ALAMANIN NATIN ANG BUHAY NI JESS LAPID NGAYON


Isa marahil si Jess Lapid Jr. sa action star na naging paborito mong panooorin. Si Jess Lapid ay anak ng batikang actor na si Jess Lapid Sr at Bella Flake Lapid.


Isinilang si Jess Lapid sa Caloocan noong March 22, 1962. Madalas rin siyang mapagkamalang nakababatang kaatid ni Lito Lapid ngunit ang totoo ay sila’y magpinsan ng actor at ngayon ay senador na si Lito Lapid.

Malungkot ang naging buhay ni Lito Lapid dahil sa noong siya ay bata pa lamang ay Nawala na ang kanyang ama. Siyam na taong gulang pa lamang noon si Jess nang paslangin ang kanyang ama.

Nagsikap si Jess na umangat sa buhay kaya’t sa edad na 17 ay pinasok niya ang pag-aartista.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Jess Lapid Jr ay Ang Bagong Kardong Kidlat noong 1980, Kaliwete Brothers noong 1981 kasama si Efren Reyes Jr. Basagulero Ang Lover Ko, Simaron at Mga Pambato kasama sina Rudy Fernandez, Ace Vergel at Philip Salvador.

Matapos na humina ang produksiyon ng mga maaksiyong pelikula noon ay Nawala rin bigla si Jess Lapid sa mga mata ng camera. Maging sa mga palabas pantelebisyon ay hindi na nakikita ang actor.


Noon lamang 2016 ay nakita si Jess Lapid sa FPJs ang probinsya na na pinagbibigahan ng walang kamatayang si Cardo Dalisay o si Coco Martin.

Kaya’t ang tanong ngayon ng maraming mga tagahanga ni Jess Lapid ay nasaan na ang actor?

 

Maliban sa pagiging isang film at fight director ay isa ring scuba course director at underwater director of photography si Jess Lapid. Ito ngayon ang negosyong o trabahong pinagkakaabalahan ng actor.

 


Taong 1989 ay nagawaran si Jess ng CMAS Japan bilang Open Water Diver.

Pagkatapos ay naging Advance Diver noong 1992 at Rescue Diver noong 1993.

Naging 4-star Dive Master noong 1994 at Assistant Instructor noong 1995.


Taong 1996 ay naging 2 Star Instructor siya at taong 2010 ay naging 3-star Instructor ng CMAS Philipines. Noong 2015 ay sia na ang naging Course Director ng CMAS Philippines.

Kasakasama ni Jess Lapid ang kanyang mga anak ay pinamamahalaan ni Jess Lapid ang pagmamay-ari nilang Pacifico Azul Diving Resort na dinarayo ng marami nating ma kababayan dahil sa ganda ng lugar. Ang nasabing Diving resort ay matatagpuan sa Anilao, Batangas.

ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI DANTE VARONA NGAYON


ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI DANTE VARONA NGAYON

 

Si Dante Varona ay isinilang noong September 06, 1953 at siya ay nasa 69 na taong gulang na sa kasalukyan.Siya ay dating actor at film director at itinuring siyang isa sa pinaka sikat na actor mula 1970 hanggang 1980 kasama sa pagsikat ng mga actor na sina Fernando Poe Jr., dating Pangulong Joseph Estrada, Jun Aristorenas, Ramon Revilla at marami pang ibang action star.

Nagsimula si Dante Varona sa paggawa ng pelikula noong ginawa niya ang Magnificent Siete Bandidas noong 1968. Naging lead actor din siya sa mga pelikulang Stuntman noong 1970, Leon Dimasuil noong 1973 at Gulapa noong 1977 kasama si Ramon Revilla.

Sumikat ng husto si Dante Varona dahil sa kayang pagtalon sa San Juanico Bridge sa Samar, Leyte para sa pelikulang Hari ng Stunt noong 1981.

Kabilang sa mahigit 100 pelikula na ginawa pa ni Dante ay Hari ng Stunt, ErmitaƱo, Kung Tawagin Siya’y Bathala, at The Raging Anger at Bangkay Mo Akong Hahakbangan.

Ngayon ay hindi na napapanood sa pelikula at mga palabas pan telebisyon ang Hari ng Stunt. Kaya’t ang tanong ng marami sa kanyangmga tagahanga ay nasaan na ngayon si Dante Varona?

Matapos iwan ang showbiz at lumipat sa Amerika si Dante Varona. Ikinuwento ng dating sikat na action star na nagtrabaho siya doon bilang janitor at security guard sa nasabing bansa.

Ayon sa tunay na Dante Varona, iniwan niya ang showbiz dahil nagkagulo sa movie industry kung saan pinasok din niya ang pagpo-produce ng pelikula.

 

Kwaento niya, dahil sa maliit lamang siyang producer ng pelikula ay nadaganan ang kanyang mga booking sa pelikula.

 

Sa kanyang pagdating sa Amerika ay may nakilala anya siyang may-ari ng janitorial services at doon ay pumasok siya bilang janitor. Matapos ang ilang taon niyang pagtatrabaho bilang janitor ay nalipat siya sa pagiging secury personnel hannga sa siya ay mag retiro.

Sa ngayon, kampante na si Dante sa kaniyang simpleng buhay sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya at mayroon na rin siyang mga apo.

 

Hindi na rin daw niya hinahanap-hanap ang pag-aartista. Katunayan, may mga kababayan daw na gumawa ng pelikula na kinukuha siya pero tinatanggihan niya.

 

Pero pag-amin ni Dante, gaya ng hindi niya inaasahang na magiging artista siya, hindi niya rin daw inaasahan na maninirahan siya sa Amerika.


ALAMIN NATIN ANG BUHAY NI JAY MANALO NGAYON

ALAMIN ANG BUHAY NI JAY MANALO NGAYON

 

Si Jay Manalo o si Jay Lan Manalo sa totoong buhay ay isinilang noong January 30, 1976 sa Saigon, South Vietnam. Siya ay isang Filipino-Vietnamese actor at model. Bagaman isinilang siya sa South Vietnam ay lumaki siya sa Tondo, Maynila. Ang kanyang ama ay si Eustaquio Manalo na isang Filipino musician nanaka base sa Vietnam noong Vietnam war  at ang kanyang ina ay isang Vietnamese.

 

Matapos na Manalo si Jay bilang 1st runner up ng SM Man of the Year ay naging model at endorser siya ng Blowing Bubbles.

Nakilala si Jay sa pelikulang Brat Pack noong 1994 at kalaunan ay naging lead character sa ikalawang pelikulang Paracale Gang na ipinalabas noong 1996 at sinundan ng Urban Rangers.

 

Sa ganun ding taon ay lalong nakilala si Jay noong siya ay gumanap ng mga sexy roles sa pelikulang Gayuma kasama si Amanda Page. Dahil sa kanyang looks at appeal sa publiko ay naging larawan siya ng mga sexy movies noon sa ating bansa. Ilan sa mga sumunod pang pelikulang kanyang ginawa ay Totoy Mola, Kool Ka Lang, Kaliwa’t Kanan, Sakit sa Katawan, Bayad Puri, Bawal ng Halik at Balahibong Pusa.

 

Dahil sa tinataglay na gandang lalaki ay anim ang babaeng nagmahal kay Jay Manalo. Mula sa anim na babaeng kanyang minahal ay nagkaroon siya ng labindalawang mga anak.

 

Sa ngayon ay namumuhay ng masaya si Jay Manalo at ng kanyang asawang si Raizza kasama ang kanyang limang anak.

 

Sa kwento ni Jay sa kanyang interview kay Aster Amoyo ay nakakasama naman niya ang kanyang iba pang mga anak mula sa lima pang babaeng kanyang minahal. Katunayan ay nagsasama sama pa anya ang kanyang mga anak tuwing nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan.

 

 


ALAMIN ANG BUHAY NI EFREN REYES JR NGAYON


ALAMIN ANG BUHAY NI EFREN REYES JR. NGAYON

 

Isinilang si Efren Reyes Jr. sa Baguio City noong June 25, 1959. Siya ay ang ikaapat na henerasyon ng mga actor mula sa lahi ng mga Reyes. Siya ay anak ng batikang actor na si Efren Reyes Sr. sa actress, director at film producer na si Virginia Montes. Kapatid rin niya ang aktres na si Cristina Reyes at apo sa tuhod ng kilalang manunulat ng na si Severino Reyes o mas nakilala bilang si Lola Basya sakanyang mga panulat.

 

Ang buhay artist ani Efren ay nagsimula nang sila ang nakasama sa pelikulang Eskinita 29 noong 1968 bilang isang child actor. Mula naman sa taong 1980 ay gumanap rin siya bilang actor star sa mga pelikula gaya ng Tapos na ang Lahi Mo, Hadji Djakiri noong 1990 at Nestor Solis. Ngunit noong 1989 ay mas nakilala siya sa kanyang galing sa pag-arte bilang kontrabida.

 

Bilang isang manunulat ay siya ang may akda ng mga pelikulang Sa Iyo ang Itaas, sa Aking ang Ibaba ng Bahay oong 1997, Tapatan Ko ang Lakas Mo noong 1999 at Pasasabugin Ko ang Mundo Mo noong 2000.

 

Naisama si Efren sa mga nominado sa FAMAS Award at Gawad Urian Awards noong 1990s.

 

Bagaman humina ang produksiyon ng mga maaksiyong pelikula ay patuloy nating nakita ang galing ni Efren Reyes sa kanyang mga pagganap sa mga palabas pantelebisyon. Dahil sa kanyang husay ay hindi parin kumukupas si Efren sa kanyang pag-arte katunayan ay hanggang sa kasalukuyan ay nakakasama siya sa mga pelikula at palabas pantelebisyon. Ilan sa mga pelikula na kanyang kinabilangan ay Durugin ang Droga noong 2017, The Lookout noong 2018 at Bato: The General Ronald dela Rosa Story ng regal entertainment noong 2019.

 

Ang ilan namang mga palabas at programang pantelebisyon na kanyang kinabilangan ay Los Bastardos bilang si Rober Esperanza  noong 2018 at A soldiers Heart noong 2020. Namumuhay ngayon si Efren ng masaya kasama ang kanyang pamilya.


KILALANIN SI ANGEL CONFIADO AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI ANGEL CONFIADO AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Isa si Angel Confiado sa mga batikang actor sa ating bansa. Nakilala siya sa mga pelikulang Assignment Hongkong noong 1965, Mga Bagong Salita sa Maynila noong 1966 at sa pelikulang Kalinga noong 1969.

 

Nagsimula si Angel Confiado bilang character actor sa mga palabas mula sa mga produksiyon ng silent films hanggang sa LVN pictures.

Naging aktibo si Angel Confiado haggang sa kalagitnaan ng dekada 90. Sa edad na 94 ay pumanaw ang actor.

 

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan ng actor ay ang Ikaw ay Akin, Batman Fights Dracula, Shake Rattle and Roll V bilang si Mang Isko, Impakto bilang is Manong, at Kapitan Inggo.

 

Apat na lalaki ang anak ni Angel Confiado sa kanyang asawa. Ito ay sina Mon Confiado, Kai Confiado Aguilar, Joseph Aguilat at Albert Confiado.

 

Si Mon ang panganay sa mga magkakapatid. Si Mon ay isang batikang actor sa ating bans ana lumabas sa mahigit sa 300 mga pelikula. Maliban sa pagiging actor sa ating bansa ay lumabas rin siya sa mga pelikula sa ibang bansa. Ilan sa mga ito ay sa pelikulang In the heart of the Night kasama ang actor na si Rod Steiger, KnightRider kasama si David Hasselhoff at sa pelikulang Captive kasama ang award winning French actress na si Isabelle Huppert.

Dating naging kasintahan ni Mon ang actress na si Juliana Palermo noong 2007.Nanatiling pribado ang buhay pag-ibig ni Mon sa publiko.

 

Ang mga kapatid ni Mon na sina Kai, Joseph, at Albert ay Negosyo ang pinasok na hanap buhay. Sila ang nag-mamay-ari ng 22nd Street Comedy Bar sa Antipolo, Las Pias, Cebu at ng ILOVESTEAK steak house at ROCK STREET Live Bar sa Cebu City.

 


KILALANIN SI JUN ARISTORENAS AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI JUN ARISTORENAS AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Jun Aristorenas ay isinilang noong Mayo 7 1933 at namayapa noong taong 2000. Siya ay isang artista sa ating bansa na unang gumanap sa ilalim ng Sampaguita Pictures sa pelikulang Kurdapya kung saan isa lamang siyang bit player na ang kanyang ginampanan ay isang nagbabaras na lalaki habang papalapit ang pangit na si Kudapya na ginampanan ni Gloria Romero.

 

Pangalawang pelikula ay isinabak sa mga batikang artista tulad nina Cesar Ramirez, Alicia Vergel at Van de Leon ng Sampaguita noong 1955. Hanggang sa lumipat sa bakuran ng LVN Pictures subalit di talaga siya nakatadhanang sumikat sa tatlong malalaking kompanya ng pelikula.

Sumikat siya noong maagang bahagi ng dekada 60. Nakilala siya dahil sa kanyang western roles sa mga pelikula na sumikat ng husto gaya ng mga pelikulang Sagupaan ng mga Patapon, Dugong Tigre at Apat ng Bagwis.

Ilan sa pa sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Pag Oras Mo, Oras Mo Na noong 2000, Matalino Man ang Matsing Na-iisahan Din sa pareho ring taon.

Nakasama rin siya sa mga pelikulang Hagedorn bilang si Mr. Angeles, Urban Rangers bilang si Zaragoza, Marami ka Pang kakaining bigas bilang si Eric at sa Cuadro de Jack bilang si Joe.

Maliban sa isang magaling na actor ay isa rin siyang film director at producer at isang dancer.

 

Siya ang ama ng mga artistang sina Robin, Peter at Junar sa dating asawang si Virginia.

Si Robin ay kilala rin bilang Child Wonder. Nakilala siya bilang si Robin. Ipinanganak siya boong 1964 sa dating actress na si Virginia. Ang mga palabas na kinabilangan niya ay Batman and Robin, Central Luzon, Tarzan and the Brown Prince noong 1972, Mga Anak ni Harabas noong 1977 at Estong Balisong noong 1981.

 

Isa ring actor si Pete Aristorenas na nakilala sa mga pelikulang El tigre noong 1969, Tatlong Patapon at The Samurai Fighters sa pareho ring taon.

 

Si Junar naman ay lumabas rin sa mga pelikulang Col. Billy Bitbit, RAM noong 1994, Itataya ko ang Buhay Ko noong 1996 at sa Pintsik noong 1994. Noong 2011 ay napabalitang isa si Junar sa mga nahuli ng Paranaque policemen sa ginawang Oplan Sita kung saan nakuhanan sila ng ilang sachet ng marijuana.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...