ALAMIN
ANG BUHAY NI JAY MANALO NGAYON
Si Jay Manalo o si Jay Lan Manalo sa totoong buhay ay
isinilang noong January 30, 1976 sa Saigon, South Vietnam. Siya ay isang
Filipino-Vietnamese actor at model. Bagaman isinilang siya sa South Vietnam ay lumaki
siya sa Tondo, Maynila. Ang kanyang ama ay si Eustaquio Manalo na isang
Filipino musician nanaka base sa Vietnam noong Vietnam war at ang kanyang ina ay isang Vietnamese.
Matapos na Manalo si Jay bilang 1st runner up ng
SM Man of the Year ay naging model at endorser siya ng Blowing Bubbles.
Nakilala si Jay sa pelikulang Brat Pack noong 1994 at
kalaunan ay naging lead character sa ikalawang pelikulang Paracale Gang na
ipinalabas noong 1996 at sinundan ng Urban Rangers.
Sa ganun ding taon ay lalong nakilala si Jay noong siya ay
gumanap ng mga sexy roles sa pelikulang Gayuma kasama si Amanda Page. Dahil sa
kanyang looks at appeal sa publiko ay naging larawan siya ng mga sexy movies
noon sa ating bansa. Ilan sa mga sumunod pang pelikulang kanyang ginawa ay
Totoy Mola, Kool Ka Lang, Kaliwa’t Kanan, Sakit sa Katawan, Bayad Puri, Bawal
ng Halik at Balahibong Pusa.
Dahil sa tinataglay na gandang lalaki ay anim ang babaeng
nagmahal kay Jay Manalo. Mula sa anim na babaeng kanyang minahal ay nagkaroon
siya ng labindalawang mga anak.
Sa ngayon ay namumuhay ng masaya si Jay Manalo at ng
kanyang asawang si Raizza kasama ang kanyang limang anak.
Sa kwento ni Jay sa kanyang interview kay Aster Amoyo ay
nakakasama naman niya ang kanyang iba pang mga anak mula sa lima pang babaeng
kanyang minahal. Katunayan ay nagsasama sama pa anya ang kanyang mga anak
tuwing nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan.
No comments:
Post a Comment