Sa murang gulang pa lamang ay
namulat na si Bong Bong sa paglilingkod sa bayan gaya ng kanyang mga magulang
na kapwa naging opisyal ng gobyerno sa mahigit sa dalawang dekada. Sa edad na
23 ay nahalal na no
on si Bong Bong bilang vice governor ng Ilocos Norte.
Dahil sa pagsiklab ng EDSA Revolution noong 1986 ay kasama si Bong Bong sa mga pinaalis sa bansa. Sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi parin naalis sa isip at puso ni Bong Bong ang paglilingkod sa bansa kaya’t nag-aaral ito sa ibang bansa upang higit na maihanda ang kanyang sarili sa kanilang pagbabalik sa bansang Pilipinas.
Bagaman may posibilidad na
maaristo si Bong Bong dahil sa bagong regimo, siya ang unang nakabalik sa bansa
noong 1992. Mula noon ay hindi na niya iniwan ang bansa at patuloy na
naglingkod sa taong bayan. Sa taong ding iyon ay nahalal siya sa kongreso
bilang representative sa ikalawang distrito ng kanyang probinsya ang Ilocos
Norte.
Noong 1998 naman ay nanalo
siya bilang Governor ng Ilocos Norte na kung saan, naglingkod siya ng tatlong
magkakasunod na termino.
Noong 2007 ay muli siyang nahalal sa House of Representative at naglingkod bilang Deputy Minority Leader.
Noong 2010 naman ay nanalo
siya bilang senador na bansa at naging tagapanguna ng ibat’-ibang committee
gaya ng Committee on Local Government Committee on Urban Planning, Housing and
Resettlements, at naging myembro ng marami pang mga komite.
Si Bong Bong ang ikalawang
anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos. Nag-aral siya ng
elementarya sa De La Salle, nagtapos ng kanyang sekondarya sa Worth School sa
England, Kumuha ng kanyang degree na Political Science, Philosophy and
Economics sa Oxford University noong 1978 at ng kanyang Master’s Degree in
Business Administration mula naman sa Wharton School of Business.
Kasal siya kay Louise Cacho Araneta at nagkaroon sila ng tatlong anak. Narito’s kilalanin lalo natin sila.
1. Ferdinanf Alexander Araneta Marcos
Kilala siya ngayon ng maraming mga kabataan bilang si Sandro Marcos. Gaya ng kanyang ama ay pinasok na rin ni Sandro ang politika. Siya ay tatakbo bilang Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte sa darating na halalan sa susunod na taon.
Ipinanganak si Sandro noong
March 7, 1992 at siya ay nasa 27 taong gulang na. Nagtapos siya ng kanyang
degree na Economics at ng Master’s degree na Development Studies sa London
School of Economics. Mula 2019 hanggang sa kasalukuyan ay nagtrabaho siya
bilang Political Affair Officer sa opisina ni Congressman Martin Romualdez.
Kamakailang lamang ay parami
na ng parami ang mga humahangang kababaihan kay Sandro dahil sa nagtataglay din
ito ng magandang pagmumukha na hinahangaan sa social media. Tila kinikilig
naman ang ama nitong si Bong Bong tuwing may nagtatanong kung kumusta na si
Sandro.
2. Joseph Simon Araneta Marcos
Si Simon nama ay nagtapos noong 2018 ng kanyang degree sa Bachelor of Arts in Business Administration and Managemetn sa Oxford Brookes University. Gaya ng kanyang ama ay sa Worth School din siya nagtapos ng kanyang sekondarya. Tuwang tuwa naman si Bong Bong na maliban sa kanyang panaganay na si Sandro ay nakapasok rin si Simon sa Oxford University kung saan doon rin siya nagtapos ng Political Science, Philosophy and Economics noong 1978.
Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho
si Simon sa Chaudhary Group sa Nepal mula 2018. Nagtrabaho rin si Simon noon sa
Malaysia at China.
3. William Vincent Araneta Marcos
Si William Vicent naman ay isinilang noong May 17, 1997. Siya ay 24 na taong gulang na sa kasalukuyan. Tulad ng kanyang mga nakakatandang kapatis na lalaki ay marami rin ang humahanga sa taglay na kagandahang lalaki ni Vincent. Nagtataglay rin si Vincent ng talento sa pag skateboard.
No comments:
Post a Comment