Karate King of the Philippine Movies. Ito ang titulong
nakakabit sa pangalang Roberto Gonzalez dahil isa siya sa mga hingaan noon
bilang actor sa mga pelikulang nagawa niya kung saan ito ay pawang maaksiyong
karate.
Kilala siya bilang rival nina Fernando Poe Jr. at
Jospeph Estrada sa mga paggawa noon ng mga pelikula noong dekada 60 at 70. May
mga pagkakataon pa noon na nalalagpasan pa ni Roberto Gonzales ang pinagsamang
kita sa pelikula nina Fernando Poe Jr. at Joseph Estrada.
Naging milyonaryo siya at umangkin ng di
pangkaraniwang kasikatan. Ngunit ang lahat ng ito ay unti-unting Nawala at
namatay siyang isang dukha.
Isa si Roberto sa mga naapektuhan ng pagbago ng timpla
sa panlasa ng mga manonood sa pagpasok ng makabagong panahon kung saan nawala
ang lahat ng kanyang mga proyekto at paminsan minsa nalang ang mga proyektong
inaalok sa kanya na hindi rin sumasapat sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
May mga kwento pa ang kanyang mga kapwa artist kung
saan humihingi na umano si Roberto ng pera sa ilan nitong mga naging kaibigan
upang gamitin sa pagpapa-aral ng kanyang mga anak.
Si Rose ang nag-alaga kay
Roberto nang ito ay magkasakit at naghirap. Sina Bong Revilla at Lito Lapid
umano ang madalas na magbigay ng pera kay Rose sa tuwing nagkakasakit si
Roberto.
Dalawa ang anak ni
Roberto Gonzales sa kanyang partner na si Rose. Ito ay sina Mariafe Gonzales at
ang anak niyang lalaki na si Roberto Bobby Gonzales Jr.
Si Mariafe Gonzales ay
mayroon nang mga anak. Isa na rito si Marya Ayka Gonzales Carlos na naninirahan
sa Nasugbu, Batangas at nagtatrabaho sa VRP Medical Center.
Si Bobby naman kasama ang
kanyang inang si Rose ay nakatira sa Quezon City.
No comments:
Post a Comment