ALAMIN
ANG BUHAY NI EFREN REYES JR. NGAYON
Isinilang si Efren Reyes Jr. sa Baguio City noong June 25,
1959. Siya ay ang ikaapat na henerasyon ng mga actor mula sa lahi ng mga Reyes.
Siya ay anak ng batikang actor na si Efren Reyes Sr. sa actress, director at
film producer na si Virginia Montes. Kapatid rin niya ang aktres na si Cristina
Reyes at apo sa tuhod ng kilalang manunulat ng na si Severino Reyes o mas
nakilala bilang si Lola Basya sakanyang mga panulat.
Ang buhay artist ani Efren ay nagsimula nang sila ang
nakasama sa pelikulang Eskinita 29 noong 1968 bilang isang child actor. Mula
naman sa taong 1980 ay gumanap rin siya bilang actor star sa mga pelikula gaya
ng Tapos na ang Lahi Mo, Hadji Djakiri noong 1990 at Nestor Solis. Ngunit noong
1989 ay mas nakilala siya sa kanyang galing sa pag-arte bilang kontrabida.
Bilang isang manunulat ay siya ang may akda ng mga
pelikulang Sa Iyo ang Itaas, sa Aking ang Ibaba ng Bahay oong 1997, Tapatan Ko
ang Lakas Mo noong 1999 at Pasasabugin Ko ang Mundo Mo noong 2000.
Naisama si Efren sa mga nominado sa FAMAS Award at Gawad
Urian Awards noong 1990s.
Bagaman humina ang produksiyon ng mga maaksiyong pelikula
ay patuloy nating nakita ang galing ni Efren Reyes sa kanyang mga pagganap sa
mga palabas pantelebisyon. Dahil sa kanyang husay ay hindi parin kumukupas si
Efren sa kanyang pag-arte katunayan ay hanggang sa kasalukuyan ay nakakasama
siya sa mga pelikula at palabas pantelebisyon. Ilan sa mga pelikula na kanyang
kinabilangan ay Durugin ang Droga noong 2017, The Lookout noong 2018 at Bato:
The General Ronald dela Rosa Story ng regal entertainment noong 2019.
Ang ilan namang mga palabas at programang pantelebisyon na
kanyang kinabilangan ay Los Bastardos bilang si Rober Esperanza noong 2018 at A soldiers Heart noong 2020.
Namumuhay ngayon si Efren ng masaya kasama ang kanyang pamilya.
No comments:
Post a Comment