KILALANIN SI VIC DIAZ AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN ANG MGA ANAK NI VIC DIAZ

 

Dahil sa kanyang anyo gaya ng kanyang malapad, masayang ngiti, mapupungay na mga mata, itim na bigote, at umuusbong na tiyan, ay madalas siyang gumanap bilang character actor sa mga horror films. Siya ay madalas na maikumpara sa actor na si  Peter Lorre.

 

Ipinanganak si Vic Diaz sa Maynila noong 1932, unang binalak ni Vic na maging isang abogado dahil sa ang kanyang ama ay isang Punong Mahistrado.

Pagkaraan ng apat na taon ng pagsasanay sa abogasya ay tila  hindi nararamdaman ni Vic ang kasiyahan sa napiling propesyon kaya’t nagpasya siya na ituloy ang isang karera sa pag-arte.

 

Nagsimula siyang magtanghal sa mga teatro noong 1949. Sa huling bahagi ng 1950s sinimulan niya ang kanyang napakahabang karera sa pelikula. Nakilala siya sa pelikulang The Day of the Trumpet noong 1958.

Hindi nagtagal ay nakakuha si Vic ng napaaraming proyekto sa mga palabas na ginawa ng mga director na sina Eddie Romero at Cirio H. Santiago.

Kabilang sa kanyang madalas na maging role sa pelikula ay isang walang awang smuggler ng brilyante sa pelikulang Monte Hellman's Flight to Fury (1964).

Ginampanan naman niya ang isang tuso at mapanlinlang na Satanas sa The Beast of the Yellow Night noong 1971, isang magiliw na mekaniko sa pelikulang The Losers noong 1970 ni Jack Starrett at isang flamboyant homosexual prison guard sa nakakatuwang chicks-in-chains send-up ni Jack Hill na The Big Bird Cage noong 1972.

 

Noong 2001 ay kinailangan niyang kusang huminto sa pag-arte dahil sa katandaan at hindi magandang kalusugan. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagreretiro, hindi maitatatwa na maraming magagandang kontribusyon sa industriya si Vic Diaz na patuloy na nagpapasaya at nagbibigay-aliw sa mga tagahanga ng kanyang mga pelikula sa mga susunod pang mga taon.

 

Nagkaroon ng mga anak si Vic Diaz sa kanyang asawang si Kit Diaz. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Teddy Diaz

Si Teddy Diaz ay isinilang noong Abril 1, 1963 sa Maynila at namayapa naman noong Agosto 21, 1988. Siya ay kilalang Filipino Musician at composer. Nakilala siya dahil sa siya ang founder at original guitarist ng bandang The Dawn.

Isa siya sa mga sumulat ng kanilang unang singles na “enveloped Ideas” at ng popular na hit song na Salamat na narinig noong 1989.

Sa rurok ng kanyang tagumpay at kasikatan noogn dekada 80 ay sinaksak siya ng dalawang taong pinaghihinalang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Nangyari ito sa harap mismo ng bahay ng kanyang kasintahan.

 

Ang dalawa pang anak ni Vic Diaz ay sina Loren Diaz at Carl Diaz na pawang mga pribado ang mga pamumuhay.

 

 


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...