KILALANIN SI RIO LOCSIN AT ANG KANYANG MGA ANAK

Si Rio Locsin ay isinilang noong October 3, 1961 bilang si Maria Theresa Rosario Garcia Nayve at kilala ng malalapit niyang kaibigan at pamilya sa bansag na ogie. Isa siya sa mga sikat na aktres at modelo sa ating bansa. Siya ay anak ng dating sikat na aktot na si Charito Garcia. Mula 1990s ay madalas na natin siyang makita sa telebisyon.

 

Unang sumikat si Rio Locsin sa pelikulang Disgrasyada noong 1978. Pagkatapos nito ay nabigya siya ng iba’t-ibang sexy roles sa pelikula gaya ng Menor de Edad, Love Affair, Ina, Kapatid, Anak, Unang Yakap at marami pang iba.

 


Dating kasal si Rio Locsin sa isa ring batikang aktor na si Al Tantay. Matapos magsama ng ilang taon ay naghiwalay din ang dalawa. Muling nagmahal si Rio Locsin sa katauhan naman ni Padim Israel na dating basketball playe at ngayon ay isang Evangelical Christian pastor. Narito mga kasama at kilalanin natin ang mga anak ni Rio Locsin.

 

1. Jabba Tantay

Si Jabba ang isa sa dalawang anak nina Al at Rio. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Korea. Hilig niya ang pagluluto at pag be bake. Dahil sa hindi makapasok sa trabaho dulog ng quarantine ay nagsimula na rin si Jabba ng kanyang mini business sa bahay. Gumagawa siya ng ma pantries at cakes. Supportado naman siya ng kanyang mga kaibigan na silang tumatangkilik sa kanyang mga produkto.

 

Mahilig si Jabba manood ng mga K Dramas, makinig sa BTS at maglaro ng Animal Crossing. Nasa 38 gulang na si Jabba sa kasalukuyan.

 

2. Paula Tantay

 Si Paula ang isa pang anak ni Al kay Rio. Madalas ring kasama ng magkapatid ang isa pa nilang kapatid sa ina na si Joses Israel. Si Joses ay anak naman ni Rio at Padim Israel.

 


SAMPUNG BAGAY NA DI MO ALAM TUNGKOL KAY BONG BONG MARCOS



Si Bong-Bong Marcos ang isa sa pinaka kontrobersyal na kandidato sa pagkapangulo sa kasalukuyan. Hindi lamang siya ang kasalukuyang nangunguna sa mga survey na umaabot sa higit sa kalahati ng mga participants ang bumubuto sa kanya bilang susunod na pangulo ng ating bansa kundi samo’t sari rin ang mga isyung ipinupukol sa kanya upang siya ay tanggalin sa halalan sa susunod na taon.

 

Ilan sa mga isyung ibinabato sa kanya ay ang di pagbabayad ng buwis, pagiging impostor at pagiging nuisance candidate. Naging isyu rin sa kanya ang pagiging anak ng sinasabing diktador at magnanakaw at ang hindi niya paghingi ng sorry sa sambayanang Pilipino dahil sa ginawang ito ng kanyang ama. Sa halip ay proud na proud pa ang dating senador sa mga proyektong nagawa ng kanyang ama sa panahon ng martial law. Ilan sa mga artikulong aming nabasa ay nagsasabi na kung di dahil sa martial law na ideneklara ng dating pangulong Ferdinand Marcos ay naging alipin na umano ng mga komunista ang bansang Pilipinas.

 

Marami ang samo’t-saring isyu at sabi sabi ang mga ibinabato kay Bongbong Marcos ngunit hindi naman kakikitaan ng pagkatinag ang dating senador sa halip ay lumalakas pa lalo ang pwersa at simpatiya ng mga tao na hindi malaman kung saan nanggagaling. Kaya’t marami ang nagtatanong. Sino nga ba si Bong Bong Marcos?

Sa videong ito ay samahan niyo kaming isa-isahin ang sampung bagay tungkol sa kanya na maaring hindi mo pa alam.

 

1. BOBONG MARCOS AKA BONGGETS/BONGETS

 

Maarig para sayo ay Bong Bong na ang palayaw ng dating senador Ferdinand Marcos Jr. Subalit para sa mga malalapit nitong pamilya at kaibigan ay tinatawag siyang Bonggets.

 

 

2. ISA SIYANG CHILD ACTOR

Marahil ay di ka rin naniniwala siguro na si Bong Bong ay isa ring child actor. Noong tumakbo ang kanyang ama sa pagkapangulo ng bansa ay naglabas ang Sampaguita pictures ng isang biographical movie na may titulong Iginuhit ng Tadhana. Ang aktor na si Luis Gonzales ang gumanap bilang si Dating Pangulong Marcos at si Gloria Romero naman ang gumanap bilang si Imelda Marcos.

 

Si Bongbong naman ay bilang siya rin.isa sa mga linya ng kanyang sinabi sa pelikula ay “Dear friends, ladies and gentlemen, I am Bongbong Marcos.When I grow , I want to be a politician. I will serve my country, especially the poor. And I will give them plenty of bigas and ulam. Ill give them many, many gamot at damit. And for the children, I’llgive them many toys so they will not cry anymore.”

 

3. BONG BONG IS A CLONE

 

Isang Urban legend ang palaging lumulutang sa panahon ng halalan. Ito ay ang aligasyon na si Bongbong Marcos ay isang clone lamang. Sinasabi ng mga tumutuligsa sa kanilang pamilya na matagal na umanong patay si Bongbong Marcos mula pa noong 1980s at ang nabbuhay na  Bongbong Marcos ngayon ay isa lang umanong kapamilya nila na sumailalim sa plastic surgery.

 

4. MAGKAPATID SILA NI GRACE POE

 

May lumabas ding isyu na magkapatid sina Bong Bong at Grace Poe. Ito ay dahil sa si dating pangulong Marcos umano ang ama ni grace poe na nagkaroon di umano ng relasyon at dating pangulo sa aktres na si Rosemarie Sonora. Subalit pinasubalian naman ito ng magkabilang kampo at sinabing hindi ito totoo. At masasabi ko rin na ito ay pawang bunga ng mga bibig ni Marites lamang.

 

5. HINIMOK SIYA NG KANYANG AMA SA POLITIKA at PANGARAP NG KANYANG INA NA SIYA AY MAGING PRESIDENTE

 

Sa ilan sa mga interview kay dating senador Bong bong Marcos ay sinabi nitong ang kanyag ama ang may higit na impluwensya sa kanya a pagtahak sa serbisyo publiko at sa politika.

Pangarap naman di umano ng ina nitong si Imelda Marcos na ang kanyang anak na si Bongbong ay maihalal sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa at marahil ay ito na nga ang tamang panahon para sa pangarap niyang iyon.

 

  6. NIKITA NIYA SI NINOY AT ANG KANYANG AMA NA MAGKASAMANG NAG-UUSAP SA MALAKANYANG

 

Sa isang interview sa kanya ni Kris Aquino ay sinabi ni Bong Bong na nakita di umano niya ang kanyang ama at ang ama ng aktress na si Kris Aquiono na masayang nag-uusap. Narinig pa umano niya na ang tawagan ng dalawa ay brad.

 

7. FIRST PHILIPPINE ROCKET NAMED AFTER BONGBONG

Lumabas ang balita noong 1975 ang pagkakaroon ng kaunaunahang rocket ang bansang Pilipinas. Ito ay nasaksihan mismo ng dating pangulong marcoskung saan ay matagumpay ang kauna-unahang pagpapaputok ng apat na bongbong rockets.

Sinabi noon ng dating pangulo na hindi lang dapat nakasalig sa ibang bansa ang depensa ng Pilipinas kundi kinakailangan rin nitong maging handa sa panahon na ang America ay hindi handang tumulong sa ating bansa.

 

8. TICKET TO THE MOON

 

Sa isang interview kay Bongbong Maros ay sinabi nitong nakatanggap umano siya ng isang teicket papuntang buwan kung magkaroon ng commercial flight papuntang buwan sa darating na panahon. Ito anya ay bigay sa kanya ng dating US President Richard Nixon.

 

9. BAHAGI SIYA NG ISANG BANDA

Naging interesado din umano siya sa musika kaya;t noong nag-aaral siya sa England ay naging bahagi umano siya sa isang banda. Ngunit hindi rin umano nagtagalang bandang iyon dahil sa ang mga myembro nito ay pawang mga estudyante kaya’t kinakailangan pa nilang bumalik muna sa pag-aaral.

 

10. MAHILIG SIYA SA PAGBABASA, PAGLULUTO AT PANONOOD NG PELIKULA

Marahil ay ito ang ilan sa mga namanang gusto ni Bongbong Marcos sa kanyang mga magulang. Ang hilig sa pagbabasa ay maaring namana niya sa kanyang ama at sa pagluluto naman ay sa kanyang ina.

 

KILALANIN ANG MGA ANAK NI ROSANNA ROCES

Si Rosanna Roces ay ipinanganak bilang si Jennifer Andriano Arias . Kilala din natin siya bilang si Osang. Siya ay isa sa mga batikang aktres sa ating bansa.

 

Naging contract star si Rosanna Roces ng Seiko Films mula 1994 hanggang 1996 at ipinakilala siya bilang si Ana Maceda. Matpos ito ay lumabas siya sa pelikulang Ligay Ang Itawag Mo sa Akin ng Reyna Films na nagtulak sa kanya para sa mga serious roles sa pag-arte.


Maliban sa pag-arte ay sinubukan rin ni Rosanna  ang paghohost sa Kapuso Network sa programang Startalk. Naging host siya ditto hanggang 2004 matapos ang di pagkakaunawaan niya at ng kanyang manager na si Lolit Solis.

 

Lumabas din si Osang sa mga palabas pantelebisyon gaya ng 1 for 3 kasama si Vic Sotto at Charlene Gonzales at mula din noong 2002 hanggang 2003 ay sa Daboy en Da Girl kasama ang pumanaw na aktor na si Rudy Fernandez. Maging sa mga seneserye ay namamayagpag din ang karera si Osang gaya halimbawa sa mga palabas na Natutulog Ba Ang Diyos bilang si Patria, Ysabella bilang si Rosario at Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik bilang si Veronica Rubio.

 


Dalawa ang taong naging bahagi ng kanyang buhay. Una ay si Tito Molina mula 1993 hanggang 2004 at si Blessy Arias naman mula noong 2016.

 

Sa videong ito ay kilalanin natin ang mga anak ni Rosanna Roces.

 

1. Grace Adriano



Si Grace ang nag-iisang babaeng anak ni Osang. Siya Grace at si Jolo Revilla ay nagkaroon ng anak. 

  2. Dennis Robert Adriano

 

Si Dennis ang isa pa sa mga anak ni Osang at nag-iisang anak na lalaki nito. Noong nakaaang taon ay sinasabing nagkaayos na umano si Osang at ang kanang anak na lalaki. Matatandaang nagkaroon ng lamat an reason ng dalawa noong 2013. Sa isang interview kay Osang ay sinabi nitong ang pagka-ayos ng kanilang relasong mag-ina ay ang pinakamasayang plot twist sa kanayang buhay dahil sa loob ng pitong taon at sa kalagitnaan ng pandemya ay muling nagsama-sama ang kanilang pamilya. Nagka kwentuhan at nagkakumustahan silang mag-iina.

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga ganitong video. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN SI AMY AUSTRIA AT ANG KANYANG ANAK



Si Amy Austria ventura ay ipinanganak noong December 1, 1961 bilang si Esmerelda Dizon Tuazon. Siya ay isang magaling na aktress sa ating bansa.

 

Nagsimulang lumabas si Amy sa mga pelikula noong 70s sa ilan sa mga sumikat na Pelikulang Pilipino. Isa sa mga ginampanan niyang papel sa pelikula kung saan ay higit siyang nakilala siya ay ang pelikung Brutal noong 1980 bilang isang mahiyain na college student na si  Monica.

 


Isa pa sa mga karater na kanyang ginampanan na kung saan ay nagantimpalaan siya bilang lead actress ay sa pelikulang Ativan Gang ni Carlos Caparas.

 


Si Amy ang ikalawa sa anim na magkakapatid mula sa mahirap na pamilya. Tinutulungan niya noon ang kanyang pamilya na magtinda ng mga chewing gums. Nagtapos si Amy sa Rajan Soliman High School at naipakilala siya sa isang producer na si Baby Martines ng MBM productions ng kanyang kaibigan.

 

Nakasama siya sa pelikulang Bitayin si Baby Ama noong 1976. Ito ang pelikulang nagpasikat rin sa aktor na si  Rudy Fernandez. Marami pang mga  pelikulang kinabilangan si Amy Austria gaya ng mga pelikulang Alas, Dabiana, Miss Dulce Amor, Ina, Atsay, Menor de edad, Gabun: Ama Mo, Ama Ko, at marami pang iba.

 

Sa kasalukuyan ay lumabas si Amy sa FPJs Ang Probinsyano bilang si Dr. Cynthia Jose.

 

Nagkaroon ng sinasabing adopted daughter sina Amy at aktor na si Jay Illagan. Si Jay pumanaw noong Febraury 4, 1992 sa edad na 39 dahil sa aksidente sa pagmomotor.

 


Nagkaroo ng anak si Amy at Jay. Siya ay si Alexandra Ilagan.

 


Muling nagmahal si Amy kay Duke Ventura mula 1999. Noong Marso 2019 ay nag renew sila ng kanilang 20th Wedding Anniversary. Ngayon ay isa na rig lola si Amy dahil mayroon na itong mga apo sa kay Alexandra.






 

KILALANIN ANG MGA ANAK NI JEJOMAR "JOJO" BINAY


Si Jejomar "Jojo" Cabauatan Binay, Sr. ay ipinanganak November 11, 1942.  Kilala siya natin bilang si Jojo Binay o VPBinay. Siya ang naging ika-15 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Bago ito ay naging alkalde rin siya ng Lungsod ng Makati simula 1986 hanggang 1998 at mula 2001 hanggang 2010. Hinawakan din niya ang mga sumusunod na posisyon: Pangulo ng United Nationalist Alliance (UNA), Pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), at Pangulo ng Kapatirang Scout ng Pilipinas.

 


Taong 2018 ay nadawit ang dating ikalawang pangulo sa sinasabing manaomalyang korapsyon sa pagpapatayo ng gusaling pampaaralan noong taong 2007 na nagkakahalaga ng 1.3 bilyong piso at pagbebenta ng pag-aaring hindi sa kanya na nakapangalan umano sa Boy Scouts of the Philippines.

Si Dra. Elenita Sombillo Binay ang asawa ng dating pangulo. Isa iyang Medical Doctor at politiko dahil nagsilbi rin itong alkalde ng Makati noong 198 hanggang 2001.

Si dating VP Binay at ag kanyang asawang si Dra. Elenita ay nagkaroon sila ng limang anak. Kilalanin natin sila sa videong ito.

 

1. Nancy Binay


Si Maria Lourdes Nancy Binay Angeles ay ipinanganak noong May 12, 1973. Isa siyang senador sa ating bansa. Bagaman wala gaanong karanasan sa politika ay tumakbo si Nancy sa pagka senador sa halalan noong 2013 at nanalo ito kung saan panlima pa siya sa pinakamaraming nakuhang boto. Noong 2019 naman ay muli itong nanalo para sa kanyang ikalawang termino bilang senador.Si Nancy ang panganay na anak ni dating VP Binay. Nag-aral si Nancy sa University of the Philippines Diliman at kumuha ito ng kursong culinary arts noong 1991 at pagkatapos ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Tourism at natapos niya ito noong 1997.

Kasal si Nancy sa isang construction at real estate businessman na si Jose Benjamin Angeles na kung saan nagkaroon sila ng apat na anak.

 

2. Abegail Binay

Si Mar Len AbigailBinay Campos ay ipinanganak naman noong Decembet 12, 1975. Dati siyang kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod ng Makati mula 2007 hanggang 2010. Sa ngayon ay kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang alkalde ng lungsod ng Makati nang mahalal siya mula noong 2016. Pagkatapos niyang kumuha ng kursong Ekolohiyang Pantao sa University of the Philippines ay kumuha rin siya ng kursong Law sa Pamantasang Ateneo de Manila.

Matapos na maipasa ang bar exam ay nagsilbi siya bilang abogado ng mga mahihirap. Kasapi siya sa Integrated Bar of the Philippines, Attorney for Brotherhood, Integrity and Nationalism, inc. at Federacion International de Abogadas.

Si Luis Campos ang kanayng asawa at mayroon na rin silang anak.

 

3. .Jejomar Binay Jr


Kilala natin siya bilang si Junjun Binay. Ipinanganak siya noong June 12, 1977. Gaya ng kayang mga magulang ay isarin siyang politiko. Nagsilbi siya bilang alkalde ng Makati mula 2010 hanggang 2015. Siya rin ang nag-iisang anak na lalaki ng dating ikalawang pangulo.

Nagtapos si Jejomar ng kanyang kurso sa University of the Philippines Diliman kung saan kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in Philippine Studies major in Creative Writing ang Public Administration at nagtapos bilang Cum Laude. Mayroon din siyang Masters Degree in Public Administration mula naman sa UP National College for Public Administration and Governance.

Kasal si Junjun Binay sa dating aktres na si kennely Ann Lacia at nagkaroon sila ng apat na anak na sina Jejomarie Alexi, Maria Isabel, Jejomar III at Maria Kennely. Namatay ang kanyang asawa sa panganganak sa kanilang bunso kaya’t pinangalanan niya itong Maria Kennely bilang pag-ala ala sa kanya.

4. Joanna Marie Blanca Binay


Si Joana Marie Blanca ang isa pa sa mga anak ni dating VP Binay na nakilala ng publiko dahil sa kanyang pagkasangkot sa imbistigasyn noon sa Senado na naipresenta ni Cayetano kung saan ang kanyang Instagram Account umano na may pangalang @jmblicious ay nagpapakita na ang binay ay nagmamayari ng 350hectare na hacienda sa Batangas namariin namang itinatanggi ni dating VP Binay.

Si Joanna ay nag-aral ng BS- HRM major in Hospitality and Management sa De La Salle College of Siant Benilde.

 

4. Marita Angeline Binay- Alcantara


Isa pa sa mga anak ni dating VP Binay at Dra. Elenita ay si Marita Angeline. Di tulad nina Nancy at Abegail a pinili ni Marita Angeline ang maging pribado ang pamumuhay.

KILALANIN ANG MGA ANAK NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong March 28, 1945 at kilalá rin sa kanyang bansag na Digong. Siya ay isang abogado, dating mayor ng Davao at ngayon ay kasalakuyang naninilbihan bílang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang unang naging pangulo na mula sa Mindanao.

 

Si Pangulong Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng Dabaw, isang urbanisadong lungsod sa kapuluan ng Mindanao. Dito ay nanilbihan siya nang pitóng termino o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin siyang bise-alkalde at kongresista sa nasabing lungsod.

 

Maraming mga bansag ang ikinabit ng kanyang mga kalaban sa polika sa kanyang pangalan. Tinawag siyang “the punisher”, “The dictator,” Mamamatay tao at Bastos.

Sa kabila ng mgapaninirang ipinukol noon sa Pangulong Duterte ay umabot sa 16.6 Million ang bumuto sa kanya. Mas nataas ng 6.6 milyon kaysa sa kanyang nakatunggali.


Si Elizabeth Zimmerman ang naging asawa ng Pangulong Duterte mula noong 1973 hanggang 2000. Siya ay isang retired flight attendant. Nagkaroon sila ng tatlong anak. Matapos na magkahiwalay noong 2000 ay muling nagkaroon ng kinakasama si Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena. Nagkaroon naman sila ng isang anak na babae.

Sa videong ito ay kilalanin natin ang mga anak ni Pangulong Rodrigro Duterte.

 

1. Paolo Duterte



Si Paolo ang panganay na anak ni pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay kasalukuyang Myembro ng Philippine House of Representative sa unang distrito ng Davao.  Nanilbihan rin siya noon bilang Vice Mayor noong 2013 hanggang 2018.

Si Paolo ay ipinanganak noong March 24, 1975 sa inang si Elizabeth.

Nagtapos si Paolo sa University of Mindanao sa kursong Banking and Finance noong 2002 at natapos rin niya ang kanyang master’s degree in Public Administration noong 2009 sa University of Southeastern Philippines. Natapos na rin niya ang kanyang Doctorate degree sa Lyceum-Northwestern University.


Dalawa ang naging asawa ni Paolo. Ito ay sina Lovelie Sangkola na isang Tausug kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak. Nang ma annul ang kanilang kasal noong 2006 ay muling nag-asawa si Paolo sa kanyang longtime girlfriend na si January Navares noong 2010. Nagkaroon din sila ng dalawang anak.

 

2. Sara Duterte


Kilala siya bilang si Inday Sara ng kanyang mga nasasakupan. SIya ang kasalukuyang Mayor ng Davao City. Nagsilbi na siya mula 2010 hanggang 2013 bilang City Mayor at noong 2007 naman hanggang 2010 ay bilang vice mayor.

Ipinanganak siya noong May 31, 1978. Siya ang ikalawang anak ni Pangulong Duterte sa dating asawang si Elizabeth.


Pediatrician ang pangarap noon ni Inday Sara katunayan ay nag-aral siya sa San Pedro College ng BS Respiratory Therapy at nagtapos noong 1999. Kumuha siya ng kanyang degree sa law sa San Sebastian College at nagkapagtapos noong 2005. Noong 2006 naman ay nakapasa siya sa Philippine Bar Examination. Isa rin siyang reserve officer ng Armed Forces of the Philippines.

Kamakailan lamang ay nag-anunsyo si Inday Sara ng kanyang pag-atras sa pagtakbo bilang Mayor ng Davao City. Inaasahan ng marami niyang taga suporta na tatakbo siya bilang bise presidente.

Nagkaroon ng tatlong anak si Mayor Sara sa kanyang naging asawa na si Manases Carpio. Isang abogado na kanyang nakilala noong siya ay nag-aaral sa San Beda University.

3. Sebastian Duterte


Si Sebastian ang bunsong anak ni Pangulong Duterte sa dating asawang si Elizabeth. Siya ay kasalukuyang vice mayor ng Davao City mula 2019. Isinilang siya noong November 3, 1987. Siya ay 34 na taong gulang na sa kasalukuyan.

Nag-aral si Sebastian sa San Beda University at kumuha ng kanyang kursong political science sa Ateneo de Davao University.

 

4. Veronica Duterte


Kilala natin siya bilang si Kitty. Siya ang bunsong anak ni Pangulong Duterte sa pangalawang babae sa kanyang buhay na si Honeylet.

 

KILALANIN ANG MGA ANAK NI MANNY PACQUIAO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI MANNY PACQUIAO

 

Tinagurian natin siyang “The People’s Champ,” “Pambansang Kamao” at “Fighter of the Decade.” Malamang ay walang tao na mahilig sa boxing ang hindi nakakakilala kay Senador Emmanuel Manny Pacquiao Sr.

Halos tumitigil ang ikot ng buong bansa kung naglalaro ang pambansang kamao. Inaabangan ang kanyang laro, mula sa mga radio, telebisyon at maging sa online world.

At sa tuwing nanalo si Manny Pacquiao ay tila panalo na rin ang pakiramdam ng maraming mga Pilipino.

Si Manny Pacquiao ay ipinanganak noong December 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon.

Siya ay anak ni Rosalio Pacquiao at Dionisia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang magulang ay naghiwalay noong siya ay ika-anim na grado, matapos nadiskubre ang kanyang ina na ang kanyang ama ay namumuhay sa ibang babae. Si Manny ay ika-apat sa anim na magkapatid.

 

Si Pacquiao ay pinakasalan si Jinkee Jamora noong Enero 10, 2000. Sa kasalukuyan, sila ay tumira sa General Santos City, South Cotabato. Sila ay nagkaroon nang limang anak. Narito’s kilalanin natin sila.

 

1. Emmanuel Pacquiao Jr

Si Manny Pacquiao Jr. ang panganay na anak ni People’s Champ Manny Pacquiao. Gaya ng kanyang ama ay pinasok rin ni Emmanuel ang mundo ng boxing.

2. Michael Pacquiao

Si Michael Pacquiao ang ikalawang anak ni Manny at Jinky. Siya ay nasa 18 taong gulang na sa kasalukuyan. Nagtapos pa lamang si Michael noong June 2020 sa Brent International School. Di tulad ng kanyang nakakatandang kapatid na si Manny Jr. na sinundan ang yapak ng ama sa boxing, ang hilig ni Michael ay ang pagrarap.

Noong Mayo ng nakaraang taon ay nilabas niya ang kanyang single na “Only You” at noong July naman ay ang kantang “Pac-Man” na tumutukoy sa kanyang ama. Nagtrending naman ito sa twitter nang mapakinggan ng mga tao.

Mas lalong bumilib ang kanyang mga tagahanga nang noong Agosto ay inawit niya ang Hate sa Wish 107.5. Ito ay bahagi ng kanyang debut album na dream.  Maliban sa pag rarap ay isa rin siyang student athlete at endorser.

3. Princess Pacquiao

Si Mary Divine Grace o mas kilala natin bilang si Princess ay ang pangatlong anak at pangay sa mga babaeng anak ni Manny at Jinkee Pacquiao. Siya ay isang Digital Creator kung saan ang kanyang Instagram ay mayroong higit sa 100 thousand followers at ang kanyang YouTUbe channel naman ay may higit sa 1.3 million subscribers.

Si Princess ay nasa 15 taong gulang na at hilig niyang I vlog kanilang mga ginawa sa araw araw kasama ang kanyang mga kapatid at mga magulang.

 

4.  Queen Elizabeth Pacquiao

Si Queen Elizabeth ang pang apat na anak nina Manny at Jinkee. Siya ay isinilang sa Los Angeles, California. Ito ang unang pagkakataon anya para kay Manny na tulungan si Jinkee sa panganganak. Siya ang isa sa nagpa iri at nagputol ng umbilical cord ng kanyang anak.

Si Elizabeth ay 12 taong gulang na sa kasalukuyan. Noong nakaraang taon ay sa Mansion nila sa General Santos City siya nag celebrate ng kanyang ika 12 taong kaarawan.

 

5.  Israel Pacquiao

Si Israel ang bunsong anak nina  Manny at Jinky.  Isinilang siya noong April 27, 2014.

Sa kasalukuyan ay isa si Manny Pacquiao sa tumatakbong Presidente sa ating bansa.


KILALANIN SI AIMEE MARCOS AT ANG KANYANG ANAK


KILALANIN SI AIMEE MARCOS AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Simula nang makilala ng publiko si Aimee Marcos ay samo’t sari na ang mga naging usap-usapan patungkol sa kanyang pagkatao. May mag lumabas na balita noon na siya raw ay anak ng dating pangulong Marcos sa labas. May balita ring lumabas na siya ay anak naman ni Senadora Imee Marcos sa pagka dalaga kung saan ayon sa kwento ay lihim na nagsilang si Imee ng anak sa ibang bansa noong 1978 at ito daw umano ay si Aimee.

Subalit naging Malinaw ang lahat sa pagkatao ni Aimee Marcos nang dumalo ito sa burol ng namayapang si Teresita Romualdez sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park sa Makati City. Siya ang biological mother ni Aimee Marcos at totoong sa ibang bansa rin siya isinilang ng kanyang inang si Teresita.

 

Si Aimee ay apo ng dating First Lady Imelda Marcos dahil pamangkin niyang buo si Teresita na anak ng kanyang kapatid na si Vivente Romualdez. Mula nang isilang si Aimee ay si Imelda na ang nagpalaki at nag-aruga sa kanya kaya’t hanggang sa ngayon ay sina Imelda at Ferdinand and kanyang kinikilalang mga magulang.

Nang mag-dalaga na si Aimee ay naging bahagi siya noon ng music industry bilang isang drummer ng indie music band na The Dorques.

 

Si Aimee ay ang tanging minor de edad noon nang ang martial law ay natigil sa bansa noong 1981 at maging nang sila ay itapon sa Honolulu noong 1986.

 

Maliban sa pagiging drummer na banda ay nahilig rin si Aimee sa pagsusulat. Isa sa mga artikulng kanyang naisulat ay ang Post-Pandemic our Wolrd is Digital sa tribune . net . ph

 

Halata rin ang hilig ni Aime sa kalikasan, magbasa ng mga libro, at magluto dahil sa ito ang halos laman ng kanyang Instagram account.

 

Sa ngayon ay mayroon nang isang anak na lalaki si Aimee. Pribado naman ang pamumuhay ng naging asawa ni Aimee at maging ang kanyang pamumuhay sa kasalukuyan.


KILALANIN SI BONG BONG MARCOS AT ANG KANYANG MGA ANAK



Sa mahigit labing pitong taong panunungkulan sa publiko, kinilala si Bong Bong Marcos bilang isa sa mga may kahanga hangang ginawa bilang isang mambabatas, opisyal ng gobyerno at bilang public administrator na kung saan karamihan sa kanyang mga ginawa ay malayo sa spotlight sa mga mata ng sambayanang Pilipino.

Sa murang gulang pa lamang ay namulat na si Bong Bong sa paglilingkod sa bayan gaya ng kanyang mga magulang na kapwa naging opisyal ng gobyerno sa mahigit sa dalawang dekada. Sa edad na 23 ay nahalal na no
on si Bong Bong bilang vice governor ng Ilocos Norte.

Dahil sa pagsiklab ng EDSA Revolution noong 1986 ay kasama si Bong Bong sa mga pinaalis sa bansa. Sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi parin naalis sa isip at puso ni Bong Bong ang paglilingkod sa bansa kaya’t nag-aaral ito sa ibang bansa upang higit na maihanda ang kanyang sarili sa kanilang pagbabalik sa bansang Pilipinas.

Bagaman may posibilidad na maaristo si Bong Bong dahil sa bagong regimo, siya ang unang nakabalik sa bansa noong 1992. Mula noon ay hindi na niya iniwan ang bansa at patuloy na naglingkod sa taong bayan. Sa taong ding iyon ay nahalal siya sa kongreso bilang representative sa ikalawang distrito ng kanyang probinsya ang Ilocos Norte.

Noong 1998 naman ay nanalo siya bilang Governor ng Ilocos Norte na kung saan, naglingkod siya ng tatlong magkakasunod na termino.


Noong 2007 ay muli siyang nahalal sa House of Representative at naglingkod bilang Deputy Minority Leader.

Noong 2010 naman ay nanalo siya bilang senador na bansa at naging tagapanguna ng ibat’-ibang committee gaya ng Committee on Local Government Committee on Urban Planning, Housing and Resettlements, at naging myembro ng marami pang mga komite.

Si Bong Bong ang ikalawang anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos. Nag-aral siya ng elementarya sa De La Salle, nagtapos ng kanyang sekondarya sa Worth School sa England, Kumuha ng kanyang degree na Political Science, Philosophy and Economics sa Oxford University noong 1978 at ng kanyang Master’s Degree in Business Administration mula naman sa Wharton School of Business.


Kasal siya kay Louise Cacho Araneta at nagkaroon sila ng tatlong anak. Narito’s kilalanin lalo natin sila.

 1. Ferdinanf Alexander Araneta Marcos


Kilala siya ngayon ng maraming mga kabataan bilang si Sandro Marcos. Gaya ng kanyang ama ay pinasok na rin ni Sandro ang politika. Siya ay tatakbo bilang Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte sa darating na halalan sa susunod na taon.

Ipinanganak si Sandro noong March 7, 1992 at siya ay nasa 27 taong gulang na. Nagtapos siya ng kanyang degree na Economics at ng Master’s degree na Development Studies sa London School of Economics. Mula 2019 hanggang sa kasalukuyan ay nagtrabaho siya bilang Political Affair Officer sa opisina ni Congressman Martin Romualdez.

Kamakailang lamang ay parami na ng parami ang mga humahangang kababaihan kay Sandro dahil sa nagtataglay din ito ng magandang pagmumukha na hinahangaan sa social media. Tila kinikilig naman ang ama nitong si Bong Bong tuwing may nagtatanong kung kumusta na si Sandro.

 2. Joseph Simon Araneta Marcos


Si Simon nama ay nagtapos noong 2018 ng kanyang degree sa Bachelor of Arts in Business Administration and Managemetn sa Oxford Brookes University. Gaya ng kanyang ama ay sa Worth School din siya nagtapos ng kanyang sekondarya. Tuwang tuwa naman si Bong Bong na maliban sa kanyang panaganay na si Sandro ay nakapasok rin si Simon sa Oxford University kung saan doon rin siya nagtapos ng Political Science, Philosophy and Economics noong 1978.

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho si Simon sa Chaudhary Group sa Nepal mula 2018. Nagtrabaho rin si Simon noon sa Malaysia at China.

 3. William Vincent Araneta Marcos


Si William Vicent naman ay isinilang noong May 17, 1997. Siya ay 24 na taong gulang na sa kasalukuyan. Tulad ng kanyang mga nakakatandang kapatis na lalaki ay marami rin ang humahanga sa taglay na kagandahang lalaki ni Vincent. Nagtataglay rin si Vincent ng talento sa pag skateboard.

 

KILALANIN ANG MGA KAPATID NI DATING PANGULONG MARCOS



Isa si dating pangulong Marcos sa mga naging pangulo ng Pilipinas na kailanman ay hindi malilimutan ng maraming mga Pilipino lalo na sa mga naging biktima ng mga abusadong opisyal na nagpatupad ng martial law sa bawat kanayunan na nilagdaan ng dating pangulong Marcos sa layunin anya niyang mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa dahil sa mabilis na paglago ng mga komunistang grupo na noon ay kumakalaban sa kanyang pamamahala.


Ayon sa aming pananaliksik, ideneklara ang martial law sa bansa dahil sa tinatawag na state of lawlessness na laganap sa buong bansa na naglagay sa panganib ng buhay ng maraming mga Pilipino.

Ang pagdami ng mga komunista sa bansa ang naging batayan ng dating pangulong Marcos na kung saan ayon sa kanyang pahayag noon ay nakakuha daw umano ng mga malalakas na armas ang mga komunistang grupo mula sa Tsina na siyang gagamitin upang pabagsakin at guluhin ang mapayapang buhay ng mga ordinaryong Pilipino.


Kaya’t bilang sagot sa nagbabantang lakas ng komunista ay ideneklara ng dating pangulong Marcos ang Batas Militar sa buong bansa alinsunod sa kanyang kapangyarihan ayon sa nakasaad sa 1935 Philippine Constitution.

Ngunit marami rin ang duda sa pagpapatupad ng Martial Law ng dating Pangulong Marcos. Dahil may lumabas na balita noon na iniulat ng independent report na nasa 1000 katao lang noon ang mga komunistang grupo at halos ay laos lahat ng kanilang mga armas. Ang sa mismong taon ng pagdeklara ng martial law ang siya rin pagdami ng mga komunista na kung saan lumago ito sa 35,000 noong 1985.



Kaya’t ang pagdeklara anya ng nasabing batas military ay upang mapanatili ng dating pangulong Marcos ang kanyang kapangyarihan at posisyon na umabot sa 20 taon.

 

Marahil ay nakilala lang natin si Pangulong Marcos dahil sa kanyang mga mamagandang ginawa at maging sa usaping martial law.

Sa videong ito ay kilalanin rin natin ang kanyang mga kapatid.

 

1. Pacifico Marcos


Si Pacifico Edralin Marcos ay isinilang noong January 30, 1919.. Siya ay isang physician at kilala bilang nakababatang kapatid ng dating pangulong Marcos.

Isinilang siya sa Sarat, Ilocos Norte kina Don Mariano Rubio Marcos at Donya Josefa Quetulio Edralin. Nagtapos siya sa University of the Philippines College of Medicine at naging myembro ng Mu Sigma Phi at naging presidente ng Philippine Medical Association. Noong 1971 ay na appoint siya bilang first chair mula sa 9 na membro ng Philippine Medical Care Commission. Ito ay naglalayong magbigay ng medical insurance sa mga mahihirap ng mga Pilipino.

Nagmamay-ari rin si Pacifico noon ng mga kompanya gaya ng large car dealership, sugar mill na tinawag na Consolidate Sugar Corporation, real estate firm na tinawag naman na Citizens Development Inc at Philippine Seed Incorporated.

Hindi pumasok si Pacifico sa politika at inilayo ang kanyang sarili sa regimong pinangunguluhan ng kanyang kapatid.

 

2. Elizabeth Marcos- Keon

Si Elizabeth ang pangatlo sa magkakapatid. Siya ay dati ring Ilocos Norte Governor mula 1971 hanggang 1983. Naging asawa niya ang Australian journalist na si Michael James Keon.

Ang kanilang anak na si Michael Edward Marcos Keon ay naging mayor din ng Laoag na nahalal noong 2019 na nagsilbi munang Governor ng Ilocos Norte noong 2007 hanggang 2010.

 

3. Fortunata Marcos Barba


Si Fortunata ang bunsong babaeng kapatid ng dating pangulong Marcos na pumanaw noong Mach 3, 2018 sa edad na 87 habang ginagamot sa ospital. Namuhay si Fortunata ng tahimik  sa San Nicolas, Ilocos Norte kung saan ang kanyang anak na si Angelo Marcos-Barba ang naging Vice Governor doon.

Tanging si Fortunata na lamang ang nabubuhay na kapatid ng dating Pangulong Marcos nang siya ay ilibing sa libingan ng mga bayani. Ang libing na hiniling ng dating pangulong Marcos na nakasulat sa kanyang huling habilin.

Marahil ay ito ang tanging hinihintay niya na masaksihang maayos na nailimbing ang kanilang kuya.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...