KILALANIN ANG MGA ANAK NI GLORIA DIAZ

Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida sa Estados Unidos noong Ika-19 ng Hulyo taong 1969. Siya rin ay isang sikat at matagumpay at batikang aktres sa Pilipinas.

 

Mula sa kanyang pagkapanalo, ay limang taon muna ang kanyang pinalipas bago niya naisipang pumasok sa mundo ng pag-aartista. Sa una niyang pelikula, ginampanan niya ang karakter ni Isabel sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1975. 

Ito ang kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas na kanyang katambal at si Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.

 

Taong 1996 naman ang unang labas niya sa mga palabas pantelebisyon sa drama serye ng Anna Karenina at naging mas lalong papolar nang lumabas siya sa sitcom ng Kool Ka Lang ng Kapuso Network noong 1998.

Dalawa ang naging anak ni Gloria Diaz kay Bong Daza. Ngunit ang kanilang pagsasama ay hindi nagtagal. Nagmahal muli si Glora sa long time partner niyang ngayong si Mike de Jesus na isang banker.

 

Narito’s kilalanin natin ang mga anak ni Glorai Diaz.

1. Isabelle Daza

Si Isabelle ay isinilang noong March 6, 1988. Siya ay isang kilalang aktress sa bansa. Isang Television Host at Model. Dati siyang naging myembro ng GMA talents na ipinakilala sa noontime show noon na Party Pilipinas noong 2011.

2014 ay lumipat si Isabelle sa ABS CBN at nakilala lalo nang gampanan niya ang isang papel sa drama serye na Tubig at Langis.

Ikinasal si Isabelle sa isang French Businessman na si Adrien noong 2016 sa Italya.

2018 naman nang isilang ni Isabelle ang kanilang panganay na si Gabriel at nito lamang Abril ay isinilang naman si Valentin.

 

2. Ava Daza

Ang isa pang anak ni Gloria Diaz na si Ava Diaz ay nagtataglay din ng kagandahang namana niya sa kaniyang ina. Noong nakaraang taon ay nagpakasal na rin si Ava sa kanyang fiancé na si Luch Zabirato sa isang civil wedding.

May isa pang adopted son si Gloria Diaz na si Raphael Daza.

 


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...