Si
Rosanna Roces ay ipinanganak bilang si Jennifer Andriano Arias . Kilala din
natin siya bilang si Osang. Siya ay isa sa mga batikang aktres sa ating bansa.
Naging
contract star si Rosanna Roces ng Seiko Films mula 1994 hanggang 1996 at
ipinakilala siya bilang si Ana Maceda. Matpos ito ay lumabas siya sa pelikulang
Ligay Ang Itawag Mo sa Akin ng Reyna Films na nagtulak sa kanya para sa mga
serious roles sa pag-arte.
Maliban
sa pag-arte ay sinubukan rin ni Rosanna
ang paghohost sa Kapuso Network sa programang Startalk. Naging host siya
ditto hanggang 2004 matapos ang di pagkakaunawaan niya at ng kanyang manager na
si Lolit Solis.
Lumabas
din si Osang sa mga palabas pantelebisyon gaya ng 1 for 3 kasama si Vic Sotto
at Charlene Gonzales at mula din noong 2002 hanggang 2003 ay sa Daboy en Da
Girl kasama ang pumanaw na aktor na si Rudy Fernandez. Maging sa mga seneserye
ay namamayagpag din ang karera si Osang gaya halimbawa sa mga palabas na Natutulog
Ba Ang Diyos bilang si Patria, Ysabella bilang si Rosario at Maging Sino Ka
Man: Ang Pagbabalik bilang si Veronica Rubio.
Dalawa
ang taong naging bahagi ng kanyang buhay. Una ay si Tito Molina mula 1993
hanggang 2004 at si Blessy Arias naman mula noong 2016.
Sa
videong ito ay kilalanin natin ang mga anak ni Rosanna Roces.
1. Grace
Adriano
Si Grace ang nag-iisang babaeng anak ni Osang. Siya Grace at si Jolo Revilla ay nagkaroon ng anak.
2. Dennis Robert Adriano
Si Dennis ang isa pa sa mga anak ni Osang at nag-iisang anak na lalaki nito. Noong nakaaang taon ay sinasabing nagkaayos na umano si Osang at ang kanang anak na lalaki. Matatandaang nagkaroon ng lamat an reason ng dalawa noong 2013. Sa isang interview kay Osang ay sinabi nitong ang pagka-ayos ng kanilang relasong mag-ina ay ang pinakamasayang plot twist sa kanayang buhay dahil sa loob ng pitong taon at sa kalagitnaan ng pandemya ay muling nagsama-sama ang kanilang pamilya. Nagka kwentuhan at nagkakumustahan silang mag-iina.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga ganitong video. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment