KILALANIN NATIN SI ROBERT AREVALO AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Robert Arevalo ay isinilang bilang si Robert Francisco Ylagan sa Dumaguete, Negros Oriental noong Mayo 06, 1938. Isa siyang anak ng Filipino Film Actor, composer at musician na si Tito Arevalo at Guadalupe Francisco.

 

Isa siya sa mga  national artist at award winning movie director at actor sa ating bansa.

 

Nag-aral si Robert sa Legarda Elemetary School at sa San Beda College at Ateneo de Manila ng Business Administration.

 

Nakita natin ang galing ni Robert Arevalo sap ag-arte sa Premiere productions. Una siyang lumabas sa pelikulang Huwag Mo Akong Limutin noong 1960 ngunit ang pelikulang ito ay na banned sa ating bansa dahil sa immoral na tema anya nito.

 

Nagtrabaho rin siya sa advertising agency at maging sa channel 5 noong panahon ng martial law.

 

Maliban sap ag-arte ay naging isa rin siyang anchor ng ABS CBN na Balita Ngayon kasama sina Mel Tiangco.

 

Napangasawa ni Robert Arevalo ang Sampaguita picture actress na si Barbara Perez. Nagkaroon sila ng tatlong anak. Ito ay sina Anna, Georgina at Christina Ylagan. May kanya kanya na ring sariling pamilya ang mga anak ni Robert Arevalo. At mayroon na rin siyang mga apo mula sa mga ito.

 

 

Ilan sa mga bagong peliklula na nakasama si Robert ay sa palabas na Ang Larawan noong 2017, Where I am King noong 2014, The Healing noong 2012. Naging aktibo rin siya sa mga palabas pantelebisyon gaya ng FPJs ang Probinsyano noong 2018, Hanggang Saan at My Dear Heart noong 2017.

 

Binawian ng buhay si Robert nito lamang Agosto 10m 2023 sa edad na 85 dahil sa Parkinson’s disease.



KILALANIN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGTAPOS NGAYONG 2023


KILALANIN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGTAPOS NGAYONG 2023

Naging isang malaking hamon para sa mga celebrities na sumikat ang mapagtuunan ang kanilang pag-aaral. Dahil sa dala ng kinang ng karera ng isang actor or actress ay bibihira ang mga celebrities na na nagpapahalaga sa edukasyon. Karamihan sa kanila ay nakatuon na lamang sa paggawa ng mga pelikula at palabas o kaya naman ay pag nenegosyo.

Sa taong ito ay marami ang mga artista ang bumalik sap ag-aaral at ang ilan sa kanila ay nagtapos pa ng may mataas na karangalan. Narito ay kilalanin natin ang mga celebrities na nagtapos sa taong 2023.

1. Jong Hilario

Marami ang humanga ng ibalita ni Jhong Hilario ang kanyang pagtatapos ng kursong political science sa Arellano University noong June 14, 2023. Bagaman madalas na e share ni Jhong ang kanyang journey bilang isang mag-aaral sa kanyang YouTUbe Channel ay hindi inasahan ng marami ang karangalang nakuha ng actor.

2022 nang iapgpatuloy ni Jhong ang kanyang online classes kung saan makikita sa kanyang mga e sini share na videos ay aktibo siyang nakikilahok sa mga talakayan at mgaing sa mga oral recitations.

Ipinakita ni Jhong kung paano niya mina manage ang kanyang klase at kung paano siya nakakasagot sa mga exams na ipinapadala sa kanyang tahanan.

Bagaman maraming tungkulin si Jhong bilang isang Makati Councilor ay nakuha pa rin niyang sumali sa Philippine Councilors Leage na isinagawa sa Laoag. At ang isa sa mga pinakamahirap na ginawa ni Jhong ay ang pag depensa niya ng kanyang thesis. Masaya si Jhong na sa edad na 46 ay nagawa pa niyang maging Magna Cum Laude na tunay na nakakabilib.

2. AJ Raval

Marami rin ang natuwa ng ibalita ni AJ Raval ang kanyang pagtatapos sa High School sa edad na 22. Si AJ ay produckto ng Alternative Learning System sa Pampanga.

Nagpasalamat si AJ Raval sa kanyang guro sa na si Jay Gopez dahil sa pagtitiyaga umano nito na turuan si AJ hanggang sa ito ay makapagtapos. July 21, 2023 naman nagtapos si AJ.

Ayon kay Ace, na nakakatandang kapatid ni AJ ay ipagpapatuloy umano ni AJ ang pag-aaral ng abogasya dahil ito umano ang pangarap ng sexy star.

Dahil sa planong ito ng aktres nap ag-aaral ay tinanggihan muna niya ang pagawa ng pelikula na Scorpio Night 3. 


3. Aiko Melendez

Naging espesyal rin para kay Aiko Melendez ang taong ito dahil nagtapos siya ng degree in Journalism.

July 29, 2023 naman nang ganapin ang graduation ni Aiko sa PICC sa Roxas Boulevard. 

Last year din umano si Aiko nagpatuloy ng kaniyan gpag-aaral dahil sa nahinto rin siya gaya ng maraming mga celebrities. Dating Mass Communicaiton ang kurso ni Aiko at nag shift umano siya sa BS Psychology at marami naman sa mga subject niya ang na- accredit.

Ang pagtatapos umano ni Aiko ngayon ay ang katuparan ng kanyang pangako sa kanyang Daddy Danny na by hook or by crook ay magtatapos siya ng pag-aaral. Matatandaang noong Prbrero 2021 ay namatay ang ama ni Aiko dahil sa Covid 19.

Isa rin umano itong inspirasyon para sa mga busy moms na katulad niya na pahalagahan ang edukasyon.





PURA LUKA VEGA PATAY NA!

 

Dahil sa mga nag viral na video ni Pura Luka Vega na pag-awit ng ama namin at paggawa, paggawa ng review ng ostia at pag perform ng nagtutulog ba ang Diyos na kung saan siya ay naka suot ng kasuotan ng isa sa mga patron ng katoliko na black nazaren ay maraming mga katoliko ang nanggigil sa sobrang galit.

 

Marami ang nagpahayag sa kanila na kabastusan umano ito para sa kanila, Na ang  pambabastos ay nagmula paman mismo sa kanilang myembro na si Pura Luka Vega.

 

Ideneklanag patay na! Patay na ang Karapatan ni Pura Luka Vega na pumasok sa General Santos City dahil sa ideneklara ng council ng nasabing lugar na Persona non grata ang nasabing drag queen.

 

Ang nasabing pagpatay sa Karapatan ni Pura Luka Vega na makapasok sa General Santos City ay pagpapakita daw umano ng sentimento ng mga taga General Santos city patungkol sa mga viral videos ni Pura na kung saan ang nakakaraming populasuyon sa nasabing lugar ay mga katoliko.

 

Bagaman maging ang pamunuan ng CBCP ay hindi natuwa sa ginawa ni Pura Luka Vega ay nanindigan si Pura Luka Vega na ito ay isang form of art and expression. Ito anya ang paraan niya ng pagsamba sa kanyang Diyos.


KILALANIN NATIN SI DIETHER OCAMPO AT ANG KANYANG ANAK

Si Diether Pascual Ocampo ay isinilang noong July 19, 1973. Siya ay nasa 49 taong gulang na sa kasalukuyan. Isa si Deither Ocampo sa mga hinangaan ng marami noong kanyang kapanahunan. Siya ay nagmula sa Bacoor Cavite. Nagtapos siya sa De La Salle University.

 

Nagsimula si Diether sa pagiging isa ng dancer bago siya na diskubre ng ABS CBN noong 1990s. Naging bahagi siya ng band Blow kung saan binansagan siyang Capt Mongrel. Noong 2001 ay siya ang naging executive producer ng The Pin-Ups album.

 

Naging bahagi si Diether ng Star Circle Batch 2 at lumabas siya sa teen program na Ang TV. 

 

Noong 2016 ay lumabas si Diether sa TV5 Series a Bakit Manipis ang Ulap kasama si Cesar Montano at Claudine Barretto.

 

2017 naman ay panandaliang huminto sa Showbiz industry si Diether at ngayo ay isang freelancer.

 

Nagsisilbi rin siya sa kasalukuyan sa Philippine Coast Guard Auxiliary bilang Lietenant Commander.

 

Si Kristine Hermosa ang naging asawa ni Diether Ocampo noong Sptember 2004 ngunit na annual ang kanilang kasal noong January 30, 2009.

 

Nagkaroon ng anak na lalaki si Diether sa isang non-showbiz girl. Ito ay si Dream Ocampo. Mahilig din sa gym ang anak ni Diether. Tiniyak naman ni Diether na nasusuportahan niiya ang kanyang anak na lalaki hanggang sa ito ay makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Hindi naipakilala ni Diether noon ang kanyang anak dahil sa hindi umano pumayag ang ina nito dahil sa pribadong pamumuhay lamang ang gusto nito sa kanilang anak.


KILALANIN SI MICHELLE MADRIGAL AT ANG KANYANG ANAK


KILALANIN SI MICHELLE MADRIGAL AT ANG KANYANG ANAK

 

 

Si Michellle Madrigal ay dating Filipino American Actress . Isinilang isya noong November 04, 1988. Siya ay nasa 34 na taong gulang na sa kasalukuyan. Siya ay ay isang finalist ng ABS-CBN reality talent search na Star Circle Quest.

 

Naging contract artist si Michelle ng kapamilya network noong 2004. Ito ang simula ng kanyang kasikatan. Lumabas siya sa ilang mga TV shows gaya ng SCQ reload at mga fantasy horror drama gaya ng Spirits, Crazy for You, Maging Sino Ka Man at  sa Sineserye Presents: May Minamahal.

 

Noong 2007ay si Annabelle Rama ang kanyang naging manager. Lumipat siya ng Kapuso Network kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na babae na si Ehra Madrigal.Naging tampok rin Si Michelle sa cve ng FHM Magazine.

 

Nakasama rin si Michelle sa mga palabas na Luna Mystika, Zorro, Tinik sa Dibdib kasama si Sunhine Dizon.

 

Noong 2015 ay bumalik si Michelle sa ABC CBN kung saan lumabas siya sa Pasion de Amor, Born for You at Ang Probinsyano.

 

Noong 20017 ay inanunsyo ni Michelle sa kanyang Instagram account na sila at ng kanyang asawa  na si Troy Woolfolk ay magkakaroon na ng anak. August 2021 naman ay kinumperma ni Michelle na siya at si Troy ay nagkahiwalay na.

Isang anak na babae ang ibiniyaya kaya Michelle. Ito ay si Anika. Narito ang ilang mga larawan at video ni Anika.


KILALANIN NAYIN SI TETCHIE AGBAYANI AT ANG KANYANG ANAK




Isinilang si Tetchie noong July 02, 1961. Siya ay nasa 61 taong gulang na sa kasalukuyan. Ang kanyang tunay na pangalan ay Visitacion Parado.

 

Nagtapos siya ng kanyang High School sa University of Santo Tomas at nag-aral ng Bachelor of Science in Architecture noong 1979 ngunit hindi niya ito natapos dahil sa kanyang patatrabaho bilang artista. Noong taong 200 ay natapos rin niya ang kanyang kurso at nakakuha pa ng Master of Arts in Psychology with Counseling Psychology program sa Ateneo de Manila University.

 

Nakilala ang kanyang pangalan Tetchie Agbayani sa mga palabas pelikula at telebisyon. Isa rin siyang Mutya ng Pilipinas, Isang Pschology Instructoe at model ng Playboy Magazine. Noon ay pamalagian siyang lumalabas sa issue ng German Playboy at sa isang special edition ng Women of the World.

 


Nagkapalad si Tetchie na lumabas sa mga Hollywood  movies gaya ng The Emerald Forest noong 1985, The Money Pit noong 1986, at sa pelikulang Rikky and Pete noong 1988. Lumabas din siya sa isang British television series na Yellowthread Street.

 

Noong 1989 ay panandaliaang lumisan si Techie sa mundo ng showbiz industry upang bigyang panahon ang kanyang pagiging ina sa kanyang anak na si China. Inilaan ni Techie ang kanang oras sa pribadong pamumuhay para sa kanyang anak na babae. Pribado ang naging pamumuhay ng anak ni Tetchie na si China.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo ng Psychology si Techie sa Saint Joseph habang paminsan minsan ay lumalabas sa mga pelikula. Ngayon ay makakasama siya sa lalabas na television drama sa Kapuso Network na Love Before Sunrise.

 




TOP 10 LEADING LADY NI DA KING FERNANDO PO JR


 

Dahil sa husay na kanyang ipinakita sa larangan ng paggawa ng mga pelikula ay hinangaan siya ng taong bayan. Minahal si Fernando Poe Jr. ng maraming mga manonood anupat umabot sa mahigit sa 200 ang mga pelikulang kanyang nagawa. Nabuhay siya noong 1939 at pumanaw noong 2004 sa edad na 65 taong gulang.

 

Maliban sa kanyang husay sa pakikpagbakbakan ay marami ring mga manonood ng inaabangan ang kilig na dala ng love story angle ng kanyang mga pelikula.

 

Narito ang top 10 leading lady na nakasama ni Fernando Poe Jr. na nagpakilig sa mga manonood.

 














1. Charo Santos

Nakasama ni Fernando Poe Jr. si Charo Santos sa Pelikulang Aguila noon 1980. Ang pelikula ay kwento ng isang matandang si Daniel Aguila na ginagampanan ni Fernando Poe Jr. Nagkatipon ang pamilya Aguila upang ipagdiwang ang ika 88 kaarawan ng kanilang nawawalang lolo na halos mag-iisang dekadang taon nang hindi masupungan at itunuring na nilang patay. Subalit nagulantang ang lahat ng makatanggap ng balita ang mga anak na si Daniel Aguila ay buhay.

 











2. Nora Aunor

Isa si Nora Aunor sa nakasama ni Fernando Poe sa pelikulang Little Christmas Tree noong 1977.

 




















3. Rio Locsin

Nakasama ni Da King si Rio Locsin sa pelikulang Kapag Lumaban ang APi king saan ito ay kwento ng pagtakas sa bilangguan ng bida upang iahiganti ang pagkamatay ng kanyang ama at panggagahasa sa kanyang kapatid na babae.

 











4. Sharon Cuneta

 

Nagpakilig naman sa maraming manonood ang tambalan nina Fernando Poe Jr. at Sharn Cuneta sa pelikulang Kahit Konteng Pagtingin. Ang pelikula ay nakatuon sa kay Georgia na ginagampanan ni Sharon Cuneta at ng kanyang body guard na si si Delfin na ginagampanan naman ni Fernando Poe Jr.

 













5. Nanette Medved

Naalala mo ba ang pelikulang ginawa ni Fernando Poe Jr kasama si Nanette Medved? Ito ay walang iba kundi ang palabas na Dito sa Pitong Gatang noong 1992. Ang pelikula ay nangyari sa isang barangay ng Tondo na Pitong Gatang kung saan si Berting Cayabyab na ginagampanan ni Fernando Poe Jr, ay ang Barangay Kapitan.

 












6. Alice Dixson

Nagpakilig naman sina Alice Dixson at Fernando Poe Jr. sa pelikulang Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape noog 1994.

 


















7. Anjanette Abayari

Sa pelikula namang Ang Syota Kong Balikbayan noong 1995 ay kinaaliwan rin sila ng mga manonood dah isa  kanilang pagpapakilig. Ang istorya ay patungkol kay Cathy na nagmula sa US. Sa kanyang pagbalik sa bansa ay na diskrubre niya ang balak ng kanyang uncle na kunin lahat ng kanyang kayamanan at mana.

 










8. Vilma Santos

Sa pelikulang Ikaw ang Mahal ko noong 1996 ay nagkasama sina Fernando poe at Vilma Santos. Ang pelikula ay patungkol kina Pilo bilang isang mild-mannered bodyguard at si Miling na isang old-fashioned probinsiyana na tumakas sa kanilang probinsya nang nais siyang ipakasal ng kanyang tiyahin sa isang mayamang matanda sa kanilang probinsya. Tadhana ang dahilan ng pagkita ng dalawa.

 











9. Dindi Gallardo

Sa isang sikat na pelikula nagkasama sina Dindi Gallardo at Fernando poe Jr. Ito ay sa pelikulang Ang Probinsyano noong 1997. Ang pelikulang ito ang binigyang muli ng buhay ni Coco Martin sa palabas pantelebisyon. Ang kwento ay patungkol sa paghihiganti sa pagkamatay ng kambal ni Kardo na si Leon at paghuli sa mga drug syndicate at corrupt  na policeman.













10. Dina Bonnevie

Taong 2002 naman nagkasama sina Fernando Poe Jr. at Dina Bonnevie sa pelikulang Batas ng Lansangan. Dito ay ginampanan naman ni Da King ang katauhan ni Major Ruben Medrano na isang elite anti-kidnaping task force. Subalit sa isang pagkakataon ay na suspend siya dahilan ng kanyang pagkalipat sa Maynila. Dito ay gusto niyang makasama ang anak na si Marissa na matagal nang nanirahan sa kapatid na babae ng kanyang asawa na namatay.


KILALANIN SI ROBERTO GONZALES AT ANG KANYANG MGA ANAK


Karate King of the Philippine Movies. Ito ang titulong nakakabit sa pangalang Roberto Gonzalez dahil isa siya sa mga hingaan noon bilang actor sa mga pelikulang nagawa niya kung saan ito ay pawang maaksiyong karate.

 

Kilala siya bilang rival nina Fernando Poe Jr. at Jospeph Estrada sa mga paggawa noon ng mga pelikula noong dekada 60 at 70. May mga pagkakataon pa noon na nalalagpasan pa ni Roberto Gonzales ang pinagsamang kita sa pelikula nina Fernando Poe Jr. at Joseph Estrada.

 

Naging milyonaryo siya at umangkin ng di pangkaraniwang kasikatan. Ngunit ang lahat ng ito ay unti-unting Nawala at namatay siyang isang dukha.

 

Isa si Roberto sa mga naapektuhan ng pagbago ng timpla sa panlasa ng mga manonood sa pagpasok ng makabagong panahon kung saan nawala ang lahat ng kanyang mga proyekto at paminsan minsa nalang ang mga proyektong inaalok sa kanya na hindi rin sumasapat sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

 

May mga kwento pa ang kanyang mga kapwa artist kung saan humihingi na umano si Roberto ng pera sa ilan nitong mga naging kaibigan upang gamitin sa pagpapa-aral ng kanyang mga anak.

Si Rose ang nag-alaga kay Roberto nang ito ay magkasakit at naghirap. Sina Bong Revilla at Lito Lapid umano ang madalas na magbigay ng pera kay Rose sa tuwing nagkakasakit si Roberto.

 

Dalawa ang anak ni Roberto Gonzales sa kanyang partner na si Rose. Ito ay sina Mariafe Gonzales at ang anak niyang lalaki na si Roberto Bobby  Gonzales Jr.

 

Si Mariafe Gonzales ay mayroon nang mga anak. Isa na rito si Marya Ayka Gonzales Carlos na naninirahan sa Nasugbu, Batangas at nagtatrabaho sa VRP Medical Center.

 

Si Bobby naman kasama ang kanyang inang si Rose ay nakatira sa Quezon City.

 

 

KILALANIN SI REY MALONZO AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI REY MALONZO AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Reynaldo Malonzo or Rey Malonzo ay isang dating actor sa ating bansa at kalaunan ay naging isang politiko. Nakilala si Rey sa kanyang mga pelikula noog 1970s at 1980s kung saan gumawa siya ng mga pelikulang karamihan ay martial arts na naging uso noon sa mga panahong iyon.

 

Kasama ang isa pang bantog na actor na si ramon Zamaro ay binigyan nila ng mukha ang kung fu at karate sa mga pelikula at sumikat ang tinatawag na Pinoy Bruce Lee clones noong 70s. Ilan sa mga pelikulang nagawa nila ay ang Bruce Liit noong 1978 kasam si Nino Muhlach, Ang Hari at ang Alas noong 1978, The Deadly Rookies noong 1978 kasama si Rio Locsin at Kambal Dragon naman noong 1978.

 

Naging matagumpay rin si Rey sa kanyang pagpasok sa politika. Katunayan ay nanalo siya bilang Mayor ng Caloocan sa tatlong magkakasunod na termino.

 

Nagtapos si Rey ng degree in Police Sciene mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Dalawa ang anak ni Rey sa Asawang si Gigi. Ito ay sina PJ at CK Malonzo.

 

Si Christopher PJ Malonzo ay isang City Councilor sa Distrito ng Caloocan. Naging Myembro siya ng Sangguniang Panlungsod mula 2016 hanggang 2019 at mula naman 2019 hanggang 2022. Isa siya sa anak ni Rey na nagtataglay ng kagandahang lalaki na gaya ng kanyang ama ay pweding maging actor kung nanaisin.

 

Si CK Malonzon namana ng isa pang anak na lalaki ni Rey. Kasama si CK nang maglaro ang kanilang pamilya at nagwagi laban sa pamilya ni Jeric Raval sa Family Feud at nakakuha ng 200,000 peso jackpot prize.

 

 


KILALANIN SI CHINGGOY ALONZO AT ANG KANYANG MGA ANAK

KILALANIN SI CHINGGOY ALONZO AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Siya ay si Ramon Alonzo na mas nakilala natin sa mga pelikula at palabas pantelebisyon bilang si Chinggoy Alonzo. Isinilang siya noon July 22, 1950 at pumanaw noong October 15, 2017 sa edad na 67 taong gulang dahil sa colon cancer.

 

Gaya ng maraming mga magagaling na actor sa ating bansa ay nagsimula rin si Chinggoy sa tiatro mula 1960 at naging isang magaling na stage director. Pagkatapos nito ay lumabas siya sa mga pelikulang Dito sa Pitong Gatang noong 1992, Saa Pag-ibig Na noong 1998 at Linlang noong 1999.

 

Ginampanan rin niya ang papel ni Don Ramon bilang ama ni Dingdong Dates sa darama serye na Sana ay Ikaw na Nga noong 2002. Isa ring ama ang ginampanan niya noong 2006 sa pelikulang Moments of Love kung saan si Iza Calzado naman ang kanyang anak sa pelikulang ito.

 

Noong 2013 ay nakasama siya sa pelikulang Indio at sa pelikulang Wildflower kung saan ginampanan niya ang papel ni SenatorPablo Alcantara na ama naman ni Roxanne Barcelo bilang si Natalie.

 

Dalawa ang anak ni Chinggoy ito ay sina RalionAlonzo at Shark Alonzo.

Si Ralion ay isa ring dating actor sa ating bansa  ngunit ngayon ay nagtatrabaho sa Hong Kong Disneyland kung saan gumaganap siya ng ibat’-ibang charaters ng Disney Revue at naging lead character ng Mulan na isang American Animated Musical Adventure film na naproduce ng Walt Disney.

 

Sa kabilang dako naman si Shark Alonzo na isa pang anak ni Chinggoy ay isa ring stage actor at gumanap bilang si Troy Bolton sa High School Musical noong 2006. Nakabilang rin siya sa Ateneode Manila University’s Gonzaga Hall Fine Arts Theater.



KILALANIN NATIN SI INA ALEGRE AT ANG KANYANG MGA ANAK


Natatandaan mo pa ba si Ina Alegre? Siya ay isang dating beauty Queen at actress sa ating bansa. Isa si Ina sa mga naging pambato ng ating bansa sa Miss Universe pageant. Aktibo si Ina sa kanyang karera sa showbiz industry mula 1990s hanggang sa kasalukuan.

 

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Ina ay ang Suspek noong 1999, Mumbaki noong 1996 at Banal noong 2008.

 

Hindi inakala ng marami na papasukin ni Ina Alegre o ni Jennifer Mindanao Cruz ang politika. Ikinasal si Ina kay Easter Visayas Police Regional Office Director Police Chief Supt. Gilbert Cruz at nagkaroon sila ng apat na anak.

 

Dating publisher rin si Ina sa OffCam Magazne at naging host ng ANCs magazine Show Thumbs Up.

 

SI Ina ay nahalal bilang Mayor noong 2019 election. Dati siyang vie mayor ng Pola mula 2016. Sa isang pahayag ni Ina nang tanungin siya tungkol sa kanyang pagiging politiko ay sinabi niyang naramdaman niya umano sa kanyang puso na kahit ano anya ang kayang gawin o puwersahin man niya ang kanyang sarili na pigilan ang pagiging public servant ay hindi niya umano ito mapahindian. Ang pagtulong umano sa kanyang mga kababayan ang talagang nasa puso niya.

 

Ilan sa mga proyektong kanyang nagawa ay ang pagkakaroon ng livelihood at scholarship at mga gift giving sa mga senior citizens.

 

Apat ang naging anak ni Ina Alegre. Tatlog babae at isang lalaki. Naritot’ kilalnin natin sila.

 

1. Patricia Angela Mindanao Cruz

Like mother Like daughter naman ang anak ni Ina na si Patricia dahil nakoronahan rin si Ina bilang 2020 Miss Philippine Youth sa Tanghalang Pasigueno kung saan tinalo niya ang 24 pang mga kandidata sa nasabing pageant.  Aspiring Policewamon si Patricia. Nagtapos siya ng knayng Senior High School sa San Beda. Totoong bata pa lamang si Pratricia ay palaban na siya sa buhay. Noong labing isang taong gulang palang si Patricia ay nanalo na siya ng 2015 Princess of the Universe sa Bulgaria.

 

May dawala pang anak na babae si Ina na pawang nagtataglay rin ng kagandahang namana nila sa kanilang ina. Ang anak niyang lalaki ay kaikitaan rin ng magandang pagmumukha.



KILALANIN SI EULA VALDEZ AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Marahil ay isa si Eula Valdez sa iyong hinahangaan at iniidolo sa mga batikang aktres sa ating bansa. Siya ay si Maria Julia Amorsolo Valdes sa tunay na pangalan. Siya ang original na Amor Powers sa orihinal na bersyon ng palabas na Pangako Sayo noong 2000. Ginampanan rin niya ang papel ni Janice sa palabas na Bagets nong 1984.

 

Isa si Eula Valdez sa mga apo ng sikat na pintor na si Fernando Amorsolo. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Asian Studies sa University of Santo Tomas Faculty of Arts and Letters. Isa rin si Eula sa mga Volleyball varsity players ng nasabing unibersidad.

 


Taong 2019 ay gumanap rin siya sa palabas na The General’s Daughter bilang si Corazon de Leon, sa Love Thy Woman bilang si Lucy, Return to Paradise ilan gsi Amanda, at ngayon ay kasama siya sa Unbreak My Heart ng Kapuso Network.

Unang naging karelasyon ni Eula ay si Ronnie Quizon kung saan nagkaroon silang isang anak na lalaki.

Matapos an magkahiwalay ay naging asawa ni Eula Valdez si Richard Litonjua noong 2003. Siya ay isang Electrical enginerr sa bansang Australia. Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ni Eula at Richard noong 2009. Nagkaroon sila ng anak na babae. Ang huling naging karelayon ni Eula Valdez ay si Rocky Salumbides. Ngunit matapos ang 13 taong pagsasama ay muling auwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

 


Nagkaroon ng dalwang anak si Eula. Ito ay sina Miguel at Juliana.

 

Si Miguel ang panganay na anak ni Eula kay Ronie Quizon. Si Miguel ay isan artist na maaring may connection sa Altum Animus at Edge. Mayroon na rin siyang asawa at anak. Nagpakasal siya noong Octobre 22, 2021.

 

Si Juliana naman ay anak ni Eula sa kanyang dating asawang si Richard. Namumuhay ng pribado si Juliana a tmalayo sa mundong tinahak ng kanyang ina.

KILALANIN NATIN SI PRECIOUS LARA QUIGAMAN AT ANG KANYANG MGA ANAK



Si Precious Lara San Agustin Quigaman Alcaraz ay isinilang noong January 03, 1983. Siya ay isa sa mga kilalang aktres at multiproduct endorser sa ating bansa. Isa rin siyang beauty queen na nanalo ng Miss International 2005 na ginanap sa Tokyo Japan. Siya ang ikaapat na Filipina na nanalo ng nasabing korona.

 

SI Lara ang panganay sa apat magkakapatid. Lumaki si Lara sa Binan Laguna at sa Bahrain kung saan nagtrabaho ang kanyang ama. Matapos ang limang taon na pananatili sa Bahrain ay bumalik si Lara sa Laguna at tinapos niya ang kanyang pag-aaral sa high school sa La Consolacion College at nagtapos ng kanyang kolehiyo sa South Gloucestershine and Stroud College sa bansang England. Doon ay kumuha siya ng Media Production and Communication course.

 

Na engage si Lara sa kanyang boyfriend na si Marco Alcaraz noon 2010 at nagpakasal sila sa isang sreremonyang sibil noong January 1, 2011 sa Vancouver, Canada. Nagpakasal muli sila sa isang Christian ceremony sa Hacienda Isabela sa Tagaytay city noong July 08, 2012.

 


Nagkaroon ng tatlong anak si Lara.  Ito ay sina Noah, Tobin, at Moses. 

 

Si Noah ang panganay sa tatlong anak na lalaki ni Lara. Si Tobin naman ang ikalawa at si Moses ang kanilang bunso.

 

Aktibo si Noah sa kanyang Instagram account at mayroon na siyang halos lagpas na sa 20k followers.

 


KILALANIN NATIN SI TESSIE TOMAS AT ANG KANYANG ANAK



Si Tessie Tomas ay isang batikang actress sa ating bansa. Siya ay isa ring manunulat, stand up comedian at dating advertising executive. Nakilala siya nang siya ay maging bahagi ng RPN Sketch comedy shoe na Champoy at sa pagigign host ng ABS-CBN talk show na Teysi ng Tahanan.

 

1980 naman nang  siya ang kauna-unahang female creative director ng McCann Erickson Philippines.

 

Nakasama sin si Tessie Tomas sa mga sikat na pelikula gaya ng Kapitan Kidlat, Napakasakit Kuya Eddiem Pempi ni Sara at Pen. Maging sa mga palabas pantelebisyon ay hindi siya pinagsasawaan ng kanyang mga manunuod. Ilan sa mga palabas na kanyang nagawa ay  Haplos, Buena Familia, Kambal Sirena, The Blood Sisters at ngayon ginagampanan niya ang papel ni Dona Cielo Fierro sa pinag-uusapan at inaabangang Dirty Linen na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez.

 

Si Roger Pullin ang kanyang asawa na isang marine biologist. 2019 ay napabalita noon ng piniling manirahan ni Tessie sa isang Island paradise kasama ang kanyang asawa at anak. Ang island paradise na ito ay tinawag na Islang of Man. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Dublin sa Irelang at ng Liverpool na hometown ng Beatles.

 

Ngunit sa kanyang pagbabalik ngayon sa showbiz industry ay tila ginulat ni Tessie ang lahat sa kanyang walang kupas na galing sa pag-arte. Si Tessie at Roger ay biniyayaan ng isang anak na lalaki. Ito ay si Robin. Si Robin ay isang fashion designer na nakabase sa New York.

 

Kung may nais kayong malaman sa mga anak ng inyong paboritong artista ay I comment lamang yan sa ibaba.

KILALANIN NATIN SI SUNSHINE DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK

KILALANIN NATIN SI SUNSHINE DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Margaret Sunshine Dizon ay isinilang noongJuly 3, 1983. Siya ay isang sikat na aktres sa ating bansa. Isa rin siyang director at producer. Tinawag siya ng kanyang mga tagahanga bilang Daytime Drama Queen dahil sa kanyang husay sap ag-arte.

 

Bata pa lamang si Sunshine Dizon ay nagawaran na siya ng FAMAS Award noong 1995. 2017 naman ay nanalo siya ng Gawad Amerika Awar dahil sa kanyang napakagaling na paggaa sa Ika-6 na Utos. Noong 2019 naman ay pinarangalan siya ng PMPC Star Award bilang TV Queens at the Turn of the Millennium.”

 

Ilan sa mga di malilimutang mga palabas na nagawa niya ay ang Encantadia, Impostra, at Bakekang.

 

Ikinasal si Sunshine Dizon noong 2010 sa isang businessman na si Timothy Tan ngunit nagkahiwalay sila matapos ang anim na taon dahil sa nalaman niyang mayroong ibang babae ang kanyang asawa.

Nagkaroon si Sunshine Dizon  ng dalawang anak. Isang lalaki at isang babae. Ito ay sina Anton Tan at Doreen Tan.

 

 

Si Doreen ay ang napaka cute na anak ni Sunshine na madalas niyang tawaging China Doll dahil sa mukha itong manika. Ngayon ay hindi na China doll ang tawag ni Sunshine sa kanyang anak na babae kundi isa nang Korean Doll.

 

Si Anton naman ay nagdiwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang Hunyo 2022. Isang mabait at mapagmahal na bata si Anton sa kanyang mga magulang, lolo at lola.

 

KILALANIN NATIN SI ANGELU DE LEON AT ANG KANYANG MGA ANAK


 

Si Angelu de Leon-Rivera o Maria Luisa Angela Martinez de Leon ay isang sikat na aktres sa ating bansa. Siya ay ipinanganak noon Hulyo 22, 1979. Ang kauna-unahang palabas ni Angelu ay ang "Ang TV kasama niya sina Claudine Barretto, at Jolina Magdangal.

Siya ay isa sa mga nakasama sa palabas pantelibisyon na "T.G.I.S". Pumatok sa masa ang tambalang Angelu-Bobby sa nasabing programa kaya’t nasundan ito ng mga pelikula gaya ng Laging Naroon Ka, Wala Na Bang Pag-Ibig, Ikaw Na Sana na naging Teleserye, at Ang Lahat ng Ito'y Para Sayo, na tumalo sa tambalang Judy Ann Santos at Wowie De Guzman.

 Ngunit nagulat ang marami niyang tagahanga ng napabalitang buntis ang Aktress sa aktor na si Joko Diaz naging kontrobersiyal ang balita. Pagkatapos ng pagluwal sa kanyang anak.

 Nagbalik si Angelu sa pelikula sa pamamagitan ng Bulaklak ng Maynila na nanalo siyang Best Supporting Actress. Bukas Na Lang Kita Mamahalin na Nanalo siya bilang Best Actress. sa ngayon ay may dalawa ng anak si Angelu at may nakatakda siyang gawing pelikula kasama sina Ruffa Mae Quinto, Mylene Dizon, at Lj Moreno.

 

Kasal si Angelu kay Lorenzo Rivera. Ikinasal sila noong 2010. Sa videong ito ay kilalanin rin natin mga kasama ang mga anak ni Angelu de Leon.

 

1.Maria Louise Nicole

Si Nicole ay nagtapos naman ng kanyang pag-aaral sa Ateneo sa School of Social Science ng AB Communication noong October 2021. Siya ang parang pinagbiyak na bunga at ng kanyang inang si Angelu. Proud na proud naman sa kanya ang kanyang mga magulang, kapatid at maging ang kanilang lola.  Isang napakagandang anak na babae ni Angelu rin si Nicole. Balak rin ni Nicole na magtapos sa School of Law sa Ateneo De Manila University. Si Niole ang anak ni Angelu at ng actor na si Joke Diaz.

 

 

2. Loise

Nag-aral si Loise sa Immaculate Conception Academy. Siya ang isa pang anak na babae ni Angelu na nagtataglay ng napakagandang mukha. Kahit na sa kanyang murang edad noong siya ay nasa high school pa lamang ay talagang mapapahanga ka rin sa kanyabng taglay na kagandahan. Si Loise ay nasa 21 taong gulang na sa kasalukuyan. Hindi malayon maging isang sikat rin siyang actress gaya ng kanyang ina.

 

 

3. Renzo

        Isa pang anak na lalaki ni Angelu ay si Renzo. Si Rexo ay  nasa 19 na taong gulang na sa kasalukuyan. Gaya ng kanyang mga kapatid na babae, kakikitaan rin ng magandang mukha si Renzo.

 

4. Rafa

Si Rafa ang bunsong anak ni Angelu. Siya ay nasa 11 taong gulang na sa kasalukuyan.

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...