KILALANIN
ANG MGA ANAK NI ZOREN LEGAZPI
Si Zoren Lim Legaspi ay ipinanganak noong
January 30, 1972. Siya ay isang sikat na aktor ang magaling ring television
director. Higit na nakilala si Zoren sa kanyang pagganap sa mga palabas pantelebisyon
gaya ng Mulawin, Now and Forever: Ganti, Majika, Enchanted Garden Glamorosa,
Forevermore, Healing Hearts, Encantadia, Sirkus at Kapag Nahati ang Puso.
Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa GMA Network at isa rin siyang Talent
Management Arm ng GMA Artist Center kasama ang kanyang mga anak.
Aktibo si Zoren sa industriya mula 1987
hanggang sa kasalukuyan. Dalawa ang anging anak ni Zoren sa kanyang asawang si
Carmina Villariel.
Maaring pamilyar na kayo sa sa dalawa nilang
anak at marahil ay naging paborito na ninyo silang child star. Kilalanin pa
lalo natin ang kambal na anak nina Zoren at Carmina.
Si Cassandra o Cassy ay kasalukuyang
napapanood natin sa Kapuso drama na First Yaya na pinagbibidahan nina Sanya
Lopez at Gabby Concepcion. Marahil ay kinikilig ka rin siguro sa tambalan nila
Cassy at Joaquin Domagoso. Si Joaquin naman ay anak ng kasalukuyang mayor ng
Maynila na si Mayor Isko Moreno.
Si Cassy ang unang lumabas nang sila ay
isilang ng kanilang ina. Kaya’t itiunuturing na mas nakakatanda siya sa kanyang
kapatid bagaman sila ay kambal.
Tunay na nagtataglay ng kagandahan si Cassy
kaya’t hindi kagulat-gulat ang mabilis na pagdami ng kanyang mga tagahanga.
Lagpas lang naman sa 1.1 million ang kanyang mga followers sa kanyang
Instagram. Ipinagpapatuloy ni Cassy ang kanyang pag-aaral sa kursong Business
Marketing.
Sa kabilang dako si Maverick Peter o Mavy
naman ay talagang tinitiliian ng marami nitong mga kababaihang fans dahil sa
kanyang napaka gwapong pagmumukha na talagang minana niya sa kanyang mga
magulang.
Nasa second year college na si Mavy at
kumukuha ito ng kurosng Business Management Major in Entrepreneuship. Gaya ni
Cassy ay aktibo rin si Mavy sa showbiz. Ang kanilang pagiging modelo mula pa
noong sila ay mga bata kasama ang kanilang mga magulang ang siyang tumulong
umano sa kanila upang lubos na maging magaling sa larangan ng pag-arte.
Plano sana ng kambal na mag-aral sa University
of California sa Los Angeles na kung
saan ay doon sila ipinanganak at naroon din naririnarahan ang kanilang iba pang
pamilya.
Noong January 6 ay nagdiwang ang kambal ng
kanilang ika 20 taong kaarawan. 2019 nang magtapos ng high school ang kambal sa
Accountancy, Business and Management Strand sa Reedley International School sa
Pasig City.
Magsubscribe sa aming channel para sa mga
videong kagaya nito. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment