ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI DANTE VARONA NGAYON


ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI DANTE VARONA NGAYON

 

Si Dante Varona ay isinilang noong September 06, 1953 at siya ay nasa 69 na taong gulang na sa kasalukyan.Siya ay dating actor at film director at itinuring siyang isa sa pinaka sikat na actor mula 1970 hanggang 1980 kasama sa pagsikat ng mga actor na sina Fernando Poe Jr., dating Pangulong Joseph Estrada, Jun Aristorenas, Ramon Revilla at marami pang ibang action star.

Nagsimula si Dante Varona sa paggawa ng pelikula noong ginawa niya ang Magnificent Siete Bandidas noong 1968. Naging lead actor din siya sa mga pelikulang Stuntman noong 1970, Leon Dimasuil noong 1973 at Gulapa noong 1977 kasama si Ramon Revilla.

Sumikat ng husto si Dante Varona dahil sa kayang pagtalon sa San Juanico Bridge sa Samar, Leyte para sa pelikulang Hari ng Stunt noong 1981.

Kabilang sa mahigit 100 pelikula na ginawa pa ni Dante ay Hari ng Stunt, ErmitaƱo, Kung Tawagin Siya’y Bathala, at The Raging Anger at Bangkay Mo Akong Hahakbangan.

Ngayon ay hindi na napapanood sa pelikula at mga palabas pan telebisyon ang Hari ng Stunt. Kaya’t ang tanong ng marami sa kanyangmga tagahanga ay nasaan na ngayon si Dante Varona?

Matapos iwan ang showbiz at lumipat sa Amerika si Dante Varona. Ikinuwento ng dating sikat na action star na nagtrabaho siya doon bilang janitor at security guard sa nasabing bansa.

Ayon sa tunay na Dante Varona, iniwan niya ang showbiz dahil nagkagulo sa movie industry kung saan pinasok din niya ang pagpo-produce ng pelikula.

 

Kwaento niya, dahil sa maliit lamang siyang producer ng pelikula ay nadaganan ang kanyang mga booking sa pelikula.

 

Sa kanyang pagdating sa Amerika ay may nakilala anya siyang may-ari ng janitorial services at doon ay pumasok siya bilang janitor. Matapos ang ilang taon niyang pagtatrabaho bilang janitor ay nalipat siya sa pagiging secury personnel hannga sa siya ay mag retiro.

Sa ngayon, kampante na si Dante sa kaniyang simpleng buhay sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya at mayroon na rin siyang mga apo.

 

Hindi na rin daw niya hinahanap-hanap ang pag-aartista. Katunayan, may mga kababayan daw na gumawa ng pelikula na kinukuha siya pero tinatanggihan niya.

 

Pero pag-amin ni Dante, gaya ng hindi niya inaasahang na magiging artista siya, hindi niya rin daw inaasahan na maninirahan siya sa Amerika.


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...