KILALANIN
ANG MGA ANAK NI GARY ESTRADA
Si Gary Jason B. Ejercito o mas kilala natin
bilang si Gary Estrada ay ipinanganak noong Mayo 16, 1971. Siya ay isang
artistang gumaganap sa telebisyon at mga pelikula sa Pilipinas. Naging Board
Member din siya ng ikalawang distrito ng Quezon mula noong June 2010 hanggang
2016.
Si Gary ay kapatid ng isa pang dating Viva
Star na si Kate Gomez. Pamangkin siya ng dating pangulong Joseph Estrada.
Siya ay dating nakakontrata sa Viva Films kung
saan nakagawa siya ng mahigit dalawang dosenang pelikula. Ilan sa mga peliklang
kinabilangan niya ay El Presidente, Sa Piling ng mga Belyas, You and Me Against
the World at Gising na si Adan.
Naging aktibo rin siya sa mga palabas sa
telebisyon gaya ng The Stepdaughters, Alyas Robin Hood, Carmela, at sa Paraiso
Ko’t Ikaw.
Minsan na rin siyang na-link kay Donita Rose
at ngayon ay may sarili ng pamilya. Kasal siya kay Bernadette Allyson mula
noong 2001 at nagkaroon sila ng apat na anak. Tatlo ang babae at isa ang
lalaki. Narito’t kilalanin natin ang kanilang mga anak.
1. Kiko Estrada
Si Kiko ay isa ring magaling na aktor gaya ng
kanyang ama. Ipinanganak siya noong hunyo 4, 1995. Siya ay nasa 25 taong gulang
na.
Si Kiko ay hindi lamang nagtataglay ng magandang
itsura ngunit nagtataglay rin ng mga nakakabilib na mga talento. Ito ang dahilan
sa likod ng kanyang katanyagan at tagumpay.
Nagsimula siya sa telebisyon noong taong 2011.
Simula noon, hindi pa siya nawawalan ng papel sa telebisyon o pelikula. Walang
alinlangan na ang mga tagahanga ni Kiko ay gustong malaman ang mahika sa likod
ng kanyang tagumpay.
Una siyang nag-aral sa Colegio San Agustin. Nang
matapos niya ang kanyang high school, nag-aral siya sa College of St. Benild.
Napunta si Kiko sa showbiz industry dahil na rin sa kanyang mga magulang. Si Kiko ay anak ni Gary Estrada sa
dating partner nitong si Cheska Diaz na
kapatid naman ni Joko Diaz.
Mula 2015 ay tatlong babae ang napabalitang
naging kasintahan ni Kiko. Kabilang rito ay sina Kim Rodriquez noong 2015,
Barbie Forteza noong 2016, at noong 2018 naman ay kay Devon Seron.
2. Garielle Bernice Ejercito
Totoo nga ang kasabihang kung ano ang puno ay
siya rin ang bunga. Dahil kitang -kita kay Icee ang gandang namana niya sa
kanyang mga magulang. Mahilig si Icee sa paglalaro ng softball. Sa katunayan
noong nag guest siya sa show ni Regine Velasquez na Sarap Diva ay ipinakita
niya sa kanyang mga manonood kung paano siya humawak ng baseball bat.
Lubos na ikinatuwa ng mga netizens at televiewers
ang napakagandang mukha ng dalaga na pinaghalong mukha ni Garry at ng ina
nitong si Bernadette.
Mas close si Icee sa kanyang amang si Gary
dahil sa ito ang madalas na kasama niyang maglaro ng softball. Halos nakuha
naman daw umano ni Icee ang karamihan sa katangian ng kanyang ama.
Nagtapos si Icee ng kanyang Grade 10 sa Saint
Pedro Poveda College noong 2018 at ngayong taon ay nasa kolehiyo na ito.
3. Garianna Beatrice Ejercito at Gianna Bettina
Ejercito
Sina Garianna at Gianna ang dalawa pang anak
na babae ni Garry at Bernadette. Gaya ng
kanilang ate Icee ay kakikitaan din ng mga magagandang mukha ang dalawa na
totong kinagigiliwan rin ng mga netizen kahit sa sila ay nasa kanilang mga
kabataan pa lamang.
Hilig ng pamilya ang mga travel sa iba’t-ibang
lugar gaya ng pagbisita nila sa Bohol, Boracay, at maging sa ibang bansa gaya
ng Paris.
No comments:
Post a Comment