KILALANIN ANG MGA ANAK NI HERBERT BAUTISTA


 

Isang kilalang aktor at politiko si Herbert Bautista. Bago paman naging isang Mayor ng Quezon City noong 2010 ay sumikat na si Herbert sa mga pelikulang kanyang ginawa at kinabilangan.

 

Ilan sa mga pelikula at palabas pantelebisyon na nagawa niya ay  Bob Ong’s Lumayo Ka Nga sa Akin noong 2016, Silly Red Shoes noong 2019, The Gift at Make it With You noong nakaraang taon.

 

Bago naging mayor ng Quezon city ay nagsimula si Herbert bilang President ng Kabataang Barangay National Federation hanggang maging City Councilor, Vice Mayor at hanggang sa nanalo ng pagka alkalde noong 2010 election.

 

Si Agnes Gana ang naging asawa ni Herbert at nagkaroon sila ng dalawang anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Athena Bautista

Si Athena ang panganay na anak ni Herbert at Agnes.  Siya ay isa sa mga childhood friends ni Daniel Padilla at napabalitang naging crush niya ang aktor simula pa noong una ngunit siya ay na friendzone nito dahil sa mayroon nang kasintahan ang sikat na aktor na si Kathryn Bernardo.

 

Napabalita rin pinag initan ng mga KathNiel fans si Athena dahil sa tiniwag niyang demonic girlfriend si Kathrine Bernardo sa isa sa kanyang mga twitter posts.

 

Si Athena ay isa ring social media influencer na kung saan may roong siyang maraming instagram followers. Mayroon din siyang YouTube channel na kung saan ay tampok ang kanyang mga travel vlogs, make up tutorials at marami pang iba.

 

2. Harvey Bautista

Si Harvey Terrence Gana Bautista ay isang Filipino Child Actor. Siya ay ipinanganak noong August 16, 2003. Siya ay 17 taong gulang na sa kasalukuyan.

Maliban sa pagiging actor ay isa rin siyang dancer, comedian at modelo.

Kasalukuyan siyang talent ng Star Magic mula noong taong 2011.

Nakabilang siya sa mga palabas gaya ng Love Thy Woman, Halik, Doble Kara at marami pang iba.

Nakatanggap din siya ng Best Child Performer Award noong 2015.

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kagaya nito. Bisitahin rin ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Maraming Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI MARK ANTHONY FERNANDEZ


Si Mark Anthony Fernandez ay isang artista sa Pilipinas. Pinanganak noong Enero 18, 1979 sa Chinese General Hospital sa La loma, Quezon City; Siya ang nagiisang anak ni Rudy Fernandez at Alma Moreno.

Mga kapatid niya sa ama ay si Rap at Renz Fernandez at mga kapatid niya sa ina si Vandolph Quizon, Wynwyn Marquez, Yeoj Marquez, Vitto Marquez at Alfa Salic.

Sa edad na trese ay pumasok sa showbiz bilang isa sa mga kabataang miyembro ng "Guwapings", isang grupo na binuo ng kilalang showbiz manager na si Douglas Quijano at sumikat noong early 90s'.

Umani ng paghanga dahil sa kanyang galing sa pag-arte at binansagang "Best Actor of his generation" ng isang kritiko dahil sa ipinamalas niyang galing sa "Mangarap Ka" ngunit dahil sa droga ay naalintana ang kanyang career.

 Sa tulong ng mga magulang at kaibigan, bumangon sa pagkakadapa si Mark Anthony at noong 2005 ay muling nagbalik sa pelikula at muling pinatunayan ang kakayahan sa piniling propesyon. Mula sa ABS-CBN teleseryeng "Super Inggo" hanggang sa GMA's "Impostora" nakita muli ng publiko ang galing ng aktor.

 

Noong Septembre 24, 2006 pinakasalan niya si Melissa Garcia, ang matagal na niyang nobya at ina ng kanyang mga anak, sa isang garden Christian ceremony sa Intramuros.

 

Narito’t kilalanin nating ang mga anak ni Mark Anthony Fernandez.

 

1. Grae Fernandez

 

Si Grae Cameron Garcia Fernandez ay isang Filipino Teen actor, host at recording artist na nakilala sa pagiging vocalist ng Star Magic’s teen boy group Gimme 5.

Isinilang siya noong November 7 2001 sa Maynila. Siya ang nakakatandang anak ni Mark Anthony kay Melissa.

 

Mabilis ang pagsikat ng aktor hindi lang dahil sa kanyang taglay na galing at kakisigan kundi marahil ay bunga  na rin ng kanyang pagiging great grandson ng actor na si Gregoria Fernandez, apo ng batikang actor na si Rudy Fernandez at ng sikat na Padilla clan gaya nina Robin at Rommel.

 

Unang lumabas si Grae sa TV vommercial ng Jollibe noong 2013 at pagkatapos ay naging isa sa mga manlalaro ng Minute to Win It na ng ABS CBN.

 

2. Rudolf Venedictos Garcia Fernandez.

 

Si Rudolf naman ay ang ikalawang anak ni Mark Anthony at  Melissa. Madalas na ka bonding ni Grae ang kanyang nababatang kapatid.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kagaya nito. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI RANDY SANTIAGO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI RANDY SANTIAGO

 

Si Randy Santiago ay isang kilalang actor, comedian, television host, singer, songwriter, producer, director at entrepreneur. Siya ang nakakatandang kapatid ng sikat na action star na si Raymart Santiago.

Nagtapos si Randy ng kanyang kolehiyo sa De La Salle University.

Lumabas siya sa mga pelikulang paikot-ikot noong 1990, Pera o Bayong noong 2000 at Taray at Teroy noong 1988.

Ilan sa mga pelikulang nai nagawa niya bilang isang derector ay

JR noong 1983 at Daniel Bartolo ng Sapang Bato noong 1982.

Bilang isang negosyante ay nagtayo siya ng isang restaurant na tinawag niyang Ratsky Bar na mayroon nang iba’t-ibang branches sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Makikita si Randy na laging nakasuot ng sunglasses dahil sa kanyang Lazy eye na naging resulta ng pagkakaroon niya ng cyst sa kanyang kaliwang eyelid noong siya ay nasa grade two pa lamang.

Si Randy ay anak ng direktor na si Pablo Santiago at ng actress na si Cielito Legaspi. Kasal si Randy kay Marilou Coronel at nagkaroon sila ng apat na anak. Narito at kilalanin natin sila.

 

1. Raphael Santiago

Ipinanganak si Raphael noong 1991 at siya ay nasa 30 taong gulang na sa kasalukuyan. Matatandaang nagkaroon ng isyu si Raphael at si Cluadine Barretto dahil sa ito umano ang nag twist at nag choke sa kanyang anak na si Santino. Ipinost pa ito ng aktress sa kanyang Instagram. Dito ay tinawag pa ni Claudine si Raymart na walang kwentang ama dahil sa hindi naman ito pinatulan ng aktor dahil sa away bata lang umano ang nangyari.

Makikita sa mga larawang ito si Claudine  na masaya pang nagdiriwang kasama ang pamilya santiago bago naganap ang insidenteng pananakit sa kanyang anak.

2. Ryan Santiago

Si Ryan ang ikalawang anak ni Randy Santiago. Ipinanganak naman siya noong 1993. Ngunit pumanaw ito noong 2017 dahil sa brain disease at multiple sclerosis. Noon ay 24 na taong gulang pa lamang si Ryan.

 

3. Raiko Santiago

Si Raiko naman ay ipinanganak noong 2002. Siya ay labinsiyan na taong gulang na sa kasalukuyan, Siya ang bunso sa mag kakapatid. Si Raiko ay tumutulong naman sa kanyang ama sa pagiging video editor nang gawin ni Randy ang Re-Recorded ng kanyang kantang Pagod na Puso noong nagkaraang taon.

Kasalukuyang hurado si Randy Santiago sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga ganitong videos na kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI LITO LEGASPI


KILALANIN ANG MGA ANAK NI LITO LEGASPI

 

Isang sikat at batikang aktor si Lito Legaspi mula noong 1959. Gumaganap siya ng mga mahahalagang papel sa pelikula man o sa mga palabas pantelebisyon.

Unang lumabas si Lito sa comedy film na Ipinabili Kami ng Aming Tatay na kung saan si Dolphy ang nangungunang karater.

Noong 1963 ay nakasama ni Lito ang noong mga teenage stars na sina Rosemarie Sonora, Gina Pareno, Dindo Fernando, Pepito Rofriguez, Romeo Rivera at Bert Leroy Jr. Naging matinee idol sin si Lito kasama nina Eddie Guttierrez, Jose Mari Gonzales, Romeo Vasquez, Greg Martin at Juacho Gutierrez.

Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang mayor ng Davao sa pelikulang Pugoy Hostage: Davao na nooy si Mayor Rodrigo Duterte na siyang kasalukuyang pangulo ng bansa ngayon.

Gumanap din siya bilang si Mayor Joaquin Montejo sa na Esperanza na ipinalabas sa ABS CBN noong 1997. Ginampanan rin niya ang papel ng gobernor sa palabas ng GMA network na Makapiling Kang Muli.

 

Nagkaroon ng tatlong anak na lalaki si Lito sa kanyang asawang si Hershey. Naritot kilalanin pa lalo natin sila.

 

1. Brandon Legaspi

Si Brando o Brandon ang panganay sa magkakapatid. Siya ay isa ring aktor na madalas nating makita noon sa mga maaaksiyong pelikula mula 1992 hanggang 2010.

Lumabas siya sa mga pelikulang Ooops, teka lang… Diskate ko to nooong 2001, Teteng Baliw noong 2002 at Ligay..Katumbas ng Buhay noong 2003. Ang huling pelikulang kinabilangan niya ay 666 noong 2010.

Ipinanganak siya noong 1970. Siya ay 59 taong gulang na sa kasalukuyan.  Hindi na gaanong aktibo sa showbiz industry si Brandon mula nang humina ang mga action films.

2. Zoren Legaspi

Si Zoren naman ang pangalawang anak ni Lito at Hershey. Pinanatili ni Zoren ang kanyang kasikata sa paggawa mga palabas komersyal kasama ang kanyang anak na kambal na sina Cassy at Mavy na kapwa ay mga child stars.

Si Carmina Villaroel ang naging asawa ni Zoren matapos na ito ay makipaghiwalay kay Rustom Padilla noong 2002. Ikinasal si Zoren at Carmina noong 2012.

Si Zoren ay isa eing derektor sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga palabas ay Fantastikids, Fastantic Man, Wag Kukurap at Atlantika.

3. Kier Legaspi

Si Christopher Lim Legaspi o  mas popular na pangalang Kier Legaspi ay ang bunso sa magkakaptid. Ipinanganak siya noong Januaru 1, 1973. Siya ay isa ring aktor na kadalasan ay gumaganap bilang kontrabida sa mga pelikula niya noong dekada 90.

Aktibo parin si Kier sa kanyang karera. Lumabas siya noong sa mga palabas ng kapuso network gaya ng Second Chances bilang si Emma, Beautiful Strangers bilang si Rigor, at My Guitar Princess noong 2018 bilang si Elvis Soriano.

Si Kier ay may anak kay Marjorie Barretto na ngayon ay kilala natin bilang si Daniella o Dani Barretto na kapatid ng sikat na aktres na si Julia Barretto.

 

Namaalam si Lito Legaspi noong September 8, 2019 matapos siyang isugod sa ospital dahil sa cardiac arrest.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin rin ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


CONFIRMED: John Lloyd Balik Showbiz na

KILALANIN ANG MGA ANAK NI ZOREN LEGASPI


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ZOREN LEGAZPI

 

Si Zoren Lim Legaspi ay ipinanganak noong January 30, 1972. Siya ay isang sikat na aktor ang magaling ring television director. Higit na nakilala si Zoren sa kanyang pagganap sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Mulawin, Now and Forever: Ganti, Majika, Enchanted Garden Glamorosa, Forevermore, Healing Hearts, Encantadia, Sirkus at Kapag Nahati ang Puso.


Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa GMA Network at isa rin siyang Talent Management Arm ng GMA Artist Center kasama ang kanyang mga anak.

 

Aktibo si Zoren sa industriya mula 1987 hanggang sa kasalukuyan. Dalawa ang anging anak ni Zoren sa kanyang asawang si Carmina Villariel.

 

Maaring pamilyar na kayo sa sa dalawa nilang anak at marahil ay naging paborito na ninyo silang child star. Kilalanin pa lalo natin ang kambal na anak nina Zoren at Carmina.

 

Si Cassandra o Cassy ay kasalukuyang napapanood natin sa Kapuso drama na First Yaya na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Marahil ay kinikilig ka rin siguro sa tambalan nila Cassy at Joaquin Domagoso. Si Joaquin naman ay anak ng kasalukuyang mayor ng Maynila na si Mayor Isko Moreno.

Si Cassy ang unang lumabas nang sila ay isilang ng kanilang ina. Kaya’t itiunuturing na mas nakakatanda siya sa kanyang kapatid bagaman sila ay kambal.

Tunay na nagtataglay ng kagandahan si Cassy kaya’t hindi kagulat-gulat ang mabilis na pagdami ng kanyang mga tagahanga. Lagpas lang naman sa 1.1 million ang kanyang mga followers sa kanyang Instagram. Ipinagpapatuloy ni Cassy ang kanyang pag-aaral sa kursong Business Marketing.

Sa kabilang dako si Maverick Peter o Mavy naman ay talagang tinitiliian ng marami nitong mga kababaihang fans dahil sa kanyang napaka gwapong pagmumukha na talagang minana niya sa kanyang mga magulang. 

Nasa second year college na si Mavy at kumukuha ito ng kurosng Business Management Major in Entrepreneuship. Gaya ni Cassy ay aktibo rin si Mavy sa showbiz. Ang kanilang pagiging modelo mula pa noong sila ay mga bata kasama ang kanilang mga magulang ang siyang tumulong umano sa kanila upang lubos na maging magaling sa larangan ng pag-arte.

Plano sana ng kambal na mag-aral sa University of California  sa Los Angeles na kung saan ay doon sila ipinanganak at naroon din naririnarahan ang kanilang iba pang pamilya.

Noong January 6 ay nagdiwang ang kambal ng kanilang ika 20 taong kaarawan. 2019 nang magtapos ng high school ang kambal sa Accountancy, Business and Management Strand sa Reedley International School sa Pasig City.

 

Magsubscribe sa aming channel para sa mga videong kagaya nito. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI EDGARDO MORTIZ


KILALANIN ANG MGA ANAK NI EDGAR MONTIZ

 

Si Edgardo Mortiz ay isang Filipino actor, comedian, singer at director na kasalukuyang nagtatrabaho sa GMA Network at Brightlight Production. Dati rin siyang nagtabaho sa ABS-CBN hanggang sa ito ay magsara at iniwan ang network matapos ang 34 na taong pagtatrabaho rito.

 

Ilan sa mga kinabilangan niyang palabas pantelebisyon ay Sana Dalawa ang Puso, Dolce Amore, It’s Showtime Star Power at Talentadong Pinoy.

 

 Nanalo rin sya ng mga Gawad gaya ng Best Single at Best Mini-Album noong 1970 at 1971.

 

Si Millette Santos ang asawa ni Edgardo Mortiz at nagkaroon sila ng apat na anak. Narito’s kilalanin natin sila.

 

1. Badjie Mortiz

Si Badjie ay isang aktor at writer na nakilala sa mga pelikulang Beauty and the Bestie bilang si George, The Breakup Playlist noong 2015 bilang si Saul at sa serye ng Banana Nite.

Madalas din nating mapanood si Badjie sa Banana Sundae.

 

 

2. Frasco Mortiz

Sinimulan ni Frasco ang kanyang career noong 2005 bilang isang television directo sa serye ng Goin Bulilit kasama ang kanyang ama at isa pang kapatid.

 

Nakilala rin siya sa kanyang pag direct ng pelikulang Cinco noong 2010, The Reunion noong 2013, Pagpag noong 2013 at nanalo siya bilang Best Director noong 62md FAMAS Awards.

 

May mga anak na si Frasco sa kanyang asawang si Ellen.

 

3. Ma. Carmela Catalin Mortiz

Si Carmela naman o sa popular na tawag sa kanya na Calin ay isinilang noong 1981.

Madalas namang kasama ni Calin ang isa pa niyang kapatid sa tuwing pumupunta ito sa ibang bansa gaya ng California. Madalas na mag bonding ang magkapid.

 

4. Ma. Frances Camille Mortiz

Ipinanganak naman si Camille noong 1983. Siya ang isa pa sa dalawang anak na babae ni Edgar.

Mahilig si Camille maki selfie sa mga sikat na actor.

Anak ni Camille ang napaka cute na batang si Sophia.

 

Kahit na anak ng director ay pinili ni Camille na hindi pumasok sa mundo ng showbiz.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorins. Bisitahin rin ang iba pa naming mga videos. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI FREDDIE WEBB


KILALANIN ANG MGA ANAK NI FREDDIE WEBB

 

Si Freddie Webb ay dating senador, congressman, basketball player at coach. Ngayon ay aktibo siya bilang aktor sa mga palabas pantelebisyon at pelikula.

 

Nagsimula si Freddie Webb sa kanyang showbiz carrer noong aktibo rin siya sa pagbabasketball. Naging Host din siya ng Pa-bandying,Bandying noong 1973 sa RPN-9. Ipinares siya sa komedyanteng si Nova Villa.

Ilan sa mga palabas pantelebisyon na kanyang kinabilangan ay Love You Too, Victor Magtanggol, Kapag Nahati ang Puso, My Dear Heart, at Laluna Sangre.

 

Si Elizabeth Pagaspas ang asawa ni Freddie at nagkaroon sila ng tatlong anak. Narito’s kilalanin natin sila.

 

1. Pinky Webb

Si Joanna Marie Pagaspas Webb o mas kilala natin bilang si Pinky Webb ay isang sikat na mamahayag, tagapaghatid-balita at TV Host. Ipinanganak siya noong June 11, 1970. Nag-aral siya sa De La Salle University at nagtapos ng kursong Business Management. Kumuha siya ng kursong Journalism sa Cal Stae Long Beach sa California.

Unang pumasok sa telebisyon si Pinky sa ABC bilang advisory anchor at kalaunan ay sa ABS CBN. Kasalukuyan namang napapanood si Pinky Webb sa CNN Philippines.

2. Jason Webb

Sinundan sin ni Jason ang yapak ng kanyang ama sa paglalaro ng basketball. Naglaro si Jason sa De La Salle Green Archers mula 1991 hanggang 1995.  Nang matapos niya ang kanyang kolihiyo ay naglaro sin siya sa Stag/ Tanduay sa Philippine Baskerball League mula naman noong 1995 hanggang 1997.

 

Nagsimula naman siyang maglaro sa PBA career noong 1997 sa Sta. Lucia Realtors at kalaunan ay sa Tanduay Rhum Masters naman mula 1991 hanggang 2001.

Ngayon ay nakatuon si Jason sa pagiging Basketball Coach.

 

3. Hubert Webb

Si Hubert Jeffrey Webb ay ipinanganak noong Nobyembre 7, 1968.  Siya ang pangatlong anak nina Freddie Webb at Elizabeth.

Nakilala siya dahil sa kanyang pagkakasangkot sa Vizconde murders na naging mainit na isyu noong 1991. Na convict siya kasama ang limang iba pa at napatawan ng habang buhay na pagkakakulong.

 

Makalipas ang labin limang taon na pagkakakulong ay napawalang sala siya at ang kanyang mga kasama dahil sa pagkabigo ng prosecution na mapatunayang nagkasala ang mga nabanggit.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kagata nito. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI CARLOS ROY PADILLA SR


KILALANIN ANG MGA ANAK NI CARLOS ROY PADILLA

 

Si Casimero Bustamante Padilla Sr. o mas kilala sa larangan ng politika bilang si Roy Padilla ay dating gobernadora ng probinsya ng Camarines Norte. Naging myebro rin siya ng Corazon Aquino’s People Power ticket. Ginamit rin niya ang pangalang Carlos Roy Padilla sa kanyang mga early brief stint bilang actor at director.

 

Apat na besis siyang naging mayor ng Munisipsyo ng Jose Panganiban. Naging SSS Commissioner, Vice Governor ng Camarines Norte, Representative ng Batasang Pambansa at hanggang maging mismong Governor ng Camarines Norte.

 

Kailan man ay hindi natalo si Roy Padilla sa lahat ng halalan. Napakalaki ng agwat ng kanyang boto kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng boto ng kanyang mga katunggali sa halalan.

 

Naging presidente siya ng  National Mines and Allied Workers Union na kung saan libo-libo ang mga myembre nito sa buong bansa.

 

Siya rin ang napili na maging delegado ng Pilipinas sa International Labour Organization ng United Nations sa isinagawa sa Geneva, Switzerland.

 

Sampu ang naging anak ni Roy Padilla. Narito’t kilalanin natin ang ilan sa kanila.

 

1. Royette Padilla

Si Royet Padilla ay isang aktor. Nakilala siya mula noong 1990s sa mga pelikulang Di Na Natutu (Sorry Na, Pueda ba?) at sa pelikulang Mistah na kinagiliwan ng maraming mga Pilipino. Naging bahagi rin siya ng pelikulang Buhay Kamao noong 2001 at Alab ng Lahi noong 2003.

Pumanaw si Royet sa edad na 58 dahil sa heart attack.

2. Robin Padilla

Isang kilalang actor si Robin Padilla na sumikat dahil sa kanyang maaaksiyong pelikula na talaga naman kinahiligan ng maraming mga manonood.

Siya ay isa ring Film Director, screenwriter, producer, at isang martial artist.

Nakilala siya bilang Bad Boy ng Philippine Cinema at bumida sa mga pelikulang Anak ni Baby Ama, Bad Boy , Bd boy 2, at Grease Gun Gang.

Siya ay na appoint ito bilang bagong  Philippine Army Communication Panel Chief.

3. Rommel Padilla

Si Rommel Cariño Padilla ay isang Filipino aktor, modelo, negosyante, politiko at movie producer.

Ipinanganak siya noong January 4, 1965 at nakilala sa mga pelikulang Lorenzo’s Time, Totoy Golem at Kahit Demonyo Itutumba Ko.

 

Siya ang ama ng sikat na aktor ngayon na si Daniel Padilla.

 

4. Rustom Padilla

Si Rustom ay isa ring aktor na bumida sa maraming mga maaaksiyong pelikula kabilang na ang pelikulang Mistah na kung saan nakasa niya rito ang kanyang mga kapatid. Si Rustom ay isa ring Matinee idol.

Ngayon ay isa na siyang transekswal at pinalitan ang kanyang pangalan bilang si BB Gandanghari.

 

5. Casimero “Roy” Aquino Padilla Jr.

Si Roy Padilla Jr. ay ang sumunod sa yapak ng kanyang ama sa larangan ng politika. Siya ang humalili sa kanyang ama bilang Congressman at Naging Governor ng Camarines Norte.

 

6. Ricarte “Dong” Robledo Padilla

Pinasok rin ng isa pang anak ni Roy ang politika. Tumakbo si Dong bilang Mayor nag Munisipyo ng Jose Panganiban at nanalo ito.

 

7. Rebecca Padilla

 

Si Rebecca ang nakakatandang kapatid ni Robin Padilla. Siya ay nagtapos ng Mass Communication sa University of Santo Tomas. Isa rin siyang Flamenco Dancer,  myembro ng Jerry Dadap’s Andres Bonifacio Concert Choir  at aspiring film director.

 

Si Roy Padilla Sr. ay pinaslang noong January 17, 1988, gabi na kung saan mangyayari kinabukasan ang National Election. Nangyari ito sa Labo, Camarines Norte. Siya ay 61 taong gulang pa lamang noon.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN NATIN ANG MGA ANAK NI AL TANTAY


KILALANIN ANG MGA ANAK NI AL TANTAY

 

Si Alfonso Tantay o mas kilala sa kanyang stage name na Al Tantay ay isang Filipino Film Actor, Comedian at director.

Nadiskubre siya ni Joey Gosiengfiao na isang derektor at siya ay gumanap sa mga pelikulang Isakandalo kasama si Lorna Tolentino noong July 1979.

 Taong 1987 naman ay gumanap siya ng kauna-unahang villain role sa pelikulang pinagbibidahan ni Rudy Fernandez sa pelikulang Humanda Ka, Ikaw ang Susunod.

 

Madalas rin natin siyang mapanood sa mga teleserye sa ABS-CBN at GMA7 na ginagampanan ang mga supporting roles gaya sa mga pelikulang Legal Wives bilang si Hasheeb Macadato, Victor Magtanggol bilang si Tomas Magtanggol, Contessa bilang si Pablo Venganza.

 

Siya rin ang director ng mga pelikulang maaring kinahiligan nating panoorin gaya ng Pakboys Takusa, Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, Sugo Mga Kapatid, at Lokomoko.

 

Dating kasal si Al sa isa ring batikang actress na si Rio Locsin. Narito mga kasama at kilalanin natin ang dalawang anak ni Al Tantay.

 

1. Jabba Tantay

Si Jabba ang isa sa dalawang anak nina Al at Rio. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Korea. Hilig niya ang pagluluto at pag be bake. Dahil sa hindi makapasok sa trabaho dulog ng quarantine ay nagsimula na rin si Jabba ng kanyang mini business sa bahay. Gumagawa siya ng ma pantries at cakes. Supportado naman siya ng kanyang mga kaibigan na silang tumatangkilik sa kanyang mga produkto.

 

Mahilig si Jabba manood ng mga K Dramas, makinig sa BTS at maglaro ng Animal Crossing. Nasa 38 gulang na si Jabba sa kasalukuyan.

 

 

2. Paula Tantay

 Si Paula ang isa pang anak ni Al kay Rio. Madalas ring kasama ng magkapatid ang isa pa nilang kapatid sa ina na si Joses Israel.

 

Parang magkakabarkada lang ang turingan ng magkakapatid. Sama-sama sila sa kainan man at pamamasyal.

 

Mgsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat ng napakarami mga kasama.

 

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI CHARLIE DAVAO 720p


KILALANIN ANG MGA ANAK NI CHARLIE DAVAO

 

Si Charles Wahic Valdez Davao ay isa sa mga batikang actor sa ating bansa. Siya ay tubong Iloilo City. Nag-aral siya sa University of the East sa kursong Commerce. Sa mga panahong iyon ay lumalabas na si Charlie sa mga commercial at print ad modeling dahil na rin sa kanyang katikasan at itsura noong ito ay bata pa.

Nagsimula siyang pasikin ang mundo ng showbiz noong 1959 nang magkaroon ng audition ang Sampaguita Pictures. Una siyang lumabas sa pelikulang Isumpa Mo. Isang drama film na pinagbibidahan ni Dolphy kasam sina Rick Rodrigo at Barbara Perez.

 

Madalas din siyang mabigyan ng mga villain roles noong 1970s. Dahil sa galing sa pag-arte ay nakasama rin siya sa mga Hollywood movies gaya ng mga pelikulang Blind Rage, The Last Reunion at Women in Cages.

 

Kasal si Charlie kay Emma Marie at nagkaroon siya rito ng apat na anal. Nang pumanae si Emma Marie ay muli siyang nag-asawa sa katauhan ni Mary Grace Inigo at nagkaroon din sila ng dalawa pang anak.

 

Narito’t kilalanin natin ang mga anak ni Charlie Davao.

 

1. Bing Davao

Si Bing Davao ay isa ring magaling na aktor sa ating bansa. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ben Balasador, Dugong Buhay, Isang Bala Isang Buhay, Eagle Squad at marami pang iba.

 

2. Ricky Davao

Isang sikat na aktor din si Ricky Davao na nakilala sa kanyang mga pelikulang maaaksiyon mula noong dekada 80.

Ilan sa kanyag mga pelikula ay Bulalak sa City Jail, Huwag Mong Buhayin ang Bangkay, Natutulog pa ang Diyos  at Sunday Night Fever.

Aktibo rin siya sa mga palabas pantelebisyon gaya ng mga teleseryeng Daddy;s Gurl, The Tapes,Bilangin ang Bituin sa Langit, at ang pinakabagong teleserye niyang Paano ang Pangako.

Isa ring batikang director si Ricky Davao. Ilan sa kanyang mga pelikula ay Dahil sa Pag-ibig, Legally Blind, Sinungaling Mong Puso, Because of You, Little Nanay, at marami pang iba.

3. Mymy Davao

Si Mymy ay isa ring aktres. Lumabas isya sa mga pelikulang The Millionaire’s Wife noong 2016, Spirit noong 2004m at Ang Lahat ng Ito’y Pasa Sayo noong 1998.

 

4. Charlon Davao

Si Charlon ay dating childstar. Siya ay anak ni Charlie kay Mary Grace Inigo. Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya noong ay Alyas: Boy Life noong 1989, Sa Puso Ko Hahalik Ang Mundo noong 1988, at ang God’s Little Children noong 1986.

 

Si Mylene Davao naman na isa pang anak ni Charlie kay Emma Marie ay pumanaw sa aksidente noong ito ay limang taong gulang pa lamang.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kagaya nito. Bisitahin ang iba pa naming mga video sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 

KILALANIN ANG ANAK NI YOYOY VILLAME


KILALANIN ANG ANAK NI YOYOY VILLAME

 

Si Roman Tesorio Villame o mas kilala sa pangalang Yoyoy Villame ay isang Filipino singer, composer. Lyrcist, actor at comedian.

Nagmula siya sa Calape,  Bohol at siya ang bunso sa sampung magkakapatid. Ang kanyang ama ay ordernaryong mangingisda at ang kanyang ina naman ang tagapag benta ng kanilang mga huli.

Sinubukang makapagtapos ni Yoyoy sa pag-aaral, ngunit hanggang second year high school lang ang inabot nito. Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan itong pasukin ang pagiging soldier- Trainee ng Philippine Army. Nadestino si Yoyoy sa Pampangga ngunit hindi ito naging masaya doon.

 

Matapos na sumuko noon ang leader ng rebelding grupo na si Luis Taruc ay nag resign na rin si Yoyoy sa pagiging soldier trainee at pinili nitong maging driver ng jeep. Sa panahong ito ay madalas na siyang sumali sa paligsahan, ngunit madalas na matalo dahil sa kanyang halatang visayan accent.

 

Noong 1965 ay bumalik si Yoyoy sa bohol at naging isang bus driver. Dito ay bumuo siya ng banda kasama ang kanyang kapwa mga driver.

 

Taong 1972 naman ay narecord ni Yoyoy ang kantang “Magellan” at ito ay naging isa sa mga top selling record sa kabisayaan.

Napansin ng komedyanteng si Chiquito ang potential ni Yoyoy kaya’t dinala siya nito sa Maynila upang pumirma sa Vicor Records. Dito nagsimulang makilala ang pangalang Yoyoy Villame sa iba’t-ibang panig ng bansa.

 

Ngayon mga kasama ay kilalanin natin ang isa sa mga anak na babae ni Yoyoy Villame na nag-aangkin din ng ganda at talento gaya ng kanyang ama.

 

Siya ay si Hanna Villame.  Si Hanna ay isa ring singer at laging on call sa lahat ng evets. Madalas din siyang itambal sa isang Yoyoy Villame Jr ng Cavite na isang Singer impersonator at voice alike ng kanyang yumaong ama.

Madalas na magtandeem noon ang mag-amang Yoyoy at Hanna noong si yoyoy ay nabubuhay pa. Madalas silang lumabas sa maraming mga okasyon sa Davao.

Lumabas din si Hanna sa mga pelikulang Panabla at Basta Tricycle Driver Sweet Lover. Mayroon ding YouTube account si Anna na kung saan pawang mga tiktok videos niya ang kanyang ina upload.

 

Marahil napanood mo rin ang kanyang pambihirang performance sa Tawag ng Tanghalan noong otober 2019. Isa siya sa mga kalahok sa nasabing programa bilang ikatlong celebrity contender, ang Novelty Princess ng Las Pinas City.

 

Ang lima pang anak ni Yoyoy ay pribado ang pamumuhay. Pumanaw si Yoyoy noong  Mayo 18, 2007 sa edad ng 75 dahil sa cardiac arrest.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 


ALAMIN ANG IBA'T IBANG ARI ARIAN NI SENADOR BONG REVILLA JR


ALAMIN ANG IBA’T-IBANG ARI-ARIAN NI BONG REVILLA JR

 

Batay Sa artikulong naisulat sa asianmoneyguide . com ay itinuturing na pangwalo sa pinakamayamang celebrity sa bansa ang kasalukuyang senador Bong Revilla Jr. Tinatayang aabot sa higit sa 100 million pesos ang networth o kabuuang kayamanan ni Bong Revilla noong 2018.

 

Sinasabing nagmula ang mga tinatamasang yaman ni Bong sa mga pelikula niyang tinagkilik at pinilahan sa mga senehan mula pa noong 1983. Ang mga pelikula niyang gaya ng Agimat, Ang Panday, at Captain Barbell ang nagbigay sa kanya ng malaking halaga.

 

Nanalo ng apat na Gawad ang kanyang mga pelikula at palabas na  Idol ko si Kap, Kaps Amazing Stories, Ang Panday, at Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Nasangkot si Bong Revilla sa 2014 Pork Barrel Scam na sinasabing naglipat ng pondo ng pork Barrel sa mga pekeng NGO ng sinasabing utak ng scam na si Janet Lim-Napoles para sa mga proyektong hindi naman umiiral.

Sinasabing aabot samahigit sa 224 milyon ang kickback na natanggap umano ng opisina ni Bong Revilla mula kay Napoles.

Narito ang ilan sa mga ari-arian ni Senador Bong Revilla Jr.

1. 15 Motor Vehicle

 

Mayroon anyang labin-limang iba’t-ibang klase ng motor vehicle si Bong Revilla. Ilan sa mga ito ay Mitsubishi Montero na lagpas sa 1.5 million pesos, Toyota Hi-Ace Grandia na lagpas sa 2 million pesos, Nissan Frontier Navarrana higit sa 1.8 Million Pesos, Toyota Corolla na higit sa 1.5 Million Pesos, Mitsubishi Adventure GLX na aabot sa 1 Million pesos, Cadillac Escalade na aabot sa 2.2 Million Pesos, Toyota Jeep na lagpas sa 2 Million Pesos, Mitsubishi L300 naaabot sa 1 Million Pesos, Fuso Jitney, BMW 730 Li na aabot sa 9 Million Pesos, Hyundai Starex Van na aabot sa 3 Million Pesos, Lexus LX570 Wagon na lagpas sa 8.3 Million Pesos, Isuzu NHR at dalawang Toyota Innova Wagon na higit sa 1.7 Million Pesos ang bawat isa.

 

2. 28 Real Estate Properties

May roon anyang 28 Real Estate Properties ang mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang dalawang 125 square meter lots sa Tagaytay City. Dalawa naman sa Silang Cavite na may sukat na 10, 191 square meters at 14,834 square meters.

Mayroon din silang 443 square meter house at 13 square meter guard house sa Bacoor, Cavite.

 

3. 5 Shares of Stocks Valued at 1.14 Million

Humahawak rin ng stocks si Bong Revilla na nagkakahalaga ng lagpas sa 1.14 Million Pesos. Ilan sa mga kompanyang may hinahawakang stocks ang sendor ay ang Manila Southwoords, Royal Tagaytay and Country Club, Subic Yacht Club, Palms Country Club, Riviera Golf and Sports Club, Natures Concept Development and Realty Corp. Alabang Country Club, Inc., San Miguel Corporation, GMA-7 Network at ang Villa Jose Jacinta, Inc.

 

4. 12 Shares from Exclusive Clubs and Private Companies

Mayroon ding pinapatakbong mga negosyo si Bong Revilla gaya ng kanyang mga RRJ Films Inc. at RRJ Trading and Trucking Corporation.

5. 44 Bank Account

Sinasabing mayroong 44 na bank accounts si Bong mula sa iba’t-ibang bangko. Hindi naman ibinahagi sa publiko kung magkano ang laman ng bawat bank ng senador.

 

Napawalang sala si bong Revilla sa kasong Plunder noong 2018 at nakalaya matapos ang apat na taong pagkakakulong. Mayroon pang 16 counts of graft na kinahaharap ang senador hanggang sa kasalukuyan.

 

Magsubscribe sa aming channel para sa mga ganitong videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin rin ang aming mga playlist na inihanda para sa inyo. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


MGA ARI-ARIAN NI BOSSING VIC SOTTO- GAANO NGA BA SIYA KAYAMAN


MGA ARIARIAN NI BOSSING VIC SOTTO

 

Itinuturing si Bossing Vic Sotto ng marami bilang isang silent millionaire dahil sa hindi gaanong alam ng nakararami ang mga ari-arian na kanyang naipundar hindi katulad ni Willie Revillame na halos alam ng buong Pilipinas ang mga pag-aari nito.

 

Madalas ding ikumpara ang dalawa pagdating sa mga bagay-bagay na kanilang tinatangkilik.

 

Si Bossing Vic ay isang kilalang komedyante at host ng longest running Philippine noontime show na Eat Bulaga. Dahil sa dami na rin ng mga pelikulang nagawa sa big screen man at sa telebisyon ay tunay na hindi malabong magtamasa si Bossing ng di maliit na kayamanan mula sa kanyang pagiging artista, host at pagiging singer.

Dahil sa pagiging mahusay na aktor ay aabot sa dalawampung Gawad ang kanyang napanalunan mula sa pagiging Best Actor in Comedy Series hanggang sa pagiging Five-time Box- Office King.

Ipinanganak siya noong April 28, 1954 at siya ang bunso sa magkakapatid. Nagsimula siya sa industriya bilang folk singer at guitarist. Ilan sa mga kantang nai produce niya ay Awitin Mo at Isasayaw Ko, Rock baby Rock at Kung Sakali.

 

Lima ang naging anak ni Vic Sotto mula sa iba’t-ibang nakarelasyon. Ito ay sina Oyo Sotto, Danica Sotto, Vico Sotto, Paulina Sotto at Tali Sotto. Si Pauline Luna ang kasalukuyang asawa ni Bossing Vic Sotto.

 

Tunay na isang kilalang tanyag na personalidad si Vic Sotto sa iba’t-ibang larangan ng pag-arte at pagpapatawa. Anupat dumami ang mga tagahanga nito na siyang naging dahilan ng lalo nitong pagtangkilik ng mga kayamanan. Narito ang ilan sa mga nasaliksik naming mga pagmamay-ari ni Bossing Vic Sotto.

 

1.  M-Zet Production

Si Vic Sotto ay nagmamay-ari ng isang film at TV production company na nag proproduce ng mga pelikulang halos lahat ay kinagiliwan at tinangkilik ng publiko. Ilan sa mga pelikulang na iproduce ng M-Zet production ay Si Agimat at si Enten Kabisote, The Kilabots Pogi Brothers, Ang darling Kong Aswang, Dobol Trobol: Lets Get Redi 2 Rambol at maging ang serye ng Enteng Kabisote.

 

Kung iisa-isahin ang mga kinita ng pelikulang gawa ng kanyang production ay talagang malulula ka higt lalo na at karamihan sa mga ito naging blockbuster sa mga sinehan.

 

2. Ferrari FF

 

May sasakyang Ferrari FF si bossing na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa $295,000 o higit sa 14 million pesos.

3. Audi Q3

Nagmamay-ari rin si Bossing Vic ng sasakyang ODQ3 na ang halaga ay humigit kumulang naman sa $32,900 dollars o higit sa 1.5 milyon pesos. Binilhan rin ni Vic Sotto ang anak na si Paulina bilang kanyang regalo graduation nito noong 2015.

 

4. Mustang

 

Sikat na sasakyan rin ng mga mayayaman ang Mustang na kung saan ay napabalitang nagmamay-ari rin si bossing ng ganitong sasakyan. Ang Mustang ay aabot ang halaga sa $37,195 dollars o higit sa 1.7 milyon pisos.

 

5. Jaguar

Dagdag pa sa listahan ng mga sasakyan ni Bossing ang isang Jaguar na nagkakahalag mula $51,100 hanggang $71,800 dollars o aabot sa 3.5 milyon pesos.

 

6.  2-Storey Glass House in Laguna

Nagmamay-ari rin ang mag-asawa ng 2-storey house sa Laguna. Makikita ang napakagandang desenyo mula sa harapan ng bahay, ang napaka komportabling Living Room, ang napakagarang Dining Area, ang Napaka modernong gamit sa kanilang Kitchen.

 

May roon din itong dalawang guest rooms at guest bathroom. Napakaganda rin ng veranda nito at ang simple ngunit eleganting swimming pool.

Maraming pang mga properties si Bossing Vic Sotto na hindi pa ipinapaalam sa publiko.

Itinuring si Vic Sotto bilang ika anim na pinakamayamang Pinoy Celebrity sa bansa dahil sa kanyang networth at kamangha-manghang mga properties. Tinatayang aabot sa 200 milyon hanggang 400 milyon pesos ang networth ni Bossing Vic Sotto.

 

Magsubscribe na sa channel na ito kung hindi ka pa nakapagsusubscribe para sa mga ganitong uri ng videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


MGA ARI ARIAN NI ROBIN PADILLA- GAANO NGA BA SIYA KAYAMAN


MGA ARI-ARIAN NI ROBIN PADILLA- GAANO NGA BA SIYA KAYAMAN?

 

Isang kilalang actor si Robin Padilla na sumikat dahil sa kanyang maaaksiyong pelikula na talaga naman kinahiligan ng maraming mga manonood.

 

Siya ay isa ring Film Director, screenwriter, producer, at isang martial artist.

Si Robin ay isinilang sa Daet, Camarines Norte noong 1969.

 

Nakilala siya bilang Bad Boy ng Philippine Cinema at bumida sa mga pelikulang Anak ni Baby Ama, Bad Boy , Bd boy 2, at Grease Gun Gang.

Gumanap rin siya sa mga palaba pantelebisyon gaya ng Asia Treasures, Totoy Bato, Guns and Roses, Toda Max at Joaquin Bordado.

 

Ang kanyang ama ay isang film director at dating vice -governor. Ang kanyang ina naman ay isang actress. Sina Romel at Rustom ang kanyang dalawang kapatid.

 

Si Mariel ang kasalukuyang asawa ni Robin matapos na makipaghiwalay sa kanyang dating asawang si Liezl Singcangco. Pito ang naging anak ni Robin mula sa kanyang tatlong babaing minahal. Ito ay sina Camille Garcia, Queenie Padilla, Kylie Padilla, Zhen-Zhen Padilla, Ali Padilla, Isabella Padilla at Gabriela Padilla.

 

Batay sa celebrity networth. Com ay tinatayang aabot sa $25 million dollars ang kabuuang kayamanan ni Robin o aabot sa higit sa 1,200,000,000 pesos sa ating pera.

 

Narito ang ilan sa mga ari-arian ni idol Robin Padilla.

 

1. 1986 AM General M998 Humvee

 

Ang sasakyang ito ay isang uri ng military truck at utility vehicle na gawa ng AM General na nakabase sa South Bend, Indiana. Naging uso ang paggamit ng sasakyang ito noong Gulf War noong 1991 kung saan ito ay mainam gamitin sa mga desyerto. Ito rin ang naging inspirasyon sa mga paggawa ng mga makabagong Hummer versions sa kasalukuyan. Umaabot sa $252 thousand dollars ang presyo ng sasakyang ito noong 2019 o higit sa 12 milyon pisos.

 

Noong 2017 ay napabalitang ibinebenta ni Robin ang kanyang Humvee para itulong sa mga naging biktima ng Marawi Siege.

 

2. RV Bus

 

Kasama ng kanyang Humvee ay naipost din ni Robin sa kanyang Instagram ang kanyang RV bus upang ibenta rin pandagdag sa malilikom na halaga upang itulong anya sa mga biktima ng nasabing trahedya.

Ang RV bus na ito ay may sariling bedroom, entertainment room, Kitchen, Comfort Room at Jacuzzi.

 

Ang average cost ng Class A RV bus ay nasa $50,000 hanggang $200,000 dollar o aabot sa lagpas sa siyam na milyong piso.

 

3.    H350

Bagaman tila isang advertisement video ang naipost ni Mariel sa kanyang Instagram ay kinumperma ng actress na isang malaking blessing muli para sa kanila ang makabili ng brand new luxury car na Hyundai H350. Nabili ng aktor ang nasabing malaking sasakyan mula sa branch ng  Hyundai  sa Alabang. Ang Hyundai H350 ay nagkakahalaga ng higit sa 2.7 milyon pesos.

 

4. Apartment Para sa mga Katulong

Sa isa sa mga vlogs ni Mariel Padilla sa kanyang YouTube Channel ay ipinakita niya ang pabahay na ginawa nila para sa kanilang mga katulong.

Ang gusaling ipinagawa nina Robin at Mariel ay may pitong magkakatabing bahay. Dawalang palapag ang bawat bahay. Tinawag ni Mariel itong The House of Us sa kanyang vlog. Ito ay pasasalamat ng mag-asawa sa kanilang matatapat at mapagmahal na katulong.

 

5. Mariel’s Glam Three-bedroom Condo

Bago paman naging mag-asawa sina Robin at Mariel ay mayroon na itong naipundar na three bedroom condominium unit. Matatagpuan ang nasabing condo sa Greenbelt 5 sa Makati City.

Mayroon itong isang maliit na chandelier, living area, entertainment area, dinning area, at iba pang magagandang desenyo.

Bagaman hindi ito bahagi ng ari-arian ni Robin ngunit isa na rin ito sa maituturing na kayamanan ng mag-asawang maipamamana nila sa kanilang mga anak.

 

6. Expensive House with Expensive Swimming Pool inspired by Venice Grand Canal

 

Ipinakita ni Mariel sa kanyang Instagram ang isang napaka lawak na swimming pool sa kanilang napakalaking bahay bilang bahagi ng kanilang family bonding kasama ang kanilang anak na si Isabella.

Maliban sa Venice Grand Canal inspired swimming pool ay nagpagawa rin si Robin ng isang Giant Playground. Ang playgroung na ito ay ipinagawa ng mag-asawa noong 2018 para sa baby shower na naenjoy naman ng maraming mga maliliit na bata.

Matapos na mabigyan si Robin ng Absolute pardon ng Pangulong Duterte ay na appoint ito bilang bagong  Philippine Army Communication Panel Chief.

 

Yan nga mga kasama ang ilan lamang sa ari-ariang naibahagi ng mag-asawa. May mga properties pa ang mag-asawang hindi pa inilalantad sa publiko.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kagaya nito. Maraming salaamat sa inyong panonood.


 

 

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...