KILALANIN
ANG MGA ANAK NI LITO LEGASPI
Isang sikat at batikang aktor si Lito Legaspi
mula noong 1959. Gumaganap siya ng mga mahahalagang papel sa pelikula man o sa
mga palabas pantelebisyon.
Unang lumabas si Lito sa comedy film na
Ipinabili Kami ng Aming Tatay na kung saan si Dolphy ang nangungunang karater.
Noong 1963 ay nakasama ni Lito ang noong mga
teenage stars na sina Rosemarie Sonora, Gina Pareno, Dindo Fernando, Pepito
Rofriguez, Romeo Rivera at Bert Leroy Jr. Naging matinee idol sin si Lito
kasama nina Eddie Guttierrez, Jose Mari Gonzales, Romeo Vasquez, Greg Martin at
Juacho Gutierrez.
Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang mayor
ng Davao sa pelikulang Pugoy Hostage: Davao na nooy si Mayor Rodrigo Duterte na
siyang kasalukuyang pangulo ng bansa ngayon.
Gumanap din siya bilang si Mayor Joaquin
Montejo sa na Esperanza na ipinalabas sa ABS CBN noong 1997. Ginampanan rin
niya ang papel ng gobernor sa palabas ng GMA network na Makapiling Kang Muli.
Nagkaroon ng tatlong anak na lalaki si Lito sa
kanyang asawang si Hershey. Naritot kilalanin pa lalo natin sila.
1. Brandon Legaspi
Si Brando o Brandon ang panganay sa
magkakapatid. Siya ay isa ring aktor na madalas nating makita noon sa mga
maaaksiyong pelikula mula 1992 hanggang 2010.
Lumabas siya sa mga pelikulang Ooops, teka
lang… Diskate ko to nooong 2001, Teteng Baliw noong 2002 at Ligay..Katumbas ng
Buhay noong 2003. Ang huling pelikulang kinabilangan niya ay 666 noong 2010.
Ipinanganak siya noong 1970. Siya ay 59 taong
gulang na sa kasalukuyan. Hindi na
gaanong aktibo sa showbiz industry si Brandon mula nang humina ang mga action
films.
2. Zoren Legaspi
Si Zoren naman ang pangalawang anak ni Lito at
Hershey. Pinanatili ni Zoren ang kanyang kasikata sa paggawa mga palabas
komersyal kasama ang kanyang anak na kambal na sina Cassy at Mavy na kapwa ay
mga child stars.
Si Carmina Villaroel ang naging asawa ni Zoren
matapos na ito ay makipaghiwalay kay Rustom Padilla noong 2002. Ikinasal si
Zoren at Carmina noong 2012.
Si Zoren ay isa eing derektor sa telebisyon.
Ilan sa kanyang mga palabas ay Fantastikids, Fastantic Man, Wag Kukurap at
Atlantika.
3. Kier Legaspi
Si Christopher Lim Legaspi o mas popular na pangalang Kier Legaspi ay ang
bunso sa magkakaptid. Ipinanganak siya noong Januaru 1, 1973. Siya ay isa ring
aktor na kadalasan ay gumaganap bilang kontrabida sa mga pelikula niya noong
dekada 90.
Aktibo parin si Kier sa kanyang karera.
Lumabas siya noong sa mga palabas ng kapuso network gaya ng Second Chances
bilang si Emma, Beautiful Strangers bilang si Rigor, at My Guitar Princess
noong 2018 bilang si Elvis Soriano.
Si Kier ay may anak kay Marjorie Barretto na
ngayon ay kilala natin bilang si Daniella o Dani Barretto na kapatid ng sikat
na aktres na si Julia Barretto.
Namaalam si Lito Legaspi noong September 8,
2019 matapos siyang isugod sa ospital dahil sa cardiac arrest.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga
videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin rin ang iba pa naming mga
videos sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment