Dahil sa husay na kanyang ipinakita sa larangan ng paggawa
ng mga pelikula ay hinangaan siya ng taong bayan. Minahal si Fernando Poe Jr.
ng maraming mga manonood anupat umabot sa mahigit sa 200 ang mga pelikulang
kanyang nagawa. Nabuhay siya noong 1939 at pumanaw noong 2004 sa edad na 65
taong gulang.
Maliban sa kanyang husay sa pakikpagbakbakan ay marami ring
mga manonood ng inaabangan ang kilig na dala ng love story angle ng kanyang mga
pelikula.
Narito ang top 10 leading lady na nakasama ni Fernando Poe
Jr. na nagpakilig sa mga manonood.
1. Charo Santos
Nakasama ni Fernando Poe Jr. si Charo Santos sa Pelikulang
Aguila noon 1980. Ang pelikula ay kwento ng isang matandang si Daniel Aguila na
ginagampanan ni Fernando Poe Jr. Nagkatipon ang pamilya Aguila upang ipagdiwang
ang ika 88 kaarawan ng kanilang nawawalang lolo na halos mag-iisang dekadang
taon nang hindi masupungan at itunuring na nilang patay. Subalit nagulantang
ang lahat ng makatanggap ng balita ang mga anak na si Daniel Aguila ay buhay.
2. Nora Aunor
Isa si Nora Aunor sa nakasama ni Fernando Poe sa pelikulang
Little Christmas Tree noong 1977.
Nakasama ni Da King si Rio Locsin sa pelikulang Kapag
Lumaban ang APi king saan ito ay kwento ng pagtakas sa bilangguan ng bida upang
iahiganti ang pagkamatay ng kanyang ama at panggagahasa sa kanyang kapatid na
babae.
4. Sharon Cuneta
Nagpakilig naman sa maraming manonood ang tambalan nina
Fernando Poe Jr. at Sharn Cuneta sa pelikulang Kahit Konteng Pagtingin. Ang
pelikula ay nakatuon sa kay Georgia na ginagampanan ni Sharon Cuneta at ng
kanyang body guard na si si Delfin na ginagampanan naman ni Fernando Poe Jr.
5. Nanette Medved
Naalala mo ba ang pelikulang ginawa ni Fernando Poe Jr kasama
si Nanette Medved? Ito ay walang iba kundi ang palabas na Dito sa Pitong Gatang
noong 1992. Ang pelikula ay nangyari sa isang barangay ng Tondo na Pitong
Gatang kung saan si Berting Cayabyab na ginagampanan ni Fernando Poe Jr, ay ang
Barangay Kapitan.
6. Alice Dixson
Nagpakilig naman sina Alice Dixson at Fernando Poe Jr. sa
pelikulang Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape noog 1994.
7. Anjanette Abayari
Sa pelikula namang Ang Syota Kong Balikbayan noong 1995 ay
kinaaliwan rin sila ng mga manonood dah isa
kanilang pagpapakilig. Ang istorya ay patungkol kay Cathy na nagmula sa
US. Sa kanyang pagbalik sa bansa ay na diskrubre niya ang balak ng kanyang
uncle na kunin lahat ng kanyang kayamanan at mana.
8. Vilma Santos
Sa pelikulang Ikaw ang Mahal ko noong 1996 ay nagkasama
sina Fernando poe at Vilma Santos. Ang pelikula ay patungkol kina Pilo bilang
isang mild-mannered bodyguard at si Miling na isang old-fashioned probinsiyana
na tumakas sa kanilang probinsya nang nais siyang ipakasal ng kanyang tiyahin
sa isang mayamang matanda sa kanilang probinsya. Tadhana ang dahilan ng pagkita
ng dalawa.
9. Dindi Gallardo
Sa isang sikat na pelikula nagkasama sina Dindi Gallardo at
Fernando poe Jr. Ito ay sa pelikulang Ang Probinsyano noong 1997. Ang pelikulang
ito ang binigyang muli ng buhay ni Coco Martin sa palabas pantelebisyon. Ang
kwento ay patungkol sa paghihiganti sa pagkamatay ng kambal ni Kardo na si Leon
at paghuli sa mga drug syndicate at corrupt
na policeman.
10. Dina Bonnevie
Taong 2002 naman nagkasama sina Fernando Poe Jr. at Dina
Bonnevie sa pelikulang Batas ng Lansangan. Dito ay ginampanan naman ni Da King
ang katauhan ni Major Ruben Medrano na isang elite anti-kidnaping task force.
Subalit sa isang pagkakataon ay na suspend siya dahilan ng kanyang pagkalipat
sa Maynila. Dito ay gusto niyang makasama ang anak na si Marissa na matagal
nang nanirahan sa kapatid na babae ng kanyang asawa na namatay.
No comments:
Post a Comment