Si Pangulong Duterte
ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging
alkalde ng Lungsod ng Dabaw, isang urbanisadong lungsod sa kapuluan ng
Mindanao. Dito ay nanilbihan siya nang pitóng termino o mahigit 22 taon.
Nagsilbi rin siyang bise-alkalde at kongresista sa nasabing lungsod.
Maraming mga bansag
ang ikinabit ng kanyang mga kalaban sa polika sa kanyang pangalan. Tinawag
siyang “the punisher”, “The dictator,” Mamamatay tao at Bastos.
Sa kabila ng
mgapaninirang ipinukol noon sa Pangulong Duterte ay umabot sa 16.6 Million ang
bumuto sa kanya. Mas nataas ng 6.6 milyon kaysa sa kanyang nakatunggali.
Si Elizabeth Zimmerman ang naging asawa ng Pangulong Duterte mula noong 1973 hanggang 2000. Siya ay isang retired flight attendant. Nagkaroon sila ng tatlong anak. Matapos na magkahiwalay noong 2000 ay muling nagkaroon ng kinakasama si Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena. Nagkaroon naman sila ng isang anak na babae.
Sa videong ito ay
kilalanin natin ang mga anak ni Pangulong Rodrigro Duterte.
1. Paolo Duterte
Si Paolo ang
panganay na anak ni pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay kasalukuyang Myembro ng
Philippine House of Representative sa unang distrito ng Davao. Nanilbihan rin siya noon bilang Vice Mayor
noong 2013 hanggang 2018.
Si Paolo ay
ipinanganak noong March 24, 1975 sa inang si Elizabeth.
Nagtapos si Paolo
sa University of Mindanao sa kursong Banking and Finance noong 2002 at natapos
rin niya ang kanyang master’s degree in Public Administration noong 2009 sa
University of Southeastern Philippines. Natapos na rin niya ang kanyang
Doctorate degree sa Lyceum-Northwestern University.
Dalawa ang naging asawa ni Paolo. Ito ay sina Lovelie Sangkola na isang Tausug kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak. Nang ma annul ang kanilang kasal noong 2006 ay muling nag-asawa si Paolo sa kanyang longtime girlfriend na si January Navares noong 2010. Nagkaroon din sila ng dalawang anak.
2. Sara Duterte
Kilala siya bilang
si Inday Sara ng kanyang mga nasasakupan. SIya ang kasalukuyang Mayor ng Davao
City. Nagsilbi na siya mula 2010 hanggang 2013 bilang City Mayor at noong 2007
naman hanggang 2010 ay bilang vice mayor.
Ipinanganak siya
noong May 31, 1978. Siya ang ikalawang anak ni Pangulong Duterte sa dating
asawang si Elizabeth.
Pediatrician ang pangarap noon ni Inday Sara katunayan ay nag-aral siya sa San Pedro College ng BS Respiratory Therapy at nagtapos noong 1999. Kumuha siya ng kanyang degree sa law sa San Sebastian College at nagkapagtapos noong 2005. Noong 2006 naman ay nakapasa siya sa Philippine Bar Examination. Isa rin siyang reserve officer ng Armed Forces of the Philippines.
Kamakailan lamang
ay nag-anunsyo si Inday Sara ng kanyang pag-atras sa pagtakbo bilang Mayor ng
Davao City. Inaasahan ng marami niyang taga suporta na tatakbo siya bilang bise
presidente.
Nagkaroon ng
tatlong anak si Mayor Sara sa kanyang naging asawa na si Manases Carpio. Isang
abogado na kanyang nakilala noong siya ay nag-aaral sa San Beda University.
3. Sebastian
Duterte
Si Sebastian ang bunsong anak ni Pangulong Duterte sa dating asawang si Elizabeth. Siya ay kasalukuyang vice mayor ng Davao City mula 2019. Isinilang siya noong November 3, 1987. Siya ay 34 na taong gulang na sa kasalukuyan.
Nag-aral si
Sebastian sa San Beda University at kumuha ng kanyang kursong political science
sa Ateneo de Davao University.
4. Veronica Duterte
Kilala natin siya
bilang si Kitty. Siya ang bunsong anak ni Pangulong Duterte sa pangalawang
babae sa kanyang buhay na si Honeylet.
No comments:
Post a Comment