KILALANN
SI ACE VERGEL AT ANG KANYANG ANAK
Si Ace Vergel o si
Ace York Caesar Asturias Aguilar sa tunay na buhay ay isinilang noong November
20, 1954.
Si Ace Vergel ang isa sa mga batikang aktor na nakilala sa
ating bansa dahil sa kanyang mga maaaksiyong pelikula. Una siyang gumanap
bilang batang aktor noong 1959 sa pelikulang Anak ng Bulkan na pinagbibidahan
aman nina Edna Luna at Fernando Poe Jr.
Siya ay anak ng isang batikang aktres na si Alicia Vergel
at ng actor na si Cezar Ramirez na kapwa mga sumikat noong dekaka 50.
Nagtapos si Ace ng Business Management in Public Relations
sa Ateneo de Manila University noong 1975.
Sa edad na 15 ay sumabak si Ace sa pelikula bilang leading
man ni Nora Aunor sa isang musical film na Nineteeners ngunit hindi nag hit ang
kanilang tambalan. Matapos ito ay muli
siyang gumanap sa pelikulang Ina na kung saan ang mismong ina niya ang gumanap
ng title role. Noong 1978 naman ay nagbida siya sa pelikulang Batang City jail
at sa kauna-unahang miniseries na palabas sa bansa ang Malayo pa ang Umaga na
hang sa nobelang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana.
Noong 1989 ay nagwagi siya bilang pinakamahusay na aktor sa
Gawad Urian dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Anak ng Carbon.
Napangasawa ni Ace asi Maya dela Cuesta at nagkaroon sila
ng isang anak na lalaki. Ito ay si Alejandro King dela Cuesta Aguilar.
Naging bahagi si King ng music video na Twist the Knife na
mapapanood sa Youtube channel na The Strangeness. Naging bahagi rin si King ng
Class A actors ng talent manager na si Ogie Diaz. Naging bahagi rin siya ng
PETA theatre Workshop. Gaya ng kanyang ama ay hindi rin Madali para kay King na
makuha ang mga mata ng publiko upang sumikat sa mundo ng showbiz industry.
Marami ang nagulat at nalungkt nang sumakabilang buhay na
si Ace Vergel dahil sa atake sa puso noong December 15, 2007 sa edad na 53
taong gulang. Hindi ito inaasahan ng kanyang pamilya at mga tagahanga. Bagaman
matagal nang panahon na namaalam si Ace Vergel ay patuloy paring tinatangkilik
ang kanyang mga pelikula na naging bahagi na ng buhay ng mga ordinaryong
Pilipino.
No comments:
Post a Comment