Isa sa mga batikang aktres sa ating bansa ay si Gloria
Sevilla. Siya ay isinilang noong January 31, 1932 at ngayon ay nasa 89 na taong gulang na.
Tinagurian si Gloria bilang Queen of Visayan-made movies
noong 1950 at 1960.
Dahil sa kanyang husay sa pagganap ay ginawaran siya ng
FAMS Award bilang best supporting actress sa pelikulang Madugong Paghihiganti
noong 1962. Nanalo rin siya ng Best Actress Award sa mga pelikulang Badlis sa
Kinabuhi noong 1962 at Gimingaw Ako noong 1973.
Lumabas din si Gloria Sevilla sa mga pelikulang Dysebel,
Guhit ng Palad, Matud Nila, The Flor Contempalcion Story, Lapu Lapu at sa
pelikulang El Presidente.
Nagkaroon ng limang anak si Gloria sa una nitong asawa na
si Mat Ranilo Jr na isa ring actor. Ngunit pumanaw ito dahil sa plane crash
noong 1969. Muling nag-asawa su Gloria sa katauhan naman ni Amado Cortes na isa
pa ring aktro at director na nanilbihan rin bilang ambassador ng ating bansa,
ngunit namatay rin ito noong 2003. Nagkaroon naman sila ng isang anak na babae.
Sa videong ito ay kilalanin natin ang ilan sa mga anak ni
Gloria Sevilla.
1. Maria Suzette Ranilo
Si Suzette at isinilang noong January 11, 1961. Siya ay isa
ring aktres na nagsimulang gumanap noong siya ay 12 taong gulang pa lamang.
Ginamit niya ang screen namne na Nadia Veloso at nakilala hindi lamang sa
paggawa ng pelikula kundi maging sa mga palabas pantelebisyon at tiatro.
2. Matias Archibald Ranilo III
Mas kilala siya bilang is Mat Ranillo III. Isinilang siya
noong October 5, 1956. Siya ang pangalawa ni
Mat Ranillo Jr sa actress na si Gloria Sevilla. Nag-aral siya sa Lourdes
School sa Quezon City at sa St. Vincent School sa Dipolog at San Sebastian College.
Kumuha siya ng Customs Administration sa San Beda College na kung saan ay
naglaro rin siya doon ng basketball.
3. Dandin Ranillo
Si Dandin ay isang musician. Ilan sa mga kanta niya ay Sige
Na Bay, Ang Palad Nagbuot at Badlis sa Kinabuhi na pawang mga visayan songs.
May mga anak pa si Gloria Sevilla na sina Jonathan, Junius Ranillo at Czareanah Cortez ngunit
pribado ang mga naging pamumuhay ng mga ito.
No comments:
Post a Comment