KILALANIN
ANG MGA ANAK NI CHARLIE DAVAO
Si Charles Wahic Valdez Davao ay isa sa mga
batikang actor sa ating bansa. Siya ay tubong Iloilo City. Nag-aral siya sa
University of the East sa kursong Commerce. Sa mga panahong iyon ay lumalabas
na si Charlie sa mga commercial at print ad modeling dahil na rin sa kanyang
katikasan at itsura noong ito ay bata pa.
Nagsimula siyang pasikin ang mundo ng showbiz
noong 1959 nang magkaroon ng audition ang Sampaguita Pictures. Una siyang
lumabas sa pelikulang Isumpa Mo. Isang drama film na pinagbibidahan ni Dolphy
kasam sina Rick Rodrigo at Barbara Perez.
Madalas din siyang mabigyan ng mga villain
roles noong 1970s. Dahil sa galing sa pag-arte ay nakasama rin siya sa mga
Hollywood movies gaya ng mga pelikulang Blind Rage, The Last Reunion at Women
in Cages.
Kasal si Charlie kay Emma Marie at nagkaroon
siya rito ng apat na anal. Nang pumanae si Emma Marie ay muli siyang nag-asawa
sa katauhan ni Mary Grace Inigo at nagkaroon din sila ng dalawa pang anak.
Narito’t kilalanin natin ang mga anak ni
Charlie Davao.
1. Bing Davao
Si Bing Davao ay isa ring magaling na aktor sa
ating bansa. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ben Balasador,
Dugong Buhay, Isang Bala Isang Buhay, Eagle Squad at marami pang iba.
2. Ricky Davao
Isang sikat na aktor din si Ricky Davao na
nakilala sa kanyang mga pelikulang maaaksiyon mula noong dekada 80.
Ilan sa kanyag mga pelikula ay Bulalak sa City
Jail, Huwag Mong Buhayin ang Bangkay, Natutulog pa ang Diyos at Sunday Night Fever.
Aktibo rin siya sa mga palabas pantelebisyon
gaya ng mga teleseryeng Daddy;s Gurl, The Tapes,Bilangin ang Bituin sa Langit,
at ang pinakabagong teleserye niyang Paano ang Pangako.
Isa ring batikang director si Ricky Davao.
Ilan sa kanyang mga pelikula ay Dahil sa Pag-ibig, Legally Blind, Sinungaling
Mong Puso, Because of You, Little Nanay, at marami pang iba.
3. Mymy Davao
Si Mymy ay isa ring aktres. Lumabas isya sa
mga pelikulang The Millionaire’s Wife noong 2016, Spirit noong 2004m at Ang
Lahat ng Ito’y Pasa Sayo noong 1998.
4. Charlon Davao
Si Charlon ay dating childstar. Siya ay anak
ni Charlie kay Mary Grace Inigo. Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya noong
ay Alyas: Boy Life noong 1989, Sa Puso Ko Hahalik Ang Mundo noong 1988, at ang
God’s Little Children noong 1986.
Si Mylene Davao naman na isa pang anak ni
Charlie kay Emma Marie ay pumanaw sa aksidente noong ito ay limang taong gulang
pa lamang.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga
videong kagaya nito. Bisitahin ang iba pa naming mga video sa aming mga
playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment