KILALANIN ANG MGA ANAK NI JEJOMAR "JOJO" BINAY


Si Jejomar "Jojo" Cabauatan Binay, Sr. ay ipinanganak November 11, 1942.  Kilala siya natin bilang si Jojo Binay o VPBinay. Siya ang naging ika-15 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Bago ito ay naging alkalde rin siya ng Lungsod ng Makati simula 1986 hanggang 1998 at mula 2001 hanggang 2010. Hinawakan din niya ang mga sumusunod na posisyon: Pangulo ng United Nationalist Alliance (UNA), Pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), at Pangulo ng Kapatirang Scout ng Pilipinas.

 


Taong 2018 ay nadawit ang dating ikalawang pangulo sa sinasabing manaomalyang korapsyon sa pagpapatayo ng gusaling pampaaralan noong taong 2007 na nagkakahalaga ng 1.3 bilyong piso at pagbebenta ng pag-aaring hindi sa kanya na nakapangalan umano sa Boy Scouts of the Philippines.

Si Dra. Elenita Sombillo Binay ang asawa ng dating pangulo. Isa iyang Medical Doctor at politiko dahil nagsilbi rin itong alkalde ng Makati noong 198 hanggang 2001.

Si dating VP Binay at ag kanyang asawang si Dra. Elenita ay nagkaroon sila ng limang anak. Kilalanin natin sila sa videong ito.

 

1. Nancy Binay


Si Maria Lourdes Nancy Binay Angeles ay ipinanganak noong May 12, 1973. Isa siyang senador sa ating bansa. Bagaman wala gaanong karanasan sa politika ay tumakbo si Nancy sa pagka senador sa halalan noong 2013 at nanalo ito kung saan panlima pa siya sa pinakamaraming nakuhang boto. Noong 2019 naman ay muli itong nanalo para sa kanyang ikalawang termino bilang senador.Si Nancy ang panganay na anak ni dating VP Binay. Nag-aral si Nancy sa University of the Philippines Diliman at kumuha ito ng kursong culinary arts noong 1991 at pagkatapos ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Tourism at natapos niya ito noong 1997.

Kasal si Nancy sa isang construction at real estate businessman na si Jose Benjamin Angeles na kung saan nagkaroon sila ng apat na anak.

 

2. Abegail Binay

Si Mar Len AbigailBinay Campos ay ipinanganak naman noong Decembet 12, 1975. Dati siyang kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod ng Makati mula 2007 hanggang 2010. Sa ngayon ay kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang alkalde ng lungsod ng Makati nang mahalal siya mula noong 2016. Pagkatapos niyang kumuha ng kursong Ekolohiyang Pantao sa University of the Philippines ay kumuha rin siya ng kursong Law sa Pamantasang Ateneo de Manila.

Matapos na maipasa ang bar exam ay nagsilbi siya bilang abogado ng mga mahihirap. Kasapi siya sa Integrated Bar of the Philippines, Attorney for Brotherhood, Integrity and Nationalism, inc. at Federacion International de Abogadas.

Si Luis Campos ang kanayng asawa at mayroon na rin silang anak.

 

3. .Jejomar Binay Jr


Kilala natin siya bilang si Junjun Binay. Ipinanganak siya noong June 12, 1977. Gaya ng kayang mga magulang ay isarin siyang politiko. Nagsilbi siya bilang alkalde ng Makati mula 2010 hanggang 2015. Siya rin ang nag-iisang anak na lalaki ng dating ikalawang pangulo.

Nagtapos si Jejomar ng kanyang kurso sa University of the Philippines Diliman kung saan kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in Philippine Studies major in Creative Writing ang Public Administration at nagtapos bilang Cum Laude. Mayroon din siyang Masters Degree in Public Administration mula naman sa UP National College for Public Administration and Governance.

Kasal si Junjun Binay sa dating aktres na si kennely Ann Lacia at nagkaroon sila ng apat na anak na sina Jejomarie Alexi, Maria Isabel, Jejomar III at Maria Kennely. Namatay ang kanyang asawa sa panganganak sa kanilang bunso kaya’t pinangalanan niya itong Maria Kennely bilang pag-ala ala sa kanya.

4. Joanna Marie Blanca Binay


Si Joana Marie Blanca ang isa pa sa mga anak ni dating VP Binay na nakilala ng publiko dahil sa kanyang pagkasangkot sa imbistigasyn noon sa Senado na naipresenta ni Cayetano kung saan ang kanyang Instagram Account umano na may pangalang @jmblicious ay nagpapakita na ang binay ay nagmamayari ng 350hectare na hacienda sa Batangas namariin namang itinatanggi ni dating VP Binay.

Si Joanna ay nag-aral ng BS- HRM major in Hospitality and Management sa De La Salle College of Siant Benilde.

 

4. Marita Angeline Binay- Alcantara


Isa pa sa mga anak ni dating VP Binay at Dra. Elenita ay si Marita Angeline. Di tulad nina Nancy at Abegail a pinili ni Marita Angeline ang maging pribado ang pamumuhay.

No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...