Si Michelle Van Eimeren ay isang Australian beauty queen at dating aktress sa ating bansa. Siya ang nag representa ng bansang Australia sa Miss Universe pageant noong 1994 kung saan ito ay ginanap sa Manila. Nakuha niya lamang ang ika labing isang pwesto sa nasabing pageant.
Matapos ang kanyang pagsali sa pageant ay pinasok niya ang mundo ng pelikula sa ating bansa kung saan ay nag star siya at nakasama ang aktor na si Ogie Alcasid na kalaunan ay naging asawa nito noong 1996. Maliban ditto ay kinahiligan rin ni Michelle ang pagsusulat ng libro. Naisulat niya ang librong Butterfly- isang librong pambata. Lumabaas rin si Michelle a mga commercial at naging modelo at product endorser.
Sa kasalukuyan ay naninirahan si Michelle sa Australia
matapos na maghiwalay ang dalawa noog 2007. November 2009 naman ay muling
ikinasal si Michelle sa kanyang bagong kasintahan na si Mark Morrow.
Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Michelle ay Manalo en
Michelle: Hapi Together, Isko-Adventure in Animasia, Pwera Biro Mahal Kita:D
beachboys at Syempre Ikaw Lang ang Syota Kong Importe.
Dalawa ang anak ni Michelle Van Eimeren narito’t kilalanin
natin sila.
1. Leila Isabel van Eimeren Alcasid
Si Leila Isabel ay isinilangnoon Octobre 16, 1997. Siya ay isang Filipino-Australian singer-songwriter, actress at model sa ating bansa. Sa edad na 24 ay isa masasabing matagumpay na si Leila sa kanyang napiling karera.
Nag-aral si Leila ng kanyang elementary sa St. Paul’s
Primary School at ng kanyang secondary sa Chevalier College. Noong siya ay
nag-aaral pa bilang first year college sa University of Sydney ay mayroon na
siyang malaking pagmamahal sa musika katunayang mayroon na rin siyang mga
naisulat na mga kanta na tunay na minana niya mula sa kanang amang si Ogie
Alcasid.
Noong bumalik si Leila sa Pilipinas upang eryosohin an g kanyang karera noong 2017 ay nagkaroon siya
ng maraming mga followers sa kanyang Instagram. Naging bahagi rin si Leila ng
Star Circle noong 2018 at noong January naman nang nasabing taon ay pumirma
siya sa kontrata ng Star Magic kung saan ay inawit niya ang Completely Inlove
na nairelease noong Pebrero.
Maliban dito ay ag kanyang mga singles na I’m Not at
Someday Paradise ay narinig rin ng marami sa atin.
2. Sarah Alcasid
Noong September nang nakaraang taon ay binate ni Ogie ang
kanyang anak na si Sarah sa kanyang ikalabin siya na kaarawan. Tunay na gustong
gusto na ni Ogie na makasama ang kanyang mga anak na matagal na niyang hindi
nakikita.
Sa kasalukuyan ay naninirahan si Sarah sa Australia kasama
ang kanyang inang si Michelle van Eimeren.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong
kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment