KILALANIN ANG MGA ANAK NG DATING PANGULONG MARCOS



Walang taong hindi nakakakilala sa Dating pangulong Ferdinand Marcos kung ang pag-uusapan ay martial law. Dahil siya lang naman ang kauna-unahang president ng ating bansa na nagdeklara nito sa buong Pilipinas.

Sa videong ito ay pag-usapan at kilalanin natin ang mga anak ng dating pangulong Marcos. Ngunit bago  yan mga kasama ay balikan muna natin ang buhay ng pangulong Marcos.
 


Ayon sa aming Pananaliksik, ang dating pangulong Ferdinand Marcos ay nabuhay noong September 11, 1917 sa Sarat, isang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte at pumanaw sa edad ng 72 sa Honolulu Hawaii noong September 28, 1989.


Ayon sa aming Pananaliksik, ang dating pangulong Ferdinand Marcos ay nabuhay noong September 11, 1917 sa Sarat, isang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte at pumanaw sa edad ng 72 sa Honolulu Hawaii noong September 28, 1989.

Ang dating Pangulong Marcos ay nag-aral ng pagiging abogado sa University of the Philippines noong late 1930s. Naging trial lawyer siya sa Maynila at kalaunan ay naging opisyal ng Philippine Armed Forces noong World War II. Sinasabing naging leader umano siya ng mga guerilla na naging bahagi ng kanyang tagumpay sa pagpasok niya sa plitika.

Mula 1946 hanggang 1947 ay naging technical assistant siya ng dating pangulong Manuel Roxas. Mula 1949 hang 1959 ay naging bahagi siya ng House of Representative. Naging senador mula naman noong 1959 hanggang 1965. Mula 1963 ay siya ang naging Senate President hanggang 1965 at naging Presidente na ating bansa matapos na matalo niya sa halalan si Diosdado Macapagal.

Nagsilbi siya ng dalawang termino bilang presidente mula December 30, 1965. Sa unang termino ng kanyang pamumuno ay umunlad umano ang agrikultura, industriya at edukasyon sa ating bansa. Ngunit humarap sa matinding pagsubok ang dating Pangulong Marcos dahil sa unti-unting pagsami ng mga student demonstrations at violent urban guerilla activities.

Kaya’t noong September 21, 1971 ay nagdeklara ang dating pangulong Marcos ng Martial law sa buong Pilipinas. Kasama ng pagdeklarang ito ay pagdami rin anya ng mga naging biktima ng madugong Martial Law.
 

Si Imelda Romualdez Marcos na asawa ng dating Pangulong Marcos ay isa ring beauty queen. Mula sa kanilang pagmamahalan ay nagkaroon sila ng apat na anak. Narito’s kilalanin natin sila.
 
1. Imee Marcos

Si Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos ang panganay na anak  sa magkakapatid. Ipinanganak siya noong Nobyembre 12, 1955 at siya ay nasa 65 tanong gulang na. Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang senador sa ating bansa na nahalal noong 2019. Bagi ito ay nagsilbi rin siya ng tatlong termino bilang gobernador ng Ilocos Norte mula noong 2010 hanggang 2019.

Marami rin mga kontrobersyal ang naipukol kay Senador Imee Marcos mula sa kanyang pagtatangkol sa batas military na ipinatupag ng kanyang ama hanggang sa pagpuna sa pahayag ng dating Pangulong Gloria Arroyo sa paggugol ng bansa sa 1/3 ng taunang badyet ng bansa para mabayaran ang mga inutang ng kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos.
 
2. Ferdinand Emmanuel Romualdez Marcos Jr.


Si Bongbong Marcos ang pangalawang anak ng dating Pangulong Marcos. Ipinanganak siya noong September 13, 1957. Siya an nasa 64 na taong gulang na. Siya rin ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Pangulong Marcos. Pinasok rin ni Bongbong ang pagiging isang politiko.

Taong 1980, sa edad na 23 ay nanilbihan na si Bongbong bilang Vice Governor ng Ilocos Norte at kalaunan ay naging Gobernador ng nasabing lalawigan sa mga taong 1983 hanggang 1986 at 1998 hanggang 2007. Taong 2010 naman ay nahalal siya bilang  Senador ng ating bansa.

Noong 2016 ay tumakbo si Bongbong bilang pangalawang pangulo ngunit si Vice President Leni Robredo ang idiniklarang panalo sa nasabing halalan.
Sa darating nahalalan 2022 ay kinumpirma na ni Bongbong ang kanyang pagtakbo bilang presidente. Samo’t-sati naman ang naging reaksiyon nag taong bayan para sa pagtakbong ito ng dating senador.

3. Maria Irene Celestina Romualdez Marcos Araneta


 Ang pangatlong anak ng dating pangulong Marcos ay si Irene. Siya ay isinilang noong September 16, 1960 at siya ay nasa 61 taong gulang na. Kilala siya bilang “the quiet one” dahil sa pinili nitong mas maging pribado ang kanyang buhay at di kailanman humawak ng posisyon sa gobyerno.

Ikinasal siya kay Gregorio Maria Araneta at isa rin siya sa mga may pinaka expensive wedding dahil sinasabing umaabot ito sa US$10.3 million. Naging isang scandal naman ang kanyang party noong 1985 dahil sa isinagawa ito sa presidential yacht na BRP Ang Pangulo na nabili ng Pilipinas noong 1959 at unang ginamit ng pangulong Carlos P. Garcia.
 
4. Aimee Romualdez Marcos

Si Aimee naman ay isang musician at public figure na nakilala sa pagiging isang drummer ng indie music band na The Dorques. SI Aimee ay adopted daughter lamang ng pamilya Marcos. Siya lamang ang tanging bata pa noong natapos ang Martial Law sa ating bansa noong 1981 at nang na exile ang pamilya Marcos noong sa Honolulu noong 1986. Iniwasan ni Aimee ang polika mula sa kanyang kabataan.


 


No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...