Si Lilian Velez-Climaco ay isinilang noong March 03, 1924 at pumanaw noong June 26, 1948. Siya ay isa sa mga kilalang aktres at singer noong kanyang kapanahunan.
Unang sumikat si Lilian sa kanyang pagkapanalo sa isang
amateur radio singing contest noong kalagitnaan ng 1930s.
Bago paman sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay
maslalong naging maningning na noong ang kanyang karera sa pagkanta. Siya rin
ang nagpasikat sa awiring Sa Kabukiran na isa sa mga awitin ng kanyang composer
na ama.
Nabihag ni Lilian ang puso ni Jose Climaco na isang manager
ng radia station.
Matapos ang ikalawang digmaan noon at sa pagbabalik ng
produksiyon ng mga Filipino films ay naitampok si Lilian ng LVN Pictures sa mga
pelikulang Binibiro Lamang Kita, Ang Estudyante at Sa Kabukiran. Ang kanyang
asawa ang mismong naging derektor ng mga pelikula. Ang kanyang naging leading
man sa pelikulang ito ay si Narding Azures.
Taong 1942 ay nagpakasal ang dalawa at nagkaroon sila ng
isang anak na babae na nagngagalang Vivian.
Si Vivian ay isa ring aktres at kasalukuyang naninilbihan
bilang Director General ng Film Academy of the Philippines. Nagsimula si Vivian
ng kanyang showbiz career noong 1976 sa edad ng 16 na taong gulang. Nanalo siya
ng mga awards gaya ng FAMAN, FAP, MMFF, at Gawad Urian Awards.
Napanood rin natin siya sa mga palabas pantelebisyon gaya
ng Imortal na pinagbidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, at ang Maria
Mercedes na piangbidahan ni Jessy Mendiola.
Nagkaroon ng isyu noon si Vivian sa kapwa aktres na si Christine Reyes sa palabas na Tubig at Langis na dahilan ng kanyang pag-alis sa nasabing palabas.
No comments:
Post a Comment