KILALANIN
SI VICTOR NERI AT ANG KANYANG MGA ANAK
Isa sa mga magagaling na aksiyon star na naging laman ng
mga senihan at palabas mula noong dekada 90 ay si Victor Neri o si Victor Luis
Juan Hilado Neri sa totoong pangalan. Siya ay isinilang noong February 19,
1976.
Ang mga pelikulang Suspek, Amanos: Patas ang Laban,
Iskalawag:Ang Batas ay Batas, Birador, at Ex-Con ay ilan lamang sa kanyang mga
ginawa noong mga panahong bentang benta ang mga maaksiyong pelikula sa senehan.
Bagaman humina ang produksiyon ng mga action films ay hindi
gaanong naapektuhan ang karera ni Victor Neri dahil sa kanyang husay sa
pag-arte, kaya’t maging sa mga madadramang pelikula at teleserye ay humahataw
parin ang kanang karera hanggang sa ngayon.
Katunayan ay kasama siya sa mga palabas na naging paborito
mong panoorin at marahil ay naging bahagi na ng buhay mo gaya ng mga palabas na
FPJs Ang Probinsyano bilang si Mayor Anton Guerrero, La Luna Sangre bilang si
Frederick Arguelles, at maging sa palabas na The World Between Us bilang si Dr.
Arthur Enriquez.
Sa kasaalukuyan ay isang chef si Victor Neri sa kanyang
restaurant na tinawag niyang Saute. 2007 nang sandalling huminto si Victor Neri
sa showbiz pang mag-aral ng Culinary Arts sa Le Cordon Bleu sa Bangkok,
Thailand. Maliban sa pagiging chef ay nag-aral din siya ng Bomb disposal
technician sa Philippine Coastguard.
Sa videong ito ay kilalanin rin natin ang mga anak ni Victor Neri.
1. Vito Neri
Si Vito ang panganay na anak ni Victor Neri. Isa ring actor
si Vito kung saan nakasama pa niya ang kanyang ama sa pelikulang A Short
History of Bad Things na entry ng Cinema One Originals.
Proud naman si victor neri kay Vito. Sa isang interview ay
sinabi pa nitong mas gwapo anya sa kanya ang kanyang anak. Nasa 21 taong gulang
na ngayon si Vito.
Ang mismong amang si Victor ang nagtrain sa kanang anak na
si Vito sa mga pag-arte. Siya ang mismong manager ni Vito.
May isa pang anak na lalaki si Victor Neri na nasa siyam na
taong gulang pa lamang at ayon kay Victor Neri ay magaling din anya itong
umarte.
No comments:
Post a Comment