KILALANIN ANG ANAK NI ROMY DIAZ


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ROMY DIAZ

 

Maaring pamilyar ka sa kanyang tawang nakakatuwa pakinggan. Siya ay si Jose Romeo Diaz sa totoong buhay o mas pamilyar sa atin bilang si Romy Diaz. Ipinanganak siya noong November 28, 1941.

Kilala siya sa pagiging kontrabida sa maraming pelikula at madalas ay palagi silang magkasama ng kanyang kapatis na si Paquito Diaz. Ang kanilang ama ay isang Mexican American.

 

Bago pumason sa pagiging artista si Romy ay  naglalaro ng Basketball sa kupunan ng FEU Tamaraws. Naglaro rin siya sa Crispa Redmanizers at Ysmael Steel Admirals noong 1960s.

 

Ang unang pelikulang nagawa ni Romy Diaz ay ang Buhay Na Manika noong 1971. Sinundan ito ng Fight Batman Fight noong 1973 at Bato sa Buhangin noong 1976. Aabot sa limampung pelikula ang kanyang kinabilangan at ang huli sa mga ito ay ang Alamat ng Lawin noong 2002.

Nagkaroon ng isang anak na lalaki si Romy Diaz na ang pangalan ay si Sieg Diaz. Sa aming munting pananaliksik, ay kasalukuyang nagtatrabaho si Sieg sa Clariant sa Auckland, New Zealand. Si Siege ay nasa 44 na taong gulang na sa kasalukuyan at mayroon na ring asawa at mga anak. Nagtapos si Sieg ng kanyang pag-aaral sa Far Eastern University.

 

Madalas ding gayahin si Rommy Diaz sa kanyang estilo ng pananalita at pagtawa. Ilan sa mga ito ay talagang kinagiliwan ng mgaraming netizen.

 

Pumanaw si Romy Diaz dahil sa kanser sa dila dahil sa labis na paninigarilyo noong May 10, 2005 sa edad na animnaput-tatlo. Nawala siya limang buwan matapos na pumanaw rin ang aktor na si Fernando Poe Jr.

Inaanyayahan po namin kayong maging bahagi ng aming munting channel. Magsubscribe na po kayo para palagi po kayong makatanggap ng mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat po na napakarami sa inyo mga kasama.

 

KILALANIN ANG MGA ANAK NI ALLAN CAIDIC


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ALLAN CAIDIC

 

Si Allan Caidic ay ipinanganak noong June 15, 1963, sa Pasig, Rizal. Siya ay isang retired professional basketball player ng PBA. Itinuring siyang pinakamagaling na shooter sa bansa kaya’t tinagurian siyang “The Triggerman”

Naglaro siya sa kolehiyo sa University of the East bago sumali sa PBA noong 1987, kung saan nalampasan niya ang maraming PBA records kasama na ang pinakamaraming puntos na naiskor sa isang laro, ang may pinakamaraming magkasunod-sunod na freethrows na ginawa, at ang maypinakamaraming three-points sa isang laro na kalaunan ay nalampasan naman ni Jimmy Alapag.

Nakipaglaro siya sa maraming koponan ng PBA at nagwagi ng maraming mga kampeonato. Naglaro siya para sa koponan ng pambansang basketball sa Pilipinas kasama ang 1998 Philippine Centennial Team.

 

Habang nasa liga, siya ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na three-point shooters sa Asya. Kinilala ng pinagmamalaking koponan ng pambansang basketball ng China ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng palaging pagpapaalala sa kanilang mga manlalaro na magbantay sa "Philippine No. 8", na tumutukoy sa regular na jersey number ni Allan habang naglalaro para sa National Team.

 

Dalawa lamang ang naging anak ni Allan kanyang asawa. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1.  Mariel Clarisse Caidic

Ipinanganak si Mariel noong taong 1991. “A simple Girl with dreams bigger than myself” Ito ang paglalarawan ni Mariel sa kanyang sarili.

Mahilig din si Mariel mamasyal sa iba’t-ibang lugar gaya ng Batangas, Puerto Galera sa Mindoro, San Fernanda La Union, Crystal Beach ng Zambales, Vigan Ilocos Sur at maging sa ibang bansa gaya ng Japan. Napakahilig din niyang maligo sa mga beach.

Si Mariel nagtatrabaho bilang Human Resource Business Partner ng Zalora group.  Dati siyang nagtrabaho sa Human Resource ng Petron Corporation at Supervisor ng Uniqlo Philippines.

 

2. Marla Celina Caidic

Si Marla ay nasa 27 taong gulang na sa kasalukuyan. Nagtapos siya sa University of Santo Tomas at mahilig din siyang maglaro ng volleyball. Mahilig din siyang manoong ng larong basketball at ang kanyang ama ang tunay na itinuturing niyang idol sa mundo ng basketball.

 

Magsubscribe sa aming channel para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin ang iba pa naming mga video sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ALVIN PATRIMONIO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ALVIN PATRIMONIO

 

Si Alvin Vergara Patrimonio ay ipinanganak noong Nobyembre 17, 1966. Siya ay isang retiradong propesyonal na manlalaro ng basketball mula sa Philippine Basketball Association o PBA at naging tagapamahala ng koponan para sa Magnolia Hotshots.

 

Siya ay nakasungkit ng maraming PBA Records gaya ng paglaro ng magkakasunod na umabot ng 596 plays, third most point scored sa buong kasaysayan ng PBA, fourth most rebound, at second player-Most PBA Valuable Player award.

 

Dahil sa naghahanap noon si Alvin ng isang pagkakataon na maglaro sa basketball upang madiskubre ang kanyang talento, ay lumipat sa Intramuros-based Mapúa Institute of Technology. Doon, nagtapos siya ng isang degree sa Civil Engineering at nakakitaan siya ng aksyon para sa paglalaro sa Mapúa Cardinals sa NCAA. Naglalaro siya bilang sentro ng koponan mula 1983 hanggang 1986.

Nanalo siya ng NCAA Most Valuable Player award back-to-back noong 1985 at 1986.

 

Pagkatapos ay lumipat siya sa RFM-Swift nang mag-disband ang Elizalde Ballclub matapos itong manalo ng dalawang kampeonato sa tatlong kumperensya mula 1986-87.

Si Alvin ay nagkaroon ng two-conference stint kasama ang Swift Hotdogs at nagwagi ng isang titulo bago sumali sa PBA sa kalagitnaan ng 1988 season.

Siya ay pumasok sa PBA noong 1988 kasama ang Rookie of the Year na si Jojo Lastimosa, many-time Mythical Team at Best Defensive Team member  na si Jerry Codiñera at ang Best Defensive Team na si Glenn Capacio.

Siya ay isa sa mga iniidolong manlalaro ng basketball sa Pilipinas, at masasabing pangalawang pinakatanyag na manlalaro na sumunod sa "Living Legend" na si Robert Jaworski.

 

Si Alvin ay kasal kay Cindy Patrimonio at nagkaroon sila ng apat na anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Angelo Patrimonio

 Si Angelo ang panganay na anak ni Alvin at Cindy. Siya ay isang aktor at basketball player gaya ng kanyang ama.

2007 ay na injured tuhod ni Angelo dahil sa paglalaro ng basketball at kailangang lagyan ng bakal ang kanyang paa kaya’t mahigit sa tatlong buwan siyang nagpagaling.

 

Sa kabila ng nangyari sa kanya, desidido pa rin si Angelo na lampasan ang basketball achievements ng ama niya na naging four-time Most Valuable Player (MVP) ng Philippine Basketball Association (PBA).

Pero habang nagpapagaling pa siya nang husto, pag-aartista muna ang hinaharap niya.

Maaring naalala mo pa ang eksenang ito sa The Killer Bride. Siya lang naman ang gumanap noong na Ivan sa nasabing palabas.

Napaka sweet naman ng naging proposal ni Angelo sa kanyang model girlfriend na si Jasmine dahil ginawa niya ito sa isang fashion show.

 

2. Tin Patrimonio

Si Anna Christine Patrimonio ay isang tennis player, model, actress at napabilang sa reality shoe ng ABS CBN na Pinoy Big Brother: unlimited.

Si Tin ay isang college varsity player na nakabilang sa National University Lady Bulldogs. Sa halip na sundan ang yapak ng kanyang ama sa paglalaro ng basketball ay tennis ang larong naging paborito ni Tin. Nagsimula siyang maglaro nito sa edad na 12. Dahil sa husay niya sa paglalaro ng tennis ay makatlong ulit niyang pinanalo sa UAAP Tennis Championship ang Lady Bulldogs. Naging MVP siya sa UAAP Season 78 ng women’s lawn tennis tournament.

Taong 2011 naman nang sumali si Tin sa PBB Unlimited. Siya ang ikalawang athlete na pumasok sa bahay ni kuya gay ani Tricia Santos. Na evict si Tin sa ika 148 araw sa bahay ni kuya at hindi pinalad na makabilang sa Big 4.

Napabilang si Tin sa isang Indie Film na Gabriela noong 2013 bilang si Gabriela Silang. Dito ay nakasama niya si Carlo Aquino bilang si Diego.

3. Clarice Patrimonio

Gaya ni Christine ay isa ring tennis player si Clarice. Sa paglalarawan ng kanyang coach. Sinabi nitong, si Clarice ay na maaring painakamagaling na manlalaro ng Philippine Women’s Tennis na Nakita niya sa lumipas na isang dekada.

Dagdag pa ng kanyang coach, si Clarice anya ay isang manlalarong lumalabas lamang sa loob ng 20 hanggang 30 taon. Ang kanyang galing ay tunay na nasa kanyang pagkataon.

Kung si Tin anya ay maikukumpatang napakalapit sa galing ng kanyang amang si Alvin, si Clarice naman ay ang mismong version ng amang si Alvin.

Bagaman parehong  magaling maglaro ang dalawang magkapatid sa paglalaro ng Tennis ay hindi anya maikukumpara ang paraan ng kanilang paglalaro.

Nagtapos si Clarice ng kursong Hotel and Restaurant Management.

Ngayon ay isa na siyang ganap na ina sa kanilang anak ni Jobe

 

4. Asher Patrimonio

Si Asher ang bunsong anak ni Alvin at Cindy. Halatang mahilig mag-alaga ni Asher ng aso dahil sa halos ito ang laman ng kanyang Instagram account. Patuloy na nag-aaral pa si Asher.

 

Magsubscribe sa aming channel para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Bisitahin ang iba pa naming mga video sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ROBERT JAWORSKI JR


KILALANIN ANG MGA ANAK NI ROBET JAWORSKI JR AT  MIKEE COJUANGCO

 

Si Robert Bautista Jaworski Jr. ay isang Filipino Politician at dating basketball player. Nanilbihan siya bilang myembro ng House of Representative sa Distrito ng Pasig mula noong 2004 hanggang 2007.

 

Naging bahagi siya noon ng PBA team ng Ginebra San Miguel sa taong 1995. Nakasama niyang maglaro ang kanyang amang si Robert Jaworski Sr, na kalaunan ay naging basketball coach.

Magkasama silang nanalo sa isang laro noon sa PBA Commissioner’s Cup noong 1997 na naglaro sa kupunan ng Gordon’s Gin Boars.

 

Pagkatapos noong ay naglaro naman sila sa Ginebra San Miguel mula 1995 hangang 1998. Sila ang tanging mag-amang magkasabay na naglaro at nagretiro noong 1999.

 

Dahil sa katanyagan ng kanyang pangalan at sa pagnanais na magsilbi sa taong bayan ay sinimulan noong ng Robert na pasukin ang mundo ng politika nang tumakbo ito bilang councilor sa munisipyo ng San Juan sa edad na 23.

 

Taong 1998 naman ay nagsilbi siyang Chief of Staff sa tanggapan ng kanyang amang senador sa loob ng anim na taon bago siya nahalal bilang congressman sa distrito ng Pasig City noong 2004.

 

Nang matapos niya ang kanyang termino sa pagiging congressman noong 2007 ay muling tumakbo si Robert bilang Mayor ng Pasig. Si Bobby Usebio ang isa sa mga naging kalaban ni Robert sa eleksiyon. Sa unang bahagi ng bilangan ay nanguna si Robert ngunit sa bandang huli ng ay nalamangan siya ni Bobby sa bot at siya ay natalo.

 

Si Mikee Cojuangco ang naging asawa ni Robert. Si Mikee ay isang artista, television host at equestrienne.

 

Pinagkalooban ng tatlong anak na lalaki ang mag-asawa. Ito ay sina Robbie Vincent Anthony Jaworski III, Rafael Joseph Jaworski, at Renzo Mikael Jaworski

 

Ang panganay niyang anak na si Robbie ay nasa 21 taong gulang.

Kamailang lamang ay naging internet sensation si Robbie. Bumuhos ang samo’t saring komento at papuri ng mga netizens online na talagang pinuna ang kagwapuhan ni Robbie.

 

Habang ang kanyang pangalawang anak na si Raf ay 19 taong gulang. Kamakailan lamang ay nag post si Mikee ng graduation picture ni Raf. Si Raf ay nagtapos sa Brent Internationa School sa  Maynila. Maligayang maligaya naman si Mikee dahil sa naabot ng kanyang anak. Wala anyang mapagsidlan ang kanyang tuwa sa naabot na milestone ng kanyang anak.

 

Ang bnsong anak naman nilang lalaking si Rezo ay nasa 13 taong gulang pa lamang.  Inilarawan ni Robert si Renzo bilang pinaka creative sa halos lahat ng bagay. Bahigii si Renzo ng Brent School Track and Field Team.

 

Hindi man madalas na magbahagi ng larawan si Mikee sa kanyang mga social media accounts ay makikita naman solido parin ang mga taga suporta at taga hanga ng aktres.

 

Magsubscribe na sa aming channel para sa mga videong kagigiliwan niyong panoorin. Salamat ng napakarami sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI GARY ESTRADA

KILALANIN ANG MGA ANAK NI GARY ESTRADA

 

Si Gary Jason B. Ejercito o mas kilala natin bilang si Gary Estrada ay ipinanganak noong Mayo 16, 1971. Siya ay isang artistang gumaganap sa telebisyon at mga pelikula sa Pilipinas. Naging Board Member din siya ng ikalawang distrito ng Quezon mula noong June 2010 hanggang 2016.

 

Si Gary ay kapatid ng isa pang dating Viva Star na si Kate Gomez. Pamangkin siya ng dating pangulong Joseph Estrada.

 

Siya ay dating nakakontrata sa Viva Films kung saan nakagawa siya ng mahigit dalawang dosenang pelikula. Ilan sa mga peliklang kinabilangan niya ay El Presidente, Sa Piling ng mga Belyas, You and Me Against the World at Gising na si Adan.

 

Naging aktibo rin siya sa mga palabas sa telebisyon gaya ng The Stepdaughters, Alyas Robin Hood, Carmela, at sa Paraiso Ko’t Ikaw.

 

Minsan na rin siyang na-link kay Donita Rose at ngayon ay may sarili ng pamilya. Kasal siya kay Bernadette Allyson mula noong 2001 at nagkaroon sila ng apat na anak. Tatlo ang babae at isa ang lalaki. Narito’t kilalanin natin ang kanilang mga anak.

 

 

1. Kiko Estrada

Si Kiko ay isa ring magaling na aktor gaya ng kanyang ama. Ipinanganak siya noong hunyo 4, 1995. Siya ay nasa 25 taong gulang na.

 

Si Kiko ay hindi lamang nagtataglay ng magandang itsura ngunit nagtataglay rin ng mga nakakabilib na mga talento. Ito ang dahilan sa likod ng kanyang katanyagan at tagumpay.

 

Nagsimula siya sa telebisyon noong taong 2011. Simula noon, hindi pa siya nawawalan ng papel sa telebisyon o pelikula. Walang alinlangan na ang mga tagahanga ni Kiko ay gustong malaman ang mahika sa likod ng kanyang tagumpay.

 

Una siyang nag-aral sa Colegio San Agustin. Nang matapos niya ang kanyang high school, nag-aral siya sa College of St. Benild. Napunta si Kiko sa showbiz industry dahil na rin sa kanyang mga  magulang. Si Kiko ay anak ni Gary Estrada sa dating partner nitong si Cheska Diaz  na kapatid naman ni Joko Diaz.

 

Mula 2015 ay tatlong babae ang napabalitang naging kasintahan ni Kiko. Kabilang rito ay sina Kim Rodriquez noong 2015, Barbie Forteza noong 2016, at noong 2018 naman ay kay Devon Seron.

 

 

2. Garielle Bernice Ejercito

Totoo nga ang kasabihang kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Dahil kitang -kita kay Icee ang gandang namana niya sa kanyang mga magulang. Mahilig si Icee sa paglalaro ng softball. Sa katunayan noong nag guest siya sa show ni Regine Velasquez na Sarap Diva ay ipinakita niya sa kanyang mga manonood kung paano siya humawak ng baseball bat.

Lubos na ikinatuwa ng mga netizens at televiewers ang napakagandang mukha ng dalaga na pinaghalong mukha ni Garry at ng ina nitong si Bernadette.

Mas close si Icee sa kanyang amang si Gary dahil sa ito ang madalas na kasama niyang maglaro ng softball. Halos nakuha naman daw umano ni Icee ang karamihan sa katangian ng kanyang ama.

 

Nagtapos si Icee ng kanyang Grade 10 sa Saint Pedro Poveda College noong 2018 at ngayong taon ay nasa kolehiyo na ito.

 

3. Garianna Beatrice Ejercito at Gianna Bettina Ejercito

Sina Garianna at Gianna ang dalawa pang anak na babae ni Garry at  Bernadette. Gaya ng kanilang ate Icee ay kakikitaan din ng mga magagandang mukha ang dalawa na totong kinagigiliwan rin ng mga netizen kahit sa sila ay nasa kanilang mga kabataan pa lamang.

 

Hilig ng pamilya ang mga travel sa iba’t-ibang lugar gaya ng pagbisita nila sa Bohol, Boracay, at maging sa ibang bansa gaya ng Paris.

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI BENJIE PARAS


KILALANIN ANG MGA ANAK NI BENJIE PARAS

 

Si Venancio Johnson Paras, Jr. na mas kilala sa pangalang Benjie Paras, ay isang retiradong basketbolistang Pilipino na naglaro ng labing apat na taon sa koponan na Shell Turbo Chargers at isang taon bilang miyembro ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association.

Siya ang kaiisa-isang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nagwagi ng Rookie of the Year at Most Valuable Player sa isang season, ginawa nya ito noong 1989.

Si Paras ay naglaro ng hayskul basketbol bilang miyembero ng San Beda Red Cubs. Dahil sa pinamalas na galing nito nung hayskul nirecrut sya ng Unibersidad ng Pilipinas na maglaro sa kanilang koponan, na noon ay tinatawag na UP Parrots at ngayon ay Fighting Maroons.

Sa isang laro pinakita ni Paras ang kanyang pagiging dominante sa pag-iskor ng 19 puntos, 17 rebounds at 7 blanka laban sa Far Eastern University.

Noong 1986 dinala ni Paras ang UP sa UAAP Basketbol Finals laban sa University of the East na pinangungunahan ni Jerry Codiñera.

Sa tulong ni Banjie nasungkit ng UP ang una nilang kampeonato sa larangan ng basketbol mula pa nung bago pa mag-ikalawang digmaan pandaigdig.

Kinuha siya ng koponan na Shell nung 1989 PBA Draft, at binansagang The Tower of Power dahil sa kanyang mga post moves, ball handling, mga dunks, pagblanka ng mga tira, at isang desenteng jump shot.

Binuhay niya ang Shell at dinala ito sa isang laban sa kampeonato laban sa San Miguel Beermen, ngunit sila'y natalo.

Dahil sa pinamalas na husay nanalo siya ng ' 89 Rookie of the Year Award at nasapawan din niya ang ibang beterano ng liga at siya'y nanalo ng '89 Most Valuable Player Award. Sa ngayon si Paras pa lang ang nakagawa nito sa PBA.

Dalawa ang naging asawa ni Benjie Paras. Ito ay sina Jackie Forster mula 1994 hanggang 2003 at si Lyxen Diomampo mula naman noong 2006.

Apat ang naging anak ni Benjie Paras. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Kobe Paras

Sino ang hindi nakakakilala sa pangalang Kobe Paras pagdating sa mundo ng basketball? Tunay na dumadaloy sa sugo ng mga Paras ang husay sa pagbabasketball. Si Kobe ay isinilang noong September 19, 1997.

Si Kobe ay isang manlalaro ng UP Fighting Maroon. Myembro siya ng Philippine Men’s National Basketball at Philippines Men’s National 3x3 Team.

 

Naglaro din siya noon sa University of California, sa Los Angeles ngunit hindi siya nagpatuloy dahil sa hindi niya naabot ang academic requirement ng paaralan. Kaya’t noong July 2016 naglaro si Kobe sa Creighton, at noong May 2017 naman ay  sa Cal State Northridge at noong 20118 ay sa University if the Philippines sa UP Fighting Maroons. SI Kobe ang tumulong sa UP Fighting Maroons para makakuha ng tatlongmagkakasunod na panalo.

 

2. Andre Paras

Si Andre Paras ay ipinanganak naman noong Nobyembre 1, 1995. Siya ay isang aktor, modelo, at basketbolista sa ating bansa.

Ipinanganak si Andre sa Los Angeles California.  Sa panahon na nag-aaral siya ng High School ay naglaro siya para sa La Salle Greehills at sa UP Fighting Maroons naman nong nag kolehiyo na ito.

Taong 2014 naman ay lumipat si Andre mula sa UP patungong San Beda College sa kagustuhan nitong maglaro sa San Beda Red Lions at dahil na rin anya sa di niya kayang balansihin ang kanyang oras sa pag-aaral at pag-aartista. Bagaman pangarap niyang magtapos sa UP ay kinakailangan din niyang i prioritise ang kanyang acting career na nooy lumalabas siya sa The Half Sisters,

Ilan sa mga nagawang pelikula ni Andre ay Diary ng Panget, Overtime, Your Palce of Mine?, Wang Fam at Girlfriend for Hire.

 

Lumabas din siya sa mga palabas pan telebisyon na Maynila, Let the Love Begin, That’s My Amboy at maging sa Encantadia.

 

 

3. Sam Paras and  Riley Paras

Sina sam at Riley ay mga anak ni Benjie Paras kay Lyxen Diomampo. Daddy Totoy, ito ay tawag nina Sam at Riley sa kanilang amang si Benjie.

 

Sa ngayon, si Benjie  ay lumalabas bilang artista sa telebisyon at mangilan-ngilang pelikula. Naging Host din sya sa isport show na Finish Line.

 

Magsubscribe na sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin patungkol sa inyong mga iniidolo. Panoorin din ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Salamat sa inyong panonood.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI MARK GIL


KILALANIN ANG MGA ANAK NI MARK GIL

 

Si Raphael John "Ralph" Gil Eigenmann na mas kilala sa kanyang screen name na Mark Gil, ay isa rin sa mga batikang aktor sa mga pelikulang Pilipino.

Gaya nina Dindo Arroyo, Dick Israel at  Bembol Roco, si Mark Gil ay madalas din na itinanghal bilang pangunahing kontrabida sa mga maaaksiyong pelikula.

Si Mark Gil  ay mas nakilala sa kanyang pagganap ng papel bilang Amerikanong amo at mamatay ni Lorna Tolentino sa drama-suspense thriller ng The Elsa Castillo Story.

Lumabas din siya sa maraming drama serye, na ang huli ay ang drama sa ABS-CBN na The Legal Wife, na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Jericho Rosales.

Si Mark Gil ang pangalawang anak ng mga batikang aktor na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Sina Michael de Mesa at Cherie Gil ang kanyang mga kapatid.

 

Apat ang naging babae sa buhay ni Mark Gil. Dalawa sa mga ito ay kanyang pinakasalan. Mula sa apat na mga babae ay nagkaroon siya ng pitong anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Gabby Eigenmann

Labing anim na taong gulang pa lamang noon si Mark Gil nang mabuntis niya ang actress  na si Iren Celebre. Si Gabby ang panganay na anak ni Mark.

Si Gabby ay isa ring aktor at mang-aawit. Ilan sa mga palabas na kinabilangan ni Gabby ay Seven Sundays, Tinig ng Panalangin, My Love from the Star, Contessa at maraming pang iba.

Bagaman lumaki siya sa isang kilalang pamilya ng mga artista, minsan ding pinagsisisihan ni Gabby ang paglaki na hindi buong ang pamilya.

Ang pagpasok sa mundo ng showbusiness ay wala noon sa kanyang isip at sa halip ay ang maging isang piloto o isang negosyante, o kaya ay magmay-ari ng isang restawran.

Kumuha siya ng kursong Hotel at Restaurant management sa OB Montessori.

Sinimulan niya ang kanyang karera sa showbiz sa edad na 16. Siya ay nakabilang sa teen starts ng Regal Films kasama ang mga Gwapings at iba pang mga grupo ng mga batang artista.

 

2. Ira Eigenmann

Si Ira ang pangalawang anak ni Mark Gil sa kay Iren Celebre. Isa rin siyang aktres.

Noong 2008 ay nagkaroon ng malaking isyu ang aktres nang lumabas online ang kanyang mga hubad na larawan. Ang boyfriend daw umano ni Ira ang nagpakalat ng nasabing mga larawan.

Ngunit itinanggi naman ito ng aktres maging ng kanyang kuya gabby at ng ina nitong si Irene.

 

 

3. Kylie Celebre

Si Kylie ay ang isa pang anak ni Mark Gil kay Irene Celebre. Siya ay isang trans woman. Noong Decembre 2018 ay napili siya bilang isa sa transgender women na tampok sa online video ad campaign ng isang popular brand ng shampoo.

Bilang isang part-time actress, social-media influencer at makeup expert, malaking karangalan daw para kay Kylie na pinagkatiwalaan siya ng shampoo brand.

 

At higit sa lahat, ikinatuwa niya ang pagpapahalagang ibinigay sa lesbian, gay, bisexual, at transgender community.

Ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang paggawa ng makeup tutorials sa kanyang YouTube vlog.

 

4. Sid Lucero

Si Timothy naman na mas kilala bilang si Sid Lucero ay ang panganay na anak ni Mark sa kanyang asawang si Bing Pimentel.

Si Timothy Mark "Tim" Pimentel Eigenmann ay ipinanganak noong Marso 12, 1981. Siya ay isang ring aktor sa telebisyon at mga pelikula. Nanalo siya Best Actor award para sa kanyang tungkulin sa Selda.

Ang pangalang Sid Lucero, ay kinuha mula sa bida ng pelikula Batch 81 ginampanan ng kanyang amang si Mark Gil.

 

 Nagsimula ang kanyang karera sa pag-arte noong 2004 sa GMA-7 na Hanggang Kailan. Hindi nagtagal ay nakuha niya ang lead role sa fantaserye ng ABS-CBN na Krystala.

Ang kanyang unang parangal sa pag-arte ay ibinigay ng Golden Screen sa Donsol para sa Pinakamahusay na Breakthrough Performance ng isang Actor.

 

5. Maxine Eigenmann

Si Max ay ang pangalawang anak ni Mark sa kanyang asawang si Bing Pimentel. SIya ay isa ring aktres nalumabas sa mga pelikulang Verdict noong 2019, Kulay Lila ang Gabi na binudburan ng mga Bituin noong 2017, at Ned’s Proejct noong 2016.

6. Andi Eigenmann

Si Andi Eigenmann ay isang artista sa Pilipinas. Nag-umpisa siya sa dulang Prinsesa ng Banyera, at naging housemate din siya sa PBB: Teen Edition Plus noong 2008. Siya ay gumanap din bilang Agua o Bendita Cristi sa Soap Opera na Agua Bendita.

Nagtapos sya ng elementarya noong 2003 at High School noong 2007 sa Miriam College sa Katipunan sa Lungsod Quezon. Ipinagpatuloy niya ang kanyang College education sa St. Benilde sa Taft, Lungsod Maynila. Kumuha siya ng Kurso sa fashion design.

Si Andi Eigenman ay anak ni Mark Gil sa aktress na si Jaclyn Jose.

 

 

7. Stephanie Cheri Jacinto Eigenmann

Nag-asawa muli si Mark Gil moomg 1996. Si Maricar Jacinto ang kanyang naging pangalawang asawa. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng isang anak na babae na si Stephanie.

 

Si Mark Gil ay pumanaw noong Setyembre 1, 2014, na may edad na 52, dahil sa liver cirrhosis.

 

Bagaman nakilala natin siya bilang isang kontrabida, ngunit para sa kanyang mga anak at apo. Siya ang tunay na bida ng kanilang mga buhay.

 

Magsubscribe sa na sa aming channel para sa mga ganitong videos. Bisitahin rin ang aming mga playlist na inihanda para sa inyo. Samalat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI RICARDO CEPEDA


KILALANIN ANG MGA ANAK NI RICARDO CEPEDA

 

Si Ricardo Cesar Cepeda Go o sa mas simpleng Ricardo Cepeda ay isang karakter aktor na sumikat mula deka 90 sa mga maaaksiyong pelikula. Kadalasan siyang gumaganap bilang kontrabida, at pagka minsan naman ay kasama ng bida.

 

May lahing kastila ang kanyang ina at may lahing intsik naman ang kanyang ama.

 

Naging aktibo rin si Ricardo sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Decendants of the Sun, Ilustrado, at Asawa ko Karibal Ko.

 

Kasal si Ricardo kay Snookey Serna mula 1992 hanggang 2006. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng dalawang anak na babae. Narito’t kilalanin natin sila.

1. Samantha Cepeda

Nasa 27 taong gulang na si Samantha ngayon. Siya ang panganay na anak ni Ricardo at Snookey. Sa isang interview kay Snookey ay sinabi nitong focused ang kanyang mga anak sa pagpapayaman at sa kanilang career.

 

Hindi man anya sumunod sa yapak nilang mga magulang sa pagpasok sa mundo ng showbiz ang kanyang mga anak, ay mukhang nag eenjoy naman umano ang mga ito na gawin ang kanilang gusto.

 

2. Sachi Cepeda

SI Sachi ang bunsong na anak nina Ricardo at Snooky Serna. Siya ay nasa 24 na taong gulang na sa kasalukuyan. Si Sachi ay isa nang vlogger. Inanunsyo ito ng kanyang misming inang si Snookey Serna.

 

Lumaba rin sa telebisyon si Sachi nang maglaro tio sa Celebrity Bluff kasama ang kanyang ina.

 

Nagkaroon ng Parner si Ricardo na si Marina Benipayo na isa ring artista. Magkasama silang dalawa sa  cast ng  Decendant of the Sun ng Kapuso Network.

Aabot na sa sampung taon ang pagsasama nina Ricardo at Marina.

 

Sa isang interview noon ay inamin ng dalawa na wala pa silang balak magpakasal sa kabila ng matagal na panahon na nilang pagsasama. Ito ay dahil umano sa natatakot silang dalawa dahil sa trauma mula sa kanilang mga nakaraang relasyon sa kani-kanilang mga asawa hindi naging matagumpay.

 

Na develop ang pag-iibigan nina Ricardo at Marina nang magsama sila sa teleserye noong 2011 na “My Binondo Girl.”

May anak naman si Marina na sina Mark at Joshua mula sa kanyang non-showbiz husband.

Magsubscribe sa aming YouTube Channel para sa mga videong gaya nito. Bisitahin ang aming mga playlist para sa iba pang mga video. Salamat sa inyong panonood mga kasama..

KILALANIN ANG MGA ANAK NI PEN MEDINA


KILALANIN ANG MGA ANAK NI PEN MEDINA

 

Si Crispin "Pen" Medina Sr. ay ipinanganak noong Agosto 27, 1950. Siya ay isa sa mga batikang aktor sa bansa na mabilis ding nakilala ng publiko dahil sa kanyang husay sa pagganap sa bawat pelikulang kanyang ginawa.

Siya ay isa sa mga pinakatanyag na artista ng kanyang panahon na kayang gamapanan anuman ang tungkulin maging sa big screen at sa iba`t ibang mga palabas pantelebisyon.

Nanalo siya ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa 33rd PMPC Star Awards para sa Pelikula. Nanali rin siya ng Best Supporting Actor Award sa 62nd FAMAS Awards at ang Best Actor Award sa ika-6 Cinema One Originals Film Festival.  Siya rin ang pangalawang KFC Filipino Colonel.

Ang ilan sa mga pelikulang kinabilangan ni Pen Medina ay Himala noong 1982, Virgin Forest noong 1985, Gangster Lolo noong 2014 at Fruit N Vegetables:Mga Bulakboleros noon namang 2016.

Maadalas mo rin siyang makita sa mga palabas pantelebisyon gaya ng La Vida Lena, 24/1, A Soldier’s Heart, Sahaya, Victor Mangtanggol, at The Cure.

 

Anim ang naging anak ni Pen Medina na karamihan ay nasa mundo ng showbiz. Narito’t kilalanin natin sila.

 

 

1. Karl Medina

Si Karl ang panganay na anak ni Pen. Gaya ng kanyang ama, pinasok rin ni Karl ang mundo ng pag-aartista. Nagsumula siya sa showbiz industry taong 2013 sa isang filmfest entry na may titulong The Guerilla is a Poet.

Sa pelikulang ito nakuha ni Karl ang  unang niyang award bilang best actor dahil sa kanyang husay sa pagganap bilang si Jose Ma. Sison.

Ang pelikulang ito ay sinundan pa ng Bwaya, Tandem and Oda Sa Mga Nangangarap. Hinangaan ng lubos si Karl sa kanyang galing sa pag-arte na tila namana niya sa kanyang batikang aktor na ama. SA katutuhanan ay hindi kumuha si Karl ng anumang acting course kahit sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Industrial Design sa University of the Philippines sa Diliman.

 

2. Ping Medina

Si Ping Medina ay isang kilalang independent film actor sa bansa. Nakilala siya sa pelikula ni Marilou Diaz-Abaya na Jose Rizal kasama ang kanyang amang si Pen Medina na gumanap bilang batang Paciano Rizal.

Noong huling bahagi ng Nobyembre 2016, si pen ay nasangkot sa isang pagtatalo sa kapwa artista na si Baron Geisler.

Inilabas ni Pen ang isang mahabang post sa Facebook na may niya habang nakaupo sa isang wheelchair.

Ayon sa kanyang post, umihi si Baron sa kanya habang kinunan ang isang pelikula sa Subic kung saan nakatali ang kanyang mga kamay at paa at naka tape ang bibig.

Noong 2020, sinabi ni Barob ang kanyang sagot sa Twitter na ginahasa umano ni Ping ang dating niyang kasintahan at ito ang dahilan kaya’t inihian niya si Ping sa isang shooting.

 

3. Alex Medina

Si Alex Vincent Medina ay ipinanganak noong Mayo 26, 1986. Siya ay nakilala rin bilang Alex Medina. Gaya ng kanyang kapartis isa ring aktor si Alex sa mga pelikulang Pilipino at maging sa mga palabas pantelebisyon.

Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa iba`t ibang indie films. Ginampanan niya ang papel ni Diego o Joshua sa soap opera na Ina, Kapatid, Anak.

 

Nagwagi si Alex ng Best Actor Award sa Cinema One Originals Film Festival para sa pelikulang “Palitan.”

Nag-aral si Alex sa San Beda Colllege sa kursong Marketing and Corporate Communications ngunit huminto ito para pagtuunan ng pansin ang kanyang karera sa showbiz industry.

 

Kabilang si Alex sa mga pelikulang Dukot, Heneral Luna, How to be Yours, Camp Sawi at Tayo sa Huling Buwan ng Taon. Ngayon ay kasama si alex na gumaganap sa palabas pantelebisyon na Love you Strangers ng GTV.

 

4. Victor Medina

Gaya ng kanyang mga kapatid at ama, si Victor ay isa ring aktor. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Ani noong 2019, Hello, World noong 2013 at sa isang episode ng Ipaglaban Mo noong 2014.

 

5. Japs Medina

Japs ang nag-iisang anak na babae ni Pen Medina. Di gaya ng kanyang mga kapatid iba ang mundo na pinasok ni Japs. Isa siyang Content Manager sa Seek the Uniq. Isang kompanya na nagbebenta ng iba’t-ibang gamit mula sa mga sapatos, damit at iba pa.

 

6. Damien Zeth Medina

Si Zeth naman ang bunsong anak ni Pen. Nag-aaral si Zeth sa Ateneo Grade School. Ipinakita rin ni Zeth ang kanyang galing sa pagsusulat kaya’t nakuha nito ang 2nd place sa IBON Essay Writing Contest noong 2013.

 

Magsubscribe na sa aming channel para laging kang makapanood ng ganitong mga videos. Bisitahin rin ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Maraming Salamat po sa inyong panonood.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...