KILALANIN SI CHINGGOY ALONZO AT ANG KANYANG MGA
ANAK
Siya ay si Ramon Alonzo na
mas nakilala natin sa mga pelikula at palabas pantelebisyon bilang si Chinggoy
Alonzo. Isinilang siya noon July 22, 1950 at pumanaw noong October 15, 2017 sa
edad na 67 taong gulang dahil sa colon cancer.
Gaya ng maraming mga
magagaling na actor sa ating bansa ay nagsimula rin si Chinggoy sa tiatro mula
1960 at naging isang magaling na stage director. Pagkatapos nito ay lumabas
siya sa mga pelikulang Dito sa Pitong Gatang noong 1992, Saa Pag-ibig Na noong
1998 at Linlang noong 1999.
Ginampanan rin niya ang
papel ni Don Ramon bilang ama ni Dingdong Dates sa darama serye na Sana ay Ikaw
na Nga noong 2002. Isa ring ama ang ginampanan niya noong 2006 sa pelikulang
Moments of Love kung saan si Iza Calzado naman ang kanyang anak sa pelikulang
ito.
Noong 2013 ay nakasama siya
sa pelikulang Indio at sa pelikulang Wildflower kung saan ginampanan niya ang
papel ni SenatorPablo Alcantara na ama naman ni Roxanne Barcelo bilang si Natalie.
Dalawa ang anak ni Chinggoy
ito ay sina RalionAlonzo at Shark Alonzo.
Si Ralion ay isa ring
dating actor sa ating bansa ngunit
ngayon ay nagtatrabaho sa Hong Kong Disneyland kung saan gumaganap siya ng
ibat’-ibang charaters ng Disney Revue at naging lead character ng Mulan na
isang American Animated Musical Adventure film na naproduce ng Walt Disney.
Sa kabilang dako naman si
Shark Alonzo na isa pang anak ni Chinggoy ay isa ring stage actor at gumanap
bilang si Troy Bolton sa High School Musical noong 2006. Nakabilang rin siya sa
Ateneode Manila University’s Gonzaga Hall Fine Arts Theater.
No comments:
Post a Comment