild and Free’. Mula sa
direksyon ng Glorious director na si Connie Macatuno, isang kuwento ng dalawang
tao na napaso sa sobrang init ng kanilang pagmamahalan. Shocking ang mga eksenang
ginawa nina Derrick at Sanya na noong mga panahon na iyon ay puro ‘semi-sexy’
scenes lang ang ginagawa sa TV. 

Maliban kay Derrick ay may mga love scenes din si Sanya with Juancho Trivino. Hindi man ito naging
box-office hit dahil hindi masyado nabigyan ng bonggang promotion mukhang hot
and trending naman ang pelikula sa video streaming sites tulad ng Netflix at ng
HOOQ bago ito tuluyang nag-shutdown.

2. The Escort 

Ang The Escort ay kuwento ng isang conservative secretary named Yassi (Lovi Poe) ng isang website kung saan pwede mag-hire ng private escorts ang mayayamang lalaki. Makikilala niya rito ang isang mayamang businessman (Christopher de Leon) at isang gigolo (Derek Ramsay) na manggugulo sa kanyang tahimik na buhay. May love scenes si Lovi with Derek and Christopher pero hindi
rin nagpahuli si Jean Garcia na tinodo rin ang halikan nila ni Derek by the
pool.

3. Cuddle Weather

Rom-Com ka mo tungkol sa dalawang pokpok? Posible ba yun? YES!
Ang Cuddle Weather nina RK Bagatsing at Sue Ramirez ang isa sa
pinaka-nakakatuwang sexy romance comedies na napanood in recent years. Kuwento
ito ng isang beteranang sex worker (Sue Ramirez) na magiging ‘senpai’ ng isang
inosenteng probinsyano na napilitan maging call boy. May tsansa ba na magkaroon
ng ‘happily ever after’ ang dalawang pokpok? Watch this film para malaman niyo!
4. No Other Woman

S’yempre, hindi mawawala ang pelikulang muling bumuhay sa
kuwentong kabitan!
Worth the risk ang ginawang pagpapaseksi nina Anne Curtis, Cristine Reyes at Derek Ramsay para sa sexy-drama film na ‘No Other Woman’, na naging #1 Most Watched Movie of All-Time noong ipinalabas ito ng halos dalawang buwan sa mga sinehan. Girls in bikinis? Check. Topless hunk? Check. Bonggang love scenes? Check na Check! Jombagan ng dalawang sexy babes? CHECK NA CHECK!

5. Just a Stranger

Bago kinarir ni Anne Curtis ang bagong role niya bilang isang real-life Mother dearest ay isang hot sexy film ang iniwan niya sa kanyang mga fans. Marami ang na-shock sa mala-May-December love affair kind of film ni Anne Curtis with a younger leading man na si Marco Gumabao na nagpakita ng kanyang behind sa kanilang love scene. Ang mas nakaka-shock ay ang classification ng iba na ito ay isang ‘May-December’ love affair dahil napakabatang tingnan ni Anne! Dyosa talaga!

There you have it! Napanood niyo na ba ang mga pelikulang nabanggit? If not, ihanda niyo na
ang sarili niyo dahil you will have a hot, steamy, streaming night!

Hanggan dyan lang muna tayo mga kasama at abangan niyo po pa ang ating mga pasabog dito sa
top 5 playlist ng SamAnnes TV.

Salamat sa inyong panonood mga kasama.


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...