KILALANIN ANG MGA ANAK NI ALVIN PATRIMONIO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ALVIN PATRIMONIO

 

Si Alvin Vergara Patrimonio ay ipinanganak noong Nobyembre 17, 1966. Siya ay isang retiradong propesyonal na manlalaro ng basketball mula sa Philippine Basketball Association o PBA at naging tagapamahala ng koponan para sa Magnolia Hotshots.

 

Siya ay nakasungkit ng maraming PBA Records gaya ng paglaro ng magkakasunod na umabot ng 596 plays, third most point scored sa buong kasaysayan ng PBA, fourth most rebound, at second player-Most PBA Valuable Player award.

 

Dahil sa naghahanap noon si Alvin ng isang pagkakataon na maglaro sa basketball upang madiskubre ang kanyang talento, ay lumipat sa Intramuros-based Mapúa Institute of Technology. Doon, nagtapos siya ng isang degree sa Civil Engineering at nakakitaan siya ng aksyon para sa paglalaro sa Mapúa Cardinals sa NCAA. Naglalaro siya bilang sentro ng koponan mula 1983 hanggang 1986.

Nanalo siya ng NCAA Most Valuable Player award back-to-back noong 1985 at 1986.

 

Pagkatapos ay lumipat siya sa RFM-Swift nang mag-disband ang Elizalde Ballclub matapos itong manalo ng dalawang kampeonato sa tatlong kumperensya mula 1986-87.

Si Alvin ay nagkaroon ng two-conference stint kasama ang Swift Hotdogs at nagwagi ng isang titulo bago sumali sa PBA sa kalagitnaan ng 1988 season.

Siya ay pumasok sa PBA noong 1988 kasama ang Rookie of the Year na si Jojo Lastimosa, many-time Mythical Team at Best Defensive Team member  na si Jerry Codiñera at ang Best Defensive Team na si Glenn Capacio.

Siya ay isa sa mga iniidolong manlalaro ng basketball sa Pilipinas, at masasabing pangalawang pinakatanyag na manlalaro na sumunod sa "Living Legend" na si Robert Jaworski.

 

Si Alvin ay kasal kay Cindy Patrimonio at nagkaroon sila ng apat na anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Angelo Patrimonio

 Si Angelo ang panganay na anak ni Alvin at Cindy. Siya ay isang aktor at basketball player gaya ng kanyang ama.

2007 ay na injured tuhod ni Angelo dahil sa paglalaro ng basketball at kailangang lagyan ng bakal ang kanyang paa kaya’t mahigit sa tatlong buwan siyang nagpagaling.

 

Sa kabila ng nangyari sa kanya, desidido pa rin si Angelo na lampasan ang basketball achievements ng ama niya na naging four-time Most Valuable Player (MVP) ng Philippine Basketball Association (PBA).

Pero habang nagpapagaling pa siya nang husto, pag-aartista muna ang hinaharap niya.

Maaring naalala mo pa ang eksenang ito sa The Killer Bride. Siya lang naman ang gumanap noong na Ivan sa nasabing palabas.

Napaka sweet naman ng naging proposal ni Angelo sa kanyang model girlfriend na si Jasmine dahil ginawa niya ito sa isang fashion show.

 

2. Tin Patrimonio

Si Anna Christine Patrimonio ay isang tennis player, model, actress at napabilang sa reality shoe ng ABS CBN na Pinoy Big Brother: unlimited.

Si Tin ay isang college varsity player na nakabilang sa National University Lady Bulldogs. Sa halip na sundan ang yapak ng kanyang ama sa paglalaro ng basketball ay tennis ang larong naging paborito ni Tin. Nagsimula siyang maglaro nito sa edad na 12. Dahil sa husay niya sa paglalaro ng tennis ay makatlong ulit niyang pinanalo sa UAAP Tennis Championship ang Lady Bulldogs. Naging MVP siya sa UAAP Season 78 ng women’s lawn tennis tournament.

Taong 2011 naman nang sumali si Tin sa PBB Unlimited. Siya ang ikalawang athlete na pumasok sa bahay ni kuya gay ani Tricia Santos. Na evict si Tin sa ika 148 araw sa bahay ni kuya at hindi pinalad na makabilang sa Big 4.

Napabilang si Tin sa isang Indie Film na Gabriela noong 2013 bilang si Gabriela Silang. Dito ay nakasama niya si Carlo Aquino bilang si Diego.

3. Clarice Patrimonio

Gaya ni Christine ay isa ring tennis player si Clarice. Sa paglalarawan ng kanyang coach. Sinabi nitong, si Clarice ay na maaring painakamagaling na manlalaro ng Philippine Women’s Tennis na Nakita niya sa lumipas na isang dekada.

Dagdag pa ng kanyang coach, si Clarice anya ay isang manlalarong lumalabas lamang sa loob ng 20 hanggang 30 taon. Ang kanyang galing ay tunay na nasa kanyang pagkataon.

Kung si Tin anya ay maikukumpatang napakalapit sa galing ng kanyang amang si Alvin, si Clarice naman ay ang mismong version ng amang si Alvin.

Bagaman parehong  magaling maglaro ang dalawang magkapatid sa paglalaro ng Tennis ay hindi anya maikukumpara ang paraan ng kanilang paglalaro.

Nagtapos si Clarice ng kursong Hotel and Restaurant Management.

Ngayon ay isa na siyang ganap na ina sa kanilang anak ni Jobe

 

4. Asher Patrimonio

Si Asher ang bunsong anak ni Alvin at Cindy. Halatang mahilig mag-alaga ni Asher ng aso dahil sa halos ito ang laman ng kanyang Instagram account. Patuloy na nag-aaral pa si Asher.

 

Magsubscribe sa aming channel para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin ang iba pa naming mga video sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...