KILALANIN ANG MGA ANAK NI MANNY PACQUIAO
Tinagurian natin
siyang “The People’s Champ,” “Pambansang Kamao” at “Fighter of the Decade.”
Malamang ay walang tao na mahilig sa boxing ang hindi nakakakilala kay Senador
Emmanuel Manny Pacquiao Sr.
Halos tumitigil ang
ikot ng buong bansa kung naglalaro ang pambansang kamao. Inaabangan ang kanyang
laro, mula sa mga radio, telebisyon at maging sa online world.
At sa tuwing nanalo
si Manny Pacquiao ay tila panalo na rin ang pakiramdam ng maraming mga Pilipino.
Si Manny Pacquiao
ay ipinanganak noong December 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon.
Siya ay anak ni
Rosalio Pacquiao at Dionisia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang magulang ay naghiwalay
noong siya ay ika-anim na grado, matapos nadiskubre ang kanyang ina na ang kanyang
ama ay namumuhay sa ibang babae. Si Manny ay ika-apat sa anim na magkapatid.
Si Pacquiao ay pinakasalan
si Jinkee Jamora noong Enero 10, 2000. Sa kasalukuyan, sila ay tumira sa
General Santos City, South Cotabato. Sila ay nagkaroon nang limang anak. Narito’s
kilalanin natin sila.
1. Emmanuel
Pacquiao Jr
Si Manny Pacquiao
Jr. ang panganay na anak ni People’s Champ Manny Pacquiao. Gaya ng kanyang ama
ay pinasok rin ni Emmanuel ang mundo ng boxing.
2. Michael Pacquiao
Si Michael Pacquiao
ang ikalawang anak ni Manny at Jinky. Siya ay nasa 18 taong gulang na sa
kasalukuyan. Nagtapos pa lamang si Michael noong June 2020 sa Brent
International School. Di tulad ng kanyang nakakatandang kapatid na si Manny Jr.
na sinundan ang yapak ng ama sa boxing, ang hilig ni Michael ay ang pagrarap.
Noong Mayo ng
nakaraang taon ay nilabas niya ang kanyang single na “Only You” at noong July
naman ay ang kantang “Pac-Man” na tumutukoy sa kanyang ama. Nagtrending naman
ito sa twitter nang mapakinggan ng mga tao.
Mas lalong bumilib
ang kanyang mga tagahanga nang noong Agosto ay inawit niya ang Hate sa Wish
107.5. Ito ay bahagi ng kanyang debut album na dream. Maliban sa pag rarap ay isa rin siyang
student athlete at endorser.
3. Princess
Pacquiao
Si Mary Divine
Grace o mas kilala natin bilang si Princess ay ang pangatlong anak at pangay sa
mga babaeng anak ni Manny at Jinkee Pacquiao. Siya ay isang Digital Creator
kung saan ang kanyang Instagram ay mayroong higit sa 100 thousand followers at
ang kanyang YouTUbe channel naman ay may higit sa 1.3 million subscribers.
Si Princess ay nasa
15 taong gulang na at hilig niyang I vlog kanilang mga ginawa sa araw araw
kasama ang kanyang mga kapatid at mga magulang.
4. Queen Elizabeth Pacquiao
Si Queen Elizabeth
ang pang apat na anak nina Manny at Jinkee. Siya ay isinilang sa Los Angeles,
California. Ito ang unang pagkakataon anya para kay Manny na tulungan si Jinkee
sa panganganak. Siya ang isa sa nagpa iri at nagputol ng umbilical cord ng
kanyang anak.
Si Elizabeth ay 12
taong gulang na sa kasalukuyan. Noong nakaraang taon ay sa Mansion nila sa
General Santos City siya nag celebrate ng kanyang ika 12 taong kaarawan.
5. Israel Pacquiao
Si Israel ang
bunsong anak nina Manny at Jinky. Isinilang siya noong April 27, 2014.
Sa kasalukuyan ay
isa si Manny Pacquiao sa tumatakbong Presidente sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment