KILALANIN
ANG MGA ANAK NI CARLOS ROY PADILLA
Si Casimero Bustamante Padilla Sr. o mas
kilala sa larangan ng politika bilang si Roy Padilla ay dating gobernadora ng
probinsya ng Camarines Norte. Naging myebro rin siya ng Corazon Aquino’s People
Power ticket. Ginamit rin niya ang pangalang Carlos Roy Padilla sa kanyang mga
early brief stint bilang actor at director.
Apat na besis siyang naging mayor ng
Munisipsyo ng Jose Panganiban. Naging SSS Commissioner, Vice Governor ng
Camarines Norte, Representative ng Batasang Pambansa at hanggang maging mismong
Governor ng Camarines Norte.
Kailan man ay hindi natalo si Roy Padilla sa
lahat ng halalan. Napakalaki ng agwat ng kanyang boto kahit pagsama-samahin pa
ang lahat ng boto ng kanyang mga katunggali sa halalan.
Naging presidente siya ng National Mines and Allied Workers Union na
kung saan libo-libo ang mga myembre nito sa buong bansa.
Siya rin ang napili na maging delegado ng
Pilipinas sa International Labour Organization ng United Nations sa isinagawa
sa Geneva, Switzerland.
Sampu ang naging anak ni Roy Padilla. Narito’t
kilalanin natin ang ilan sa kanila.
1. Royette Padilla
Si Royet Padilla ay isang aktor. Nakilala siya
mula noong 1990s sa mga pelikulang Di Na Natutu (Sorry Na, Pueda ba?) at sa
pelikulang Mistah na kinagiliwan ng maraming mga Pilipino. Naging bahagi rin
siya ng pelikulang Buhay Kamao noong 2001 at Alab ng Lahi noong 2003.
Pumanaw si Royet sa edad na 58 dahil sa heart
attack.
2. Robin Padilla
Isang kilalang actor si Robin Padilla na
sumikat dahil sa kanyang maaaksiyong pelikula na talaga naman kinahiligan ng
maraming mga manonood.
Siya ay isa ring Film Director, screenwriter,
producer, at isang martial artist.
Nakilala siya bilang Bad Boy ng Philippine
Cinema at bumida sa mga pelikulang Anak ni Baby Ama, Bad Boy , Bd boy 2, at
Grease Gun Gang.
Siya ay na appoint ito bilang bagong Philippine Army Communication Panel Chief.
3. Rommel Padilla
Si Rommel CariƱo Padilla ay isang Filipino
aktor, modelo, negosyante, politiko at movie producer.
Ipinanganak siya noong January 4, 1965 at
nakilala sa mga pelikulang Lorenzo’s Time, Totoy Golem at Kahit Demonyo
Itutumba Ko.
Siya ang ama ng sikat na aktor ngayon na si
Daniel Padilla.
4. Rustom Padilla
Si Rustom ay isa ring aktor na bumida sa
maraming mga maaaksiyong pelikula kabilang na ang pelikulang Mistah na kung
saan nakasa niya rito ang kanyang mga kapatid. Si Rustom ay isa ring Matinee
idol.
Ngayon ay isa na siyang transekswal at
pinalitan ang kanyang pangalan bilang si BB Gandanghari.
5. Casimero “Roy” Aquino Padilla Jr.
Si Roy Padilla Jr. ay ang sumunod sa yapak ng
kanyang ama sa larangan ng politika. Siya ang humalili sa kanyang ama bilang
Congressman at Naging Governor ng Camarines Norte.
6. Ricarte “Dong” Robledo Padilla
Pinasok rin ng isa pang anak ni Roy ang
politika. Tumakbo si Dong bilang Mayor nag Munisipyo ng Jose Panganiban at
nanalo ito.
7. Rebecca Padilla
Si Rebecca ang nakakatandang kapatid ni Robin
Padilla. Siya ay nagtapos ng Mass Communication sa University of Santo Tomas.
Isa rin siyang Flamenco Dancer, myembro
ng Jerry Dadap’s Andres Bonifacio Concert Choir
at aspiring film director.
Si Roy Padilla Sr. ay pinaslang noong January
17, 1988, gabi na kung saan mangyayari kinabukasan ang National Election.
Nangyari ito sa Labo, Camarines Norte. Siya ay 61 taong gulang pa lamang noon.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga
videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin ang iba pa naming mga videos sa
aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment