KILALANIN
ANG MGA ANAK NI PEN MEDINA
Si Crispin "Pen" Medina Sr. ay ipinanganak
noong Agosto 27, 1950. Siya ay isa sa mga batikang aktor sa bansa na mabilis
ding nakilala ng publiko dahil sa kanyang husay sa pagganap sa bawat pelikulang
kanyang ginawa.
Siya ay isa sa mga pinakatanyag na artista ng
kanyang panahon na kayang gamapanan anuman ang tungkulin maging sa big screen
at sa iba`t ibang mga palabas pantelebisyon.
Nanalo siya ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime
Achievement Award sa 33rd PMPC Star Awards para sa Pelikula. Nanali rin siya ng
Best Supporting Actor Award sa 62nd FAMAS Awards at ang Best Actor Award sa
ika-6 Cinema One Originals Film Festival.
Siya rin ang pangalawang KFC Filipino Colonel.
Ang ilan sa mga pelikulang kinabilangan ni Pen
Medina ay Himala noong 1982, Virgin Forest noong 1985, Gangster Lolo noong 2014
at Fruit N Vegetables:Mga Bulakboleros noon namang 2016.
Maadalas mo rin siyang makita sa mga palabas
pantelebisyon gaya ng La Vida Lena, 24/1, A Soldier’s Heart, Sahaya, Victor
Mangtanggol, at The Cure.
Anim ang naging anak ni Pen Medina na
karamihan ay nasa mundo ng showbiz. Narito’t kilalanin natin sila.
1. Karl Medina
Si Karl ang panganay na anak ni Pen. Gaya ng
kanyang ama, pinasok rin ni Karl ang mundo ng pag-aartista. Nagsumula siya sa
showbiz industry taong 2013 sa isang filmfest entry na may titulong The
Guerilla is a Poet.
Sa pelikulang ito nakuha ni Karl ang unang niyang award bilang best actor dahil sa
kanyang husay sa pagganap bilang si Jose Ma. Sison.
Ang pelikulang ito ay sinundan pa ng Bwaya,
Tandem and Oda Sa Mga Nangangarap. Hinangaan ng lubos si Karl sa kanyang galing
sa pag-arte na tila namana niya sa kanyang batikang aktor na ama. SA
katutuhanan ay hindi kumuha si Karl ng anumang acting course kahit sa kolehiyo.
Nagtapos siya ng kursong Industrial Design sa University of the Philippines sa
Diliman.
2. Ping Medina
Si Ping Medina ay isang kilalang independent
film actor sa bansa. Nakilala siya sa pelikula ni Marilou Diaz-Abaya na Jose
Rizal kasama ang kanyang amang si Pen Medina na gumanap bilang batang Paciano
Rizal.
Noong huling bahagi ng Nobyembre 2016, si pen
ay nasangkot sa isang pagtatalo sa kapwa artista na si Baron Geisler.
Inilabas ni Pen ang isang mahabang post sa
Facebook na may niya habang nakaupo sa isang wheelchair.
Ayon sa kanyang post, umihi si Baron sa kanya
habang kinunan ang isang pelikula sa Subic kung saan nakatali ang kanyang mga
kamay at paa at naka tape ang bibig.
Noong 2020, sinabi ni Barob ang kanyang sagot sa
Twitter na ginahasa umano ni Ping ang dating niyang kasintahan at ito ang dahilan
kaya’t inihian niya si Ping sa isang shooting.
3. Alex Medina
Si Alex Vincent Medina ay ipinanganak noong
Mayo 26, 1986. Siya ay nakilala rin bilang Alex Medina. Gaya ng kanyang
kapartis isa ring aktor si Alex sa mga pelikulang Pilipino at maging sa mga
palabas pantelebisyon.
Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa iba`t
ibang indie films. Ginampanan niya ang papel ni Diego o Joshua sa soap opera na
Ina, Kapatid, Anak.
Nagwagi si Alex ng Best Actor Award sa Cinema
One Originals Film Festival para sa pelikulang “Palitan.”
Nag-aral si Alex sa San Beda Colllege sa
kursong Marketing and Corporate Communications ngunit huminto ito para pagtuunan
ng pansin ang kanyang karera sa showbiz industry.
Kabilang si Alex sa mga pelikulang Dukot,
Heneral Luna, How to be Yours, Camp Sawi at Tayo sa Huling Buwan ng Taon.
Ngayon ay kasama si alex na gumaganap sa palabas pantelebisyon na Love you Strangers
ng GTV.
4. Victor Medina
Gaya ng kanyang mga kapatid at ama, si Victor
ay isa ring aktor. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Ani
noong 2019, Hello, World noong 2013 at sa isang episode ng Ipaglaban Mo noong
2014.
5. Japs Medina
Japs ang nag-iisang anak na babae ni Pen
Medina. Di gaya ng kanyang mga kapatid iba ang mundo na pinasok ni Japs. Isa
siyang Content Manager sa Seek the Uniq. Isang kompanya na nagbebenta ng
iba’t-ibang gamit mula sa mga sapatos, damit at iba pa.
6. Damien Zeth Medina
Si Zeth naman ang bunsong anak ni Pen.
Nag-aaral si Zeth sa Ateneo Grade School. Ipinakita rin ni Zeth ang kanyang
galing sa pagsusulat kaya’t nakuha nito ang 2nd place sa IBON Essay
Writing Contest noong 2013.
Magsubscribe na sa aming channel para laging
kang makapanood ng ganitong mga videos. Bisitahin rin ang iba pa naming mga
videos sa aming mga playlist. Maraming Salamat po sa inyong panonood.
No comments:
Post a Comment