Isa marahil si Jess Lapid Jr. sa action star na naging paborito mong panooorin. Si Jess Lapid ay anak ng batikang actor na si Jess Lapid Sr at Bella Flake Lapid.
Isinilang si Jess Lapid sa Caloocan noong March 22, 1962. Madalas
rin siyang mapagkamalang nakababatang kaatid ni Lito Lapid ngunit ang totoo ay
sila’y magpinsan ng actor at ngayon ay senador na si Lito Lapid.
Malungkot ang naging buhay ni Lito Lapid dahil sa noong
siya ay bata pa lamang ay Nawala na ang kanyang ama. Siyam na taong gulang pa
lamang noon si Jess nang paslangin ang kanyang ama.
Nagsikap si Jess na umangat sa buhay kaya’t sa edad na 17
ay pinasok niya ang pag-aartista.
Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Jess Lapid Jr ay Ang Bagong
Kardong Kidlat noong 1980, Kaliwete Brothers noong 1981 kasama si Efren Reyes
Jr. Basagulero Ang Lover Ko, Simaron at Mga Pambato kasama sina Rudy Fernandez,
Ace Vergel at Philip Salvador.
Matapos na humina ang produksiyon ng mga maaksiyong pelikula
noon ay Nawala rin bigla si Jess Lapid sa mga mata ng camera. Maging sa mga
palabas pantelebisyon ay hindi na nakikita ang actor.
Noon lamang 2016 ay nakita si Jess Lapid sa FPJs ang
probinsya na na pinagbibigahan ng walang kamatayang si Cardo Dalisay o si Coco
Martin.
Kaya’t ang tanong ngayon ng maraming mga tagahanga ni Jess
Lapid ay nasaan na ang actor?
Maliban sa pagiging isang film at fight director ay isa
ring scuba course director at underwater director of photography si Jess Lapid.
Ito ngayon ang negosyong o trabahong pinagkakaabalahan ng actor.
Taong 1989 ay nagawaran si Jess ng CMAS Japan bilang Open
Water Diver.
Pagkatapos ay naging Advance Diver noong 1992 at Rescue
Diver noong 1993.
Naging 4-star Dive Master noong 1994 at Assistant Instructor
noong 1995.
Taong 1996 ay naging 2 Star Instructor siya at taong 2010
ay naging 3-star Instructor ng CMAS Philipines. Noong 2015 ay sia na ang naging
Course Director ng CMAS Philippines.
Kasakasama ni Jess Lapid ang kanyang mga anak ay pinamamahalaan
ni Jess Lapid ang pagmamay-ari nilang Pacifico Azul Diving Resort na dinarayo
ng marami nating ma kababayan dahil sa ganda ng lugar. Ang nasabing Diving
resort ay matatagpuan sa Anilao, Batangas.
No comments:
Post a Comment