Si Maria Pops Lukban Fernandez ay isinilang
noong December 12, 1966 sa Lucban, Quezon sa dating action start na si Eddie
Fernandez at Dulce Lukban.
Bata pa lamang si Pop Fernandez ay hinasa na niya ang kanyang galing sa pagkanta, kayat’s sa edad na 16 ay sinimulan na niya ang kanyang music career nang pumirma siya ng kontrata sa OctoArts Records noong 1981.
Isang taon ang lumipas ay inilabas ang pinakaunang album ni Pop Fernandez at nagsimula na rin siyang lumabas sa telebisyon sa serye ng palabas na The Penthouse Live kasama ang aktor na si Martin Nievera.
Mula noon ay sunod-sunod na ang mga paglabas ni Pops Fernandez sa telebisyon gaya ng mga pogramang ASAP at sa mga palabas na Nagmamahal Pa Rin sa Iyo, Linlang, at Gusto Ko Nang Lumigaya.
Naging in demand artist si Pops sa ibang bansa
mula 2012 kasama ang dating asawang si Martin Nievera at ang komedyaneng si
Ai-Ai delas Alas.
Dalawa ang naging anak ni Pops Fernandez sa dating asawang si Martin Nievera. Narito’t kilalanin natin sila.
1. Robin Nievera
Si Robin Nievera ay isinilangnoong November
30, 1986. Siya ang panganay na anak ni Pops Fernandez. Isa siyang Singer,
Sonwriter at Record producer. Dating siyng VJ ng music channel na Myx at radio
DJ sa Wish 107.5
Nag-aral siya ng music production sa De La
Salle College of Saint Benilde at naging
isa ring vocalist at guitarist ng isang indie rock band.
2. Ram
Nievera
Si Ram ang bunsong anak ni Pops Fernandez at
Martin Nievera. Noong Mayo ay naisugod sa hospital si Ram dahil sa kayang di
inaasahang sakit. Nagpasalamant naman si Pops Fernandez sa mga nanalangin upang
mabilis na gumaling ang kanyang anak.
Mahilig gumawa si Ram ng mga Artworks na ipinopost niya sa kanyang Instagram at twitter accounts.
No comments:
Post a Comment