KILALANIN
SI AIMEE MARCOS AT ANG KANYANG MGA ANAK
Simula nang makilala ng publiko si Aimee Marcos ay samo’t
sari na ang mga naging usap-usapan patungkol sa kanyang pagkatao. May mag
lumabas na balita noon na siya raw ay anak ng dating pangulong Marcos sa labas.
May balita ring lumabas na siya ay anak naman ni Senadora Imee Marcos sa pagka
dalaga kung saan ayon sa kwento ay lihim na nagsilang si Imee ng anak sa ibang
bansa noong 1978 at ito daw umano ay si Aimee.
Subalit naging Malinaw ang lahat sa pagkatao ni Aimee
Marcos nang dumalo ito sa burol ng namayapang si Teresita Romualdez sa
Santuario de San Antonio sa Forbes Park sa Makati City. Siya ang biological
mother ni Aimee Marcos at totoong sa ibang bansa rin siya isinilang ng kanyang
inang si Teresita.
Si Aimee ay apo ng dating First Lady Imelda Marcos dahil
pamangkin niyang buo si Teresita na anak ng kanyang kapatid na si Vivente
Romualdez. Mula nang isilang si Aimee ay si Imelda na ang nagpalaki at
nag-aruga sa kanya kaya’t hanggang sa ngayon ay sina Imelda at Ferdinand and
kanyang kinikilalang mga magulang.
Nang mag-dalaga na si Aimee ay naging bahagi siya noon ng
music industry bilang isang drummer ng indie music band na The Dorques.
Si Aimee ay ang tanging minor de edad noon nang ang martial
law ay natigil sa bansa noong 1981 at maging nang sila ay itapon sa Honolulu
noong 1986.
Maliban sa pagiging drummer na banda ay nahilig rin si
Aimee sa pagsusulat. Isa sa mga artikulng kanyang naisulat ay ang Post-Pandemic
our Wolrd is Digital sa tribune . net . ph
Halata rin ang hilig ni Aime sa kalikasan, magbasa ng mga
libro, at magluto dahil sa ito ang halos laman ng kanyang Instagram account.
Sa ngayon ay mayroon nang isang anak na lalaki si Aimee.
Pribado naman ang pamumuhay ng naging asawa ni Aimee at maging ang kanyang
pamumuhay sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment