Si Joseph Victor Gomez Ejercito ay isinilang noong December
26,1969 at mas kilala natin sa pangalang JV Ejeccito Estrada. Siya ay isang
kilalang politiko at negosyante sa ating bansa. Siya ay dating senador na
nanilbihan mula 2013 hangga 2019. Naging representative rin siya g San Juan
mula 2010 hanggang 2013 at nagig mayor
mula naman noong 2001 hanggang 2010. Siya ay anak ng dating pangulong Joseph
Estrada at kapatid ng sikat na aktor at politiko na si Jinggoy Estrada.
Nagtapos si JV ng kanyang preimarya at sekondarya sa Xavier School at ng kanyang kolehiyo ng kursong Bachelor of Arts in Political Science sa De La Salle University.
Si Si JV ay isang reserve officer ng Philippine Marine
Corps na may ranking Major. Adopted rin siya ng Philippine Military Academy
Class 88, na Maringal.
Kasal si JV kay Hyacinth “Cindy” Lotuaco. Mayroong dalawang
anak si JV ito ay sina Jose Emilio at Julio Jose
Si Emilio ang panganay na anak ni JV. Suportado ni Emilio
ang kanyang ama sa political na karera nito. Katunyan ay siya ang ipinaadala ng
kanyang ama upang magsalita sa mga panahon na hindi ito makakarating. Sa ngayon
ay tumatakbo parin si JV sa susunod na halalan kung saan kasama pa rin niya ang
anak na si Emilio sa pangangampanya.
May isa pang anak na lalaki si JV na si Julio. Si Julio ay maliit pa lamang at kasalukuyang nag-tinatapos ang kanyang pag-aaral.
No comments:
Post a Comment