KILALANIN
ANG MGAA ANAK NI ACE ESPINOSA
Naaalala n’yo pa ba si Ace Espinosa? Marahil
ay napabilid ka rin niya sa kanyang galing bilang isang action star higit lalo
na sa pakikipagsuntukan sa kanyang maaaksiyong pelikula.
Si Ace Espinosa ay unang nakilala sa kanyang unang
pelikulang nagawa noong 1975 na Nagmula sa Lupa. Pagkatapos ay napabilang siya sa
cast ng That’s Entertainment sa GMA 7 noong 1986.
Matapos kakitaan ng malaking potensyal sa
pag-arte ay binigyan siyang pagkakataong
bumida sa mga maa-aksyong pelikula. Ang ilan sa mga pelikulang ito na tumatak
sa mga manonood ay ang: Simaron: Barya Lang Ang Halaga ng Ulo Mo noong 1987,
Balasubas noong 1998, Boy Chico, Hulihin si Ben Tumbling, at Ang Labang Ito
noong taong 2000.
Dahil sa kanyang itsura at pangangatawan ay
maraming mga babaeng tagahanga ang kanyang nabihag. Marami ring mga kalalahihan
ang ginaya ang kanyang signature hairstyle na flattop na naging uso noong
panahon ng kanyang kasikatan.
Tulad ng ibang mga artista, nakatagpo rin ng
pag-ibig si Ace sa showbiz industry. Naging kasintahan at kalunaay naging asawa
niysa ang kanyang dating leading lady na si Maricel Morales. Si Maricel ay
dating beauty queen at pinasok rin kalaunan ang mundo ng politika.
Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki
na parehong mga binata na sa ngayon. Narito’t kilalanin natin sila.
1. Ace John Espinosa
Si Ace ay nasa 20 taong gulang na sa
kasalukuyan. Siya ay anak ni Ace Espinosa sa actress na si Maricel Morales.
Si Ace John ay isang contract star ng Viva
Artist Agency ngunit hindi ito masyadong nakikita sa telebisyon dahil sa mas
prioridad nito ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
2. Micho Espinosa
Si Micho ang nakababatang kapatid ni Ace John.
Patuloy na nag-aaral si Micho at siya ay nasa 18 taong gulang na sa
kasalukuyan. Close na close naman ang magkapatid.
Maaring ang dalawang anak ni Ace Espinosa ang
mga aabangan ng maraming netizens kung pasukin na ng dalawa ang mundo ng
showbiz industry sa oras na matapos na nila ang kanilang pag-aaral.
Ang pagsasama nila ni Maricel ay hindi rin
nagtagal dahil matapos ang apat na taong pagsasama sila rin ay nagdesisyong
maghiwalay. Labintatlong taon nang magkahiwalay sina Ace at Maricel ngunit
nananatili naman itong magkaibigan.
Sa ngayon ay naninirahan si Ace Espinosa sa Canada kasama ang kanyang mga
kapatid at mga magulang.
Magsubscribe sa aming YouTube Channel para sa
mga videong kahihiligan ninyo panoorin. Bisitahin rin ang aming mga playlist
para sa iba pang mga video. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment