Si Maria Irene Celestina Romualdez Marcos Araneta ang
pangatlong anak ng dating pangulong Marcos. Kilala natin siya bilang si Irene
Marcos. Siya ay isinilang noong September 16, 1960 at siya ay nasa 61 taong
gulang na. Kilala siya bilang “the quiet one” dahil sa pinili nitong mas maging
pribado ang kanyang buhay at hanggang sa ngayon ay hindi humawak ng anumang
posisyon sa gobyerno sa kabila ng kasikatan ng kanyang mga kapatid gaya nina
Bong Bong Marcos na dating senador at ngayon ay kasalukuyang tumatakbo nilang
Presidente ng ating bansa. Ang kanyang ate naman na si Imee ay kasalukuyang
ring senador sa ating bansa na nahalal noong eleksiyon 2019.
Sa kabila ng pagiging tahimik ay todo naman ang suportang
ipinapakita niya sa kanyang mga kapatid sa panahon ng halalan. Bagaman, hindi
natin siya marinig madalas na magsalita sa telebisyon o sa kahit saan mang
social media sites ay halos pasan na ata niya at maging ng kanyang mga kapatid
ang pagkasuklang ng ilang mga pilipinong naging biktima anya na martial law na
ipinatupad ng kanyang ama noong ito ay nanunungkulan pa dahil sa pagdami ng mga
kumakalaban sa gobyerno.
Si Irene ay Ikinasal kay Gregorio Maria Araneta. Isang
kilalang angkan na marahil ay halos karamihan sa atin ay masasabing nagtataglay
rin ng di pangkawaniwang kayamanan. Kaya’t kung ating babalikan ang naging
kasalan nina Irene at Gregoria ay isa na ata sila sa may pinaka mahal na kasalan dahil sinasabing
umaabot ang kabuuang gugol nito sa US$10.3 million o humigit sa 500 milyon
pesos.
Ang pagsasama nina Irene at Gregorio ay nagbunga ng
dalawang anak na lalaki. Sa videong ito ay kilalanin natin sila.
1. Luis Mariano Constantino Araneta
Si Luis Mariano ang panganay an anak ni Irene at Greggy. Siya ay isa sa mga board of directors ng kanilang kompanyang WEB na kung kung saan ang kanyang amang si Greggy ang kasalukuyang may hawak at control nito.
Si Alexandra ang naging asawa ni Luis na kung saan madalas
ring hangaan dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kasexihan. Mahlig silang
dalawa mag travel lalo na sa mga magagandang lugar. Mayroon na rin silang anak
na babae.
Marami ring mga followers si Alexandra sa kanyang Instagram account na kung saan umaabot na ito sa higit sa 45k followers.
2. Alfonso Fernando
Luis Araneta
Si Alfonso ang isa pa sa dalawang anak nina Irene at ng asawang si Gregorio. Sa kasalukuyan ay isa siya sa mga bagong directors na naihalal sa WEB’s board na kung saan makakasama niya ang kanyang bilyonaryong ama at nakakatandang kapatid na si Luis.
Simula noong 2016 ay si Gregorio o Greggy na ang humawak at
nag control ng WEB matapos na ang dati nitong Trade Minister na si Bobby Ongpin
ay nag retiro dahil isa siya sa mga tinawag na Oligarch ng pangulong Duterte.
Si Greggy na rin ang may control ng nasabing kompanya matapos na mag resign si
Dennis Valdez na pamagkin ni Bobby Ongpin bilang president ng kumpanya noong
January 2020.
Isa si Alfonso sa mga naging bahagi ngayon ng board na kung saan ang kanilang pamilya ay mayroong 58 percent shares na nagkakahalaga ng lagpas sa 2 bilyong.
No comments:
Post a Comment