KILALANIN ANG MGA ANAK NI BENJIE PARAS


KILALANIN ANG MGA ANAK NI BENJIE PARAS

 

Si Venancio Johnson Paras, Jr. na mas kilala sa pangalang Benjie Paras, ay isang retiradong basketbolistang Pilipino na naglaro ng labing apat na taon sa koponan na Shell Turbo Chargers at isang taon bilang miyembro ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association.

Siya ang kaiisa-isang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nagwagi ng Rookie of the Year at Most Valuable Player sa isang season, ginawa nya ito noong 1989.

Si Paras ay naglaro ng hayskul basketbol bilang miyembero ng San Beda Red Cubs. Dahil sa pinamalas na galing nito nung hayskul nirecrut sya ng Unibersidad ng Pilipinas na maglaro sa kanilang koponan, na noon ay tinatawag na UP Parrots at ngayon ay Fighting Maroons.

Sa isang laro pinakita ni Paras ang kanyang pagiging dominante sa pag-iskor ng 19 puntos, 17 rebounds at 7 blanka laban sa Far Eastern University.

Noong 1986 dinala ni Paras ang UP sa UAAP Basketbol Finals laban sa University of the East na pinangungunahan ni Jerry CodiƱera.

Sa tulong ni Banjie nasungkit ng UP ang una nilang kampeonato sa larangan ng basketbol mula pa nung bago pa mag-ikalawang digmaan pandaigdig.

Kinuha siya ng koponan na Shell nung 1989 PBA Draft, at binansagang The Tower of Power dahil sa kanyang mga post moves, ball handling, mga dunks, pagblanka ng mga tira, at isang desenteng jump shot.

Binuhay niya ang Shell at dinala ito sa isang laban sa kampeonato laban sa San Miguel Beermen, ngunit sila'y natalo.

Dahil sa pinamalas na husay nanalo siya ng ' 89 Rookie of the Year Award at nasapawan din niya ang ibang beterano ng liga at siya'y nanalo ng '89 Most Valuable Player Award. Sa ngayon si Paras pa lang ang nakagawa nito sa PBA.

Dalawa ang naging asawa ni Benjie Paras. Ito ay sina Jackie Forster mula 1994 hanggang 2003 at si Lyxen Diomampo mula naman noong 2006.

Apat ang naging anak ni Benjie Paras. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Kobe Paras

Sino ang hindi nakakakilala sa pangalang Kobe Paras pagdating sa mundo ng basketball? Tunay na dumadaloy sa sugo ng mga Paras ang husay sa pagbabasketball. Si Kobe ay isinilang noong September 19, 1997.

Si Kobe ay isang manlalaro ng UP Fighting Maroon. Myembro siya ng Philippine Men’s National Basketball at Philippines Men’s National 3x3 Team.

 

Naglaro din siya noon sa University of California, sa Los Angeles ngunit hindi siya nagpatuloy dahil sa hindi niya naabot ang academic requirement ng paaralan. Kaya’t noong July 2016 naglaro si Kobe sa Creighton, at noong May 2017 naman ay  sa Cal State Northridge at noong 20118 ay sa University if the Philippines sa UP Fighting Maroons. SI Kobe ang tumulong sa UP Fighting Maroons para makakuha ng tatlongmagkakasunod na panalo.

 

2. Andre Paras

Si Andre Paras ay ipinanganak naman noong Nobyembre 1, 1995. Siya ay isang aktor, modelo, at basketbolista sa ating bansa.

Ipinanganak si Andre sa Los Angeles California.  Sa panahon na nag-aaral siya ng High School ay naglaro siya para sa La Salle Greehills at sa UP Fighting Maroons naman nong nag kolehiyo na ito.

Taong 2014 naman ay lumipat si Andre mula sa UP patungong San Beda College sa kagustuhan nitong maglaro sa San Beda Red Lions at dahil na rin anya sa di niya kayang balansihin ang kanyang oras sa pag-aaral at pag-aartista. Bagaman pangarap niyang magtapos sa UP ay kinakailangan din niyang i prioritise ang kanyang acting career na nooy lumalabas siya sa The Half Sisters,

Ilan sa mga nagawang pelikula ni Andre ay Diary ng Panget, Overtime, Your Palce of Mine?, Wang Fam at Girlfriend for Hire.

 

Lumabas din siya sa mga palabas pan telebisyon na Maynila, Let the Love Begin, That’s My Amboy at maging sa Encantadia.

 

 

3. Sam Paras and  Riley Paras

Sina sam at Riley ay mga anak ni Benjie Paras kay Lyxen Diomampo. Daddy Totoy, ito ay tawag nina Sam at Riley sa kanilang amang si Benjie.

 

Sa ngayon, si Benjie  ay lumalabas bilang artista sa telebisyon at mangilan-ngilang pelikula. Naging Host din sya sa isport show na Finish Line.

 

Magsubscribe na sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin patungkol sa inyong mga iniidolo. Panoorin din ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood.


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...