KILALANIN SI JUN ARISTORENAS AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI JUN ARISTORENAS AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Jun Aristorenas ay isinilang noong Mayo 7 1933 at namayapa noong taong 2000. Siya ay isang artista sa ating bansa na unang gumanap sa ilalim ng Sampaguita Pictures sa pelikulang Kurdapya kung saan isa lamang siyang bit player na ang kanyang ginampanan ay isang nagbabaras na lalaki habang papalapit ang pangit na si Kudapya na ginampanan ni Gloria Romero.

 

Pangalawang pelikula ay isinabak sa mga batikang artista tulad nina Cesar Ramirez, Alicia Vergel at Van de Leon ng Sampaguita noong 1955. Hanggang sa lumipat sa bakuran ng LVN Pictures subalit di talaga siya nakatadhanang sumikat sa tatlong malalaking kompanya ng pelikula.

Sumikat siya noong maagang bahagi ng dekada 60. Nakilala siya dahil sa kanyang western roles sa mga pelikula na sumikat ng husto gaya ng mga pelikulang Sagupaan ng mga Patapon, Dugong Tigre at Apat ng Bagwis.

Ilan sa pa sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Pag Oras Mo, Oras Mo Na noong 2000, Matalino Man ang Matsing Na-iisahan Din sa pareho ring taon.

Nakasama rin siya sa mga pelikulang Hagedorn bilang si Mr. Angeles, Urban Rangers bilang si Zaragoza, Marami ka Pang kakaining bigas bilang si Eric at sa Cuadro de Jack bilang si Joe.

Maliban sa isang magaling na actor ay isa rin siyang film director at producer at isang dancer.

 

Siya ang ama ng mga artistang sina Robin, Peter at Junar sa dating asawang si Virginia.

Si Robin ay kilala rin bilang Child Wonder. Nakilala siya bilang si Robin. Ipinanganak siya boong 1964 sa dating actress na si Virginia. Ang mga palabas na kinabilangan niya ay Batman and Robin, Central Luzon, Tarzan and the Brown Prince noong 1972, Mga Anak ni Harabas noong 1977 at Estong Balisong noong 1981.

 

Isa ring actor si Pete Aristorenas na nakilala sa mga pelikulang El tigre noong 1969, Tatlong Patapon at The Samurai Fighters sa pareho ring taon.

 

Si Junar naman ay lumabas rin sa mga pelikulang Col. Billy Bitbit, RAM noong 1994, Itataya ko ang Buhay Ko noong 1996 at sa Pintsik noong 1994. Noong 2011 ay napabalitang isa si Junar sa mga nahuli ng Paranaque policemen sa ginawang Oplan Sita kung saan nakuhanan sila ng ilang sachet ng marijuana.


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...