KILALANIN ANG MGA ANAK NI SENADOR NINOY AQUINO



Si Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr na mas kilala natin bilang si Ninoy Aquino ay isa sa pinaka popular na Pilipinong senador sa ating bansa. Ipinanganak siya noong November 27, 1932 kina Benigno Aquino Sr. at Aurora Aquino. Sa videong ito ay kilalanin natin ang mga anak ni Benigno Aquino. Ngunit bago yan ay balikan muna natin ang kanyang naging buhay.


Naging popular si Ninoy noong ito ay labing pitong taong gulang pa lamang dahil sa kanyang pagiging korespondent sa digmaan sa Korea. Siya ang pinakabatang nahalal na Mayor ng Concepcion, Tarlac. Naging teknikal rin siya ng pangulong Ramon Magsaysay at Carlos Garcia. Umanib at naging kalihim siya ng Partido Liberal noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal.


Noong siya ay nanunungkulan pa bilang senador ay siya ay naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamahala nito. Pinatay siya sa Manila International Airport na ngayon ay Ninoy Aquino Internation Airport bilang parangal sa kanya. Ito ay nangyari pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ito ay ipagamot sa Amerika.

Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagkaluklok sa Pagka-Pangulo ng kanyang asawang si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong pamamahala ni Ferdinand Marcos.

Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay ang may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. Batay sa mga testigong sina Rebecca Quijano, Jessie Barcelona at iba pa, nakita nilang ang sundalong si Rogelio Moreno, na nasa likod ni Ninoy habang bumaba sa hagdan ng eroplano, ang bumaril sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay Ninoy na ang bala ay pumasok sa itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa mababang panga na nagpapakitang ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni Ninoy.

May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan.

 

Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino.

Nagkaroon ng limang anak si Ninoy at Cory, Narito’s kilalanin natin sila.

1. Ballsy Aquino Cruz


Si Maria Elena "Ballsy" Aquino-Cruz (ipinanganak Agosto 18, 1955) ay ang panganay na anak ng dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr. Siya ang ate ni Pangulong Benigno Aquino III, at kapatid ng sikat na aktres na si Kris Aquino. Labing anim na taong gulang pa lamang noon si Balllsy nang ideklara ang Marial law at nang ang kanyang ama ay ikulong.

Nagtataglay si Ballsy noong kanyang kabataan ng kagandahang namana niya sa kanyang ina. Mula sa kanyang malalakingm mga mata at flaelwss complexion ay napahanga niya ang maraming mga kabataang lalaki noon.

26 na taoong gulang si Ballsy nang ikasal siya kay Eldon Cruz noong Dec, 10, 1982 sa lumang simbahan ng Tarlac kung saan sila nagsisimba tuwing linggo.

2. Aurora Corazon Aquino Abellada


Si Aurora Corazon “Pinky” Cojuangco Aquino-Abellada ay ipinanganak Disyembre 27, 1957. Siya ay ang pandalawang anak ng dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr. Siya ang ditse ni Pangulong Benigno Aquino III, at kapatid ng sikat na aktres na si Kris Aquino.

Ang asawa niya ay si Manuel Abellada at may dalawa siyang anak na sina Miguel Abellada at Nina Abellada.

3. Benigno Aquino III


Kilalla natin siya bilang siya P-noy o Noynoy Aquino. Isinilang siya noong February 8, 1960 at namayapa nito lamang Hunyo 24 ng kasalukuyang taon sa edad na 61.

Mula sa pagiging Kinatawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikalawang Distrito ng Tarlac, sa pagiging Senador ng Pilipinas at Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal ay naabot ni Pnoy ang pinakamataas na pwesto sa gobyerno bilang Presidente noong 2010 hanggan 2016. Tanging si PNoy ang nag-iisang lalaking naging anak ni Ninoy Aquino. Si Pnoy ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na binate at wala anak. Nagkaroon siya noon na kasintahan na si Shalani Soledad na isang konsehal sa panahong iyon ng lungsod ng Valenzuela. Dati ring sinuyo ni Pnoy sina Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Grace Lee at Liz Uy.

 

4. Victoria Elisa Aquino Dee


Si Victoria Elisa "Viel" Aquino-Dee ay ipinanganak noong Oktubre 27, 1961. Siya ay ang pang apat na anak ng dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr. Siya ang sumunod kay Pangulong Benigno Aquino III, at naka-tatandang kapatid ng sikat na aktres na si Kris Aquino.

Ang asawa niya ay si Joseph Dee at may dalawa siyang anak na sina Kiko Dee at Jia Dee.

5. Kris Aquino



Si Kristina Bernadette Aquino na mas kilala natin sa tawag na Kris Aquino ay isinilang noong February 14, 1971. Siya ay isa sa mga sikat na TV personality sa ating bansa at tinaguriang Queen of All Media.


Si Kris ang panlima at bunsong anak sa magakakapatid. agsimula siya sa mga guest spots sa mga drama at komedya sa telebisyon, maging ang mga talk shows. Ang unang pelikula niya ay ang Pido Dida kasama si Rene Requiestas, isang aktor ng komedya.

 

Nang bumagal na ang kanyang career sa paggawa ng pelikula, pinasok niya ang telebisyon bilang isang talk show host. Pagkaraang magkaroon ng dalawang talk shows, kinuha siya ng ABS-CBN at pinangunahan ang Today with Kris Aquino. Naging host din siya ng Morning Girls, The Buzz, Pilipinas, Game Ka Na Ba? at Kapamilya, Deal or No Deal. Naging host din siya ng Wheel of Fortune.

 


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...